Kabanata 1

14 1 0
                                    

"Aaaahhhhh!!!!" sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan.

Agad na nagsilapitan ang iba pang tao sa lugar patungo sa pinanggalingan ng
ng sigaw. At nang makalapit ay agad na nabigla. Ang iba ay nahimatay at ang iba halos masuka na sa nasaksihan.

"Hindi ko alam kung anong kamalasan na naman ito." wika ng isang matandang tindero napadaan dala ang kanyang ang mga paninda.

Isa na naman kasing babae ang natagpuang patay sa kanilang bayan.
Basang-basa ito at halos hindi na makilala dahil sa natamo nitong malalaking sugat sa mukha at katawan. Halos wala na rin itong damit at isang pares lamang ng sapatos ang nawawala.

Araw-araw ay ganitong sitwasyon ang kanilang nadadatnan. Sa iba't ibang parte ng kanilang bayan.Minsa'y sa parke, sa munisipyo, kagubatan , daanan ngunit kadalasan ay sa tabing-dagat. Pawang mga babae ang biktima at ganito lagi ang sitwasyon nito.

Ito ang bayan ng Ninurta sa tabi ng dagat Leviatan. Ito ay isa sa mga malagong bayan sa lalawigan dahil nga dito ay maraming mapagkukunan ng hanapbuhay. May sapat silang edukasyon, pasilidad, at deposito ng ginto. May matataas silang bundok at malalagong puno. Mayroong malilinis na batis at ilog. Halos isa na itong paraiso dahil sa gandang ng mga tanawing makikita.

LASHAE'S POV

Nag-aayos na ako ng mga dadalhin ko nang biglang magring ang cellphone ko.

|~~~~~WAG KA NANG MAGTANONG. SAGUTIN MO NALANG ~~~~~|

Nang marindi ako ay sinagot ko ito at agad na narinig ang sigaw ng leader namin.

" Nasaan ka na ba ha?! Hindi mo ba iniisip ang mga kagrupo na naghihintay dito?! Buti sana kung individual 'to!Edi sana wala ako dito na nagpapainit sa araw kakahintay sayo! --------" mariing sigaw nito sa telepono na akala mo nakalunok ng microphone. Agad ko itong binaba dahil ayoko nang marinig ang pagtatalak ni Tiffany.

Blah blah blah whatever! Hindi naman talaga ako dapat sa grupo nila pero pinilit nila kasi magaling ako sa defense. Nakakainis sila!

Nagpatuloy na ako sa pagligpit ng gamit nang magring na naman ang cellphone ko. Papatayin ko na sana nang makita ang nakaflash na pangalan.

| Phillippe Joshard 😍❤️😘 |

Agad ko itong sinagot dahil malay mo diba? Baka may pag-asa pa. Asado na kung asado.

| "Hello Shae? "| panimula nito.

| "Yes Joshyy?" | masiglang bati ko.

|" Don't call me that." | pambabasag nito sa masigla kong bati.

| "Sorry. Why'd you call anyway?|

| "I wanna meet."| Oh my! This is it!

| "Kailangan mo lang pala ng karne tumawag ka pa?Dapat sa grocery ka pumunta."| Pagbibiro ko kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin.

| "NOW." | Sabi niya nang mariin.

| " Ah eh. Hindi kasi pwede ngayon."|

| "Kailan ka pa naging busy?"|

| "Pake mo ba?" | naiinis na ako nang konti sa kanya. Like as if he care.

| "Sheng... meet me at ------" | bago pa niya ituloy ay pinutol ko na ang kanyang sasabihin.

| "No Josh. You're not getting it right. I'm going on a research trip with my thesis group mates. I am now packing my things and soon will leave. " |

| "Super saglit lang to promise. May ibibigay lang ako. Then ihahatid na rin agad kita sa kagroup mates mo." |

| " Hayst. Okay fine." |

Hindi na ako nakatanggi pa dahil siguradong mangungulit ito. Ito rin naman ang gusto ko diba? Ang makita at makausap siya?...maybe but not this way.

|"Hintayin kita sa labas ng bahay niyo. Andito ako sa kotse ko." |

| "What?" | Tanong ko at dali-daling kumaripas papuntang bintana ng kwarto ko at sinilip kung naroon ba talaga ang kotse niya. At totoo nga, isang pula at magarang kotse ang nakaparada sa may tapat ng bahay namin.

|" Sige sige. Hintayin mo nalang ako. Sandali na lang ito."| sabay pagbaba ng cellphone ko.

Agad akong nagmadali sa pag-aayos ng gamit at agad na bumaba. Nagpaalam ako sa mga magulang ko at humingi ng konting allowance dahil matagal-tagal rin ang trip na ito.
Baka tumagal nang ilang araw dahil mahirap ang topic na binigay saamin.
Suportado naman kami ng magulang ni Tiffany dahil dakilang mayaman yun. At mayroon silang rest house na
malapit sa location ng reasearch namin.

"Mag-iingat lagi anak, malaki ka na alam mo na ang tama sa mali. " paalala ni papa sa akin.

"Kaya na yan ng anak mo Arturo. Ang dami kong paalala." wika ni mama kay papa dahil nga sa kanilang dalawa si mama ang mas adventurous at mas boyish. Gawa na rin siguro na Eagle scout siya dati.

"Opo, alis na po ako." pagpapaalam ko
sa kanila at agad na lumabas.

Nang makalabas ako ay nakita ko agad kotse ni James na nakaparada sa harap. Agad siyang lumabas para pagbuksan ako at ako naman si dakilang patola...kinilig naman.Pagka-upo ko ay agad siyang nagsalita.

" Pumunta ako dito para ibigay sana sayo to. " wika niya sabay bigay ng isang maliit na kahong pula. Wag kayo hindi yung pang-singsing. Yung medyo malaki.

"A-ano ito?" tanong ko at agad na binuksan ang kahon. Napaluha ako nang makita na sa tinagal-tagal namin ni Josh, ngayon lang siya nagbigay nito.

"Gusto ko lang ibalik lahat ng binigay mo sakin bracelets,relo,necklace etc."

"B-bakit?Can't y-you keep it?" ang medyo nauutal na wika ko.

"Why keep it?We can't even keep oue relationship."

"Pero kahit papaano may memories tayo Josh. Wag mo naman itapon na lang yun."

"Shae...that's why I'm giving it back to you. Para hindi ko matapon sa basurahan. " And from that I froze.

Feeling ko binuhusan ako ng malamig na tubig na may buo-buo pang yelo para magising sa katotohanang hindi na ako mahal ni Joshard.

Balang araw ....

______________________________________

Hey hey hey! Mga monsters! First Chapter pa lang. Abang pa for more. Sorry for the typos and wrong grammars.

What will happen to Lashae (LESHEY)? Who is Joshard?

Again, this story has romance in it. To make our story not that so boring. Siyempre kailangan ng konting kilig.
Support niyo na lang si Lashae Monsters!

- Ms. K 😉

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sea Monster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon