1st shot

7 2 0
                                    

Yeah its me Jaysean Sam Deliva , Di ako tapos hanggang 2nd year college lang tinake ko as Business Management not because of financial yeah kayang kaya akong pagtapusin ng parents ko pero sadyang pasaway ako kase feel ko di naman din magwowork kung pagpapatuloy ko pa yun. Halos lahat ata samin connected sa pagbibusiness , si ate nakapagtapos ng business management din ang tinake , parents ko busy din dahil sa business nila yep buong family namin mabusiness ako lang ata tong di nagkaroon ng hilig dun. Ewan ko ba , masaya ako kung anong pinili ko ngayon at ayun ay ang pagkukuha ng mga litrato o larawan , im not famous photographer pero kaya kong ipagmayabang sa inyo na magaling ako kumuha ng mga photo. Mahilig akong kumuha ng kahit anong makita ko at mapaganda pa sa pamamagitan ng pagkuha ko mula sa gamit kong DSLR :>

Kinahiligan kong kumuha ng litrato ng mga halaman or nature , ulap or kahit ano ano pa , napagpasyahan ko ding lumuwas luwas or should i say mag roadtrip mag isa para lang makakuha ng ibat ibang klaseng mailalagay ko kay CARROT (photo album ko) Nakahiligan ko na ding mag Vlog kapag wala akong magawa yep at kinatutuwa ko dahil madami namang sumosuporta sa wala kong kwentang Vlog HAHAHA lols anyways kung saan saan na ko nadatnan sakay ng car na regalo sakin ni kuya noong mag 19 ako and yep i forgot to tell you guys im currently 21 years old kaya ganto nalang ako kafree para mag gala gala mag isa.

Nadatnan ko nalang ang sarili ko patungo sa manila sakay ng kotse ko. Ewan ko ba baket parang may sariling utak din tong kotse na to at kahit di ko naman expected dinadala ako. So ayun dahil nasa manila ako ngayon naisipan ko na din na tumungo na ko sa INTRAMUROS near Luneta dahil madami ding nagsusuggest sa Vlog ko na dito daw maraming magagandang bagay na worth it kuhanan ng litrato so i decided nga na tumungo sa sinasabi nilang intramuros

30 minutes tinagal ko sa byahe bago makarating sa intamuros sa kadahilanang medyo traffic dun sa dinaanan ko. And yep im here now , di nga ako nabigo at di nga nagsisinungaling mga viewers ng Vlog ko , totoo ngang maganda dito yes as a self proclaim photographer naaappreciate talaga namin mga gantong lugar , at para sa mga di nakakaalam ng lugar na'to

Intramuros is the 0.67 square kilometers historic walled area within the modern City of Manila, Philippines. It is administered by the Intramuros Administration, which was created through the Presidential Decree No. 1616 signed on April 10, 1979. Intramuros is a Latin word which means "within the walls" and the district beyond the walls are called extramuros, meaning "outside the wall". Intramuros is also called the "Walled City".

At syempre hindi nawawala sa pagiging isang photographer ang mag research muna about sa lugar na pupuntahan bago ka tumungo sa lugar para magkaroon ka naman ng idea kahit papano sa lugar kung saan mo balak puntahan. Odiba? Kinareer ko masyado ang pagiging isang photographer.

Nilibot ko ang buong intramuros di ko dinala ang kotse ko dahil iniwan ko ito sa parking at sakay ako ngayon ng isang karwahe yes di naman makakalusot to at magtetake ako ngayon ng vlog ko para sa malupit na karanasan ko sakay ng karwahe na'to. Feel na feel ko tuloy nasa noong panahon ako dahil sa karwaheng to at sa kasalukuyang lugar na to. Ang sarap siguro sa pakiramdam ng nakasakay dito dahil ayon sa nareserch ko ang mga mayayamang tao lamang daw noong ang may kakayahang makasakay sa karwahe. Nice diba? Dumaan kame sa Fort satiago kung saan doon din ako nagpastop dahil naagaw ng aking mata ang ganda ng paligid , di ako nagpahuli dahil agad ko namang kinuhaang ng litrato ang mga nakikita ko para di ko din mamiss ang pagkakataong iyon. May nadaanan akong mga post light na naisip kong kunan dahil sa awrang makaluma meron ding mga lumang malalaking kulungan na kahit ang creepy sa pakiramdam ay pinasok ko iyon at kinuhaan ko pa din ng litrato dahil sa awrang pang makaluma nito. At di lang yun may lugar din kung saan nakadisplay doon ang mga bonsai o tinatawag na maliit na puno na nakalagay sa paso. Nakakatawang tignan pero ang kukyut ng mga ito. Mga upuan na makaluma , bahay bahay na makaluma na makikitaan mo ng sliding window kung iisipin ay ganyan na ang bahay ng mga maaayos na pamilya noon. Ang saya lang pagmasdan ng mga ito.

PhotographWhere stories live. Discover now