Chapter 1:Ang love story ni Ms.tabachingching

28 3 2
                                    

"Hay naku Lan-lan."-ika ko

Napataas lang yung kilay nya. Pwe! Ang sungit mo.

"Eh sa may sinusulat pa nga ako eh, ang kulit mo naman Abriel."

(__ __") Bakit ba? Humihingi nga lang ng opinyon eh.

"Ang sungit mo! Kaya kunte lang nagbabasa ng mga isinusulat mo eh." and again, napataas na naman kilay nya, bat ba ang hilig mo sa ganyan?! Alam mo namang ang cute mo tingnan pag naka taas ang kilay. Tsss.

"Sige.Sige! Ano nga ulit yung kwento Ms. Abriel Callie Laurel?" Psh. Kita mo to. Di talaga nakinig kanina eh noh?

"Ewan ko sayo Mr. Lance Anthony Donivee. Nakakainis ka! Di ka naman nakikinig eh!" (~_~) Naiimbyerna na talaga ako sa kanya. Palibhasa kasi nagsusulat na naman sya ng isang nobela ewan ko kung ano wala naman akong paki sa mga sinusulat nya. Hmmmpt!

"Edi bahala ka. Ipagpapatuloy ko nalang tong sinusulat ko." Tingnan mo to. Napakamaldito. Di man lang ako pinilit. Hay ASA ka nga naman pala Abriel.

"Oo na! Yung Love Story nga kasi ni Ms.Tabachingching."

"Oh? Ano naman yung about doon?"

"Ganito kasi yan Lan-lan eh."

*********************************************************

"Basagin ang baboy! Basagin ang BABOY!!!"

Hay. Ayan na naman sila. Ang mga mapanglait na bata. Kailan kaya sila titigil? Tsk. Pag ako napuno sa inyo, hihigaan ko kayo ng todo tingnan ko lang kung di kayo mapisat.

By the way ako pala si Angeline(jhing) Miguel. Oo mataba ako, obesse, over weight at super fat.

Eh ano naman ngayon? Di ko naman kayo inaano ah. Bat ba ang dali-daling mag judge ng isang tao? Sa panlabas na anyo ba yan? Doon ba talaga ang batayan?

"Oi! Jhing! School ka na ba dideretchu?" tanong ni Abby kaibigan ko. Oo kahit naman mataba ako meron parin akong kaibigan.

"Ahm hindi eh. Sorry Abby pupunta pa kasi ako sa Station. At mamaya pa rin kasi ang klase ko. Pasensya na talaga."

Kung tatanungin nyo kung saan o anong station yung ibig kong sabihin. Malalaman nyo na mamaya.

"Ahhh. Okay lang Jhing. Papakinggan na lang kita mamaya huh. Galingan mo!"

Tumango lang ako tapos nauna ng maglakad. Pumara na muna ako ng Tricycle.Kaso mukhang male-late na naman ako. Kahit kasi anong para ko ayaw naman magpasakay. Hindi ko man matanggap pero eto talaga yung kadalasan kong problema. At alam kong alam nyo kung bakit.

Hay sa wakas! May awa ang dyos! May pumara naman.

"Radio Station tayo kuya."

"ha?ahh sige. Pero dalawang pasahero ang kabuohan mo ha."

Tumango na lang ako. Ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa eh kesa naman abutin ako ng sampu-sampu sa kakahintay wala paring magpapasakay.

Nagbayad na ako tapos diretsu na agad sa taas. Kung tatanungin nyo kung anong gagawin ko doon. Maglilinis po ako. Oo janitress ako dito pero syempre joke lang yun. DJ po ako well di naman sa pagmamayabang pero sabi nila maganda daw boses ko.

"Magandang Umaga mga Chulalabs! Nandito na ang DJ ng inyo mga RRRRadio.! DJ ching on air.!"

Nagstart na yung programa ko sa umaga medyo nakakapagod  pero mahal ko yung ginagawa ko atleast dito walang makakakita, walang manlalait. Kunteng chitchat lang naman yun tapos patugtog ng music. Hindi naman kasi kami mayaman kaya kailangan ko rin ng sideline at dito ako nababagay kasi walang mga mapang-matang tao dito sa station lahat ng kapwa DJ ko mababait.

Story of a WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon