"Eih?? Lan-lan naman eh, bat mo dinelete!?"
Amp! Bat nya ginawa yun? Pinagpaguran kong gawin yun eh.
"Sorry na Abriel igagawa na lang kita ng bago."
"O_O. Really?!"
"Oo nga! Wag kang sumigaw di ako bingi!"
"Yehey! thank you Lan-lan.!"
Kahit nadelete nya yung ginawa ko masaya parin ako kasi mapapalitan sya ng mas maganda. Hahaha.
"Oo pero bukas ko pa gagawain."
"ANO?! Lan-lan naman eh. Mamaya ko na yun ipapasa. Bukas na kaya yun ire-release sa newspaper ni tito."
Oo besides sa pagiging novel writer namin ni Lan-lan, nagsusulat din kami ng articles or anong chuvachuchus pero minsan lang talaga yun pagkinulang sila ng writer. Yung novels namin ni Lan-lan di naman ganun ka pressure yun kasi nagsusulat kami kung gusto namin tapos ipu-publish pag maganda.
"Ano nga ulit yung article mo?"
Tse! Ewan ko sayo! dinelete-delete mo tapos bukas mo pa pala gagawin.
"Ewan ko! Kung gusto mo interbyohin mo si Bill Gates para mas maganda! Tanong mo rin kung bakit ang yaman-yaman nya. At humingi ka kahit barya lang nya. Bwiset!"
"Bahala ka nga. Tinatanong ng maayos eh. By the way may pasok pa pala ako. Aalis nako."
"Hoy! Di ka pwedeng umalis! Tapusin mo muna yung Article ko."
Napabuntong hininga na lang sya tapos...
"Ano nga kasi yun?"
Nahihiya man ako sa sinulat ko pero wala na akong magagawa kundi sabihin. Promise tatawa na naman yan.
"Poverty at world peace."
"Pov- Ano?! Ano ka magsp-speech as Ms.Universe? Hay naku."
Tumayo na sya dala yung laptop at bag nya. Aalis na sya?
"San ka naman pupunta?"
Tanong ko. Curios eh, baka mambababae yan kawawa naman ako. Hahaha. As if naman kami. Tsss
"Iinterbyuhin si Obama at Oprah kung bat kulot ang buhok nila."
Ha? Kulot ba ang buhok ni Obama? Hindi naman eh.
"Talaga?"
Napailing lang sya. Bakit ba?!
"Para kang tanga. Ilang years na ba tayong nagsusulat tapos Poverty at World Peace ang article mo. Di naman to School Paper o Hyacinth eh. Newspaper ang ginagawan mo ng article. Sino naman kaya ang magbabasa nun?"
Oo na! Wala na kasi talaga akong masulat eh. Nakakasawang magsulat tungkol kay Napoles o sa Pork Barrel. Isali nyo na yung buhay ng mga artista at yung mga pinag-aagawan ng pilipinas at ibang bansa.
Hindi ko rin kasi trip na isulat yung about na kritikal level ng tubig sa Angat Dam, yung B.out sa Mindanao at pagtaas ng Tuition fee. Bahala na si Lan-lan. Sya naman yung nagdelete nun eh.
Umalis na ko sa bahay ni Tito Manuel. Tama kayo sa Bahay nga ni Tito may isang kwarto kasi doon na puno ng computers at Libro parang library pero maliit lang. Tapos doon kami tumatambay ni Lan-lan dati tapos isang araw nagising ako na nagsusulat ng kung ano-ano.
BINABASA MO ANG
Story of a Writer
عاطفيةI am a WRITER but in this story I am the main CHARACTER. I usually writes stories but this time this is my story.