CHAPTER 2: WELCOME TO HELL

1 0 0
                                    


••••••••••••••••••
Chapter 2
••••••••••••••••••
"Boring!!!" —Sonaka
••••••••••••••••••
=Kajima's POV=

Hay nako walang teacher, at sa loob ng classroom makikita mo mga estudyanteng nag-uusap ng kahit ano, mapa Anime o Wattpad...o games...

Sinubsob ko nalang yung ulo ko sa mesa

"Totoo ba yung Hell University na sinasabi nila? Diba story lang yun ni kuya KIB?"

"Oo daw, katakot naman nun" rinig ko bulungan ng mga babae

Hay nako makapagpaniwala sila sa ganyan

"Tol, hanapin kaya natin yung hell cemetery sinasabi nila" sabi ni james

"Hell University ugok" sabi ko sa kanya

"Sorry ikaw nalang, ok nako magbasa ng hell university, di ko pa nga tapos eh" dagdag ko

"Naduduwag ka nu?" Pang aasar ng mokong

"Hindi, di talaga ako interesado puntahan yung sinasabi nila"
....
....
....
....
[25 minutes later]
"Buti sumama ka" pa cute na sabi ni sonaka

Oo cute sya, pero not my type
"Pwede bang ipaliwanag mo james kong bat mo sinama yan?" Tanong ko kay james

"Mas maganda kasi pag marami" ngiti pa nya

Sarap mo ipachop chop james

"Ang raming lamok" reklamo ni sonaka

At sa paglalakad namin sa huli nahanap din namin

"Ito na tol, ang Hell University" manghang sabi nya

Open yung gate...

Pumasok na ang dalawa, papasok na sana din ako nung may nakita akong nakasulat sa gilid na WATTPAD FUN PARK, pero natatabunan ng mga gumagapang na halaman at mga iba pang halaman

"Kajima, halika ka na" sigaw ni sonaka

Ahhh, gets ko na, for wattpad fans, ginawa 'tong lugar para sa mga mahilig sa HU

"Kajima tol!" Sigaw ni james

Sumunod nako sa kanila, di ko sinabi na park lang to for fans, nyahahaha

"Tol katakot" nanginginig sabi ni james

"Anong ginagawa nyo rito?!" Tanong ng lalaking may dalang itak

Ayos scripted, parang totoo talaga haha

"Kasi ano po..." Utal na sabi ni james

"Mag eenrol po kami" sabi ko ng buong pusong tapang

Di naman ako takot sa itak, baka kahoy lang yan hahaha, props nga eh

"Mag-paenroll? Baka transfer sinasabi nyo, naka uniform pa kayo eh, umuwi nalang kayo" sabi nung mama

Nakalimutan ko palang nakauniform pa kami

"Pero gusto nyo pumasyal pumasok kayo!!" Sabi nya

Ayos din =____=

"Sundan nyo ko" dagdag nya

100% may riot dito, i mean kunwaring riot for audiences

At may madame violet pa
....
....
....
...
..
"Hala tol may gulo ata" sabi ni james

Tama nga ako may riot

"HOY MGA LALAKI!!" Lumingon ako sa likod sino sumigaw...

Sonaka?

"PWEDE MAKIPAGJOIN SA INYO?" Sigaw nito

"Hala kajima, pigilan mo sya, mamatay sya" sambit ni james sakin

Scripted lang to, di ko pipigilan yan

"Yeahhh, halika dito miss!!" Sabi ng isang pang babae sa grupo

"Oh yeah" sigaw ng mga lalaki at buong grupo

"*___*  wow, yepeee" masayang mukha ni sonaka

"Kajima mamatay sya? pigilan mo" sabi ulit ni james

"Edi mas mabuti" sagot ko

"Kajima, wala kang konsensya, isa kang ungentlemen" sabi nya na kunwari habang nagdadrama sya may spotlight galing sa taas =___=

"Anong ginagawa nyo dito?" Natigil ang lahat ng may dumating...
Mukhang alam ko na'to, si madame violet

Sabi ko na eh hahaha...
At napansin kong gabi na

"Oi Kajima, diba?" kalabit ni james sakin na takot na

"Hehe ang saya nito" sabi ko habang nakangisi

"Huh?Anong nangyayari? Asan yung mga estudyante kanina lang andito sila" Tanong ni sonaka

"Bumalik na yung iba sa dorm, yung iba.... Hahahaha" sabi nyang malademonyong tawa pa

Sira ulo ata, nadala sa role nya

"Ano po yung iba?" Tanong ni sonaka

"Wait nga muna, di ko na kaya aalis na ako at matutulog na sa bahay" sambit ko

At gutom na rin ako, sana di nalang ako sumama eh

"Once you enter..." Sabi ni madame at pinutol ko yun at dinugtungan

"...there's no turning back. Yeah lam ko yun, nabasa ko simula ng page ng libro" sabay hikab ko

Sana talaga di nako pumunta eh

"Hoy, outsider, ibig sabihin ay di pa kayo nagbabayad ng entrance dito sa... Ahhh basta" tinuro pa ako

Ahhh park nga pala 'to, i forgot that
"Entrance?" Tanong ni james

"Ahhh basta di kayo makakaalis dito" sabi ni madame, pero ako unti-unting naglakad patungong gate

Pero may naka-maskara ang umatake sakin na may dalang kutsilyo at umilag naman ako

"Anong?" Nasabi ko nalang

Masasama pala mga estudyante dito, pero...

"Kala mo ah, magaling to sa sports lalo na sa martial arts" sinabi ko sa kanya

"Nakamaskara ka dahil ang PANGET ng mukha mo" dagdag ko pa

Sana maasar

"Hahahaha" tumawa lang sya

=Madame Violet's POV=

Kong makakaya mong lagpasan mga estudyante dito, makakaalis dito

Ang dalawa nyang kasama nakatingin sa labas ng bintana habang pinapanood yung kasama nyang lalaki na sinusubukan labanan si ace

=Kajima's POV=

Hindi ko alam na parang tinutoo na nila yung pagiging character sa librong yun, siguro sa sobrang obssessed sa pagbabasa ng Hell University, teka....

May number pala ako ni Knight In Black, di nya talaga pa sinasabi true name nya, Knight in Black or KIB daw itawag ko

Umatake ulit yung nakamaskara, at binaba ko katawan ko para makaiwas at sinuntok ko sikmura nya na dahilan ng pag atras nya

Aatake ulit sya pero pinigil ko

"Wait lang may tatawagan muna ako" sabi ko

Pero di sya nakinig, pero naidial ko number ni KIB

Nagring ito at...

{Hello}
"Anong hello, ganito talaga ba ka worst yung HU park nato, super obssessed na eh" sabi ko sabay iniiwas at dumidipensa sa mga atake ng nakamaskara
{Haha, ganyan talaga yan haha, after dyan sa Charm academy at marami pang school dyan mula sa ibat-ibang author, geh bye}
"Teka!"
{End call}

Abat binabaan ako, pero di ako nakaiwas sa isang tama, nadaplisan ako ng kunti sa pisngi

"Pwes galit nako, lalabanan ko na kayo" sabi ko, kala ko props lang yung kutsilyo totoo pala

To be continued...

My "LIFE" has a problemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon