Crying Shoulder

287 6 0
                                    

Shot1: "Crying shoulder"

Daniel's Pov

Ako nga pala si Daniel Padilla, Pogi at habulin ng babae. Marami ang may gustong makuha ako, pero iisa lang ang taong gusto kong ankinin ako. Pero parang impossible masyado, kasi may iba siyang gusto. May iba siyang Mahal, ang masakit ay hindi ako yun.

Papunta na ako sa bahay niya dahil tinawagan niya ako, mukhang may problema nanaman siya. Edi ako tong nagmamahal sakanya, edi sige to the rescue ako.

Hindi nagtagal nakapasok na ako sa village nila nagstop muna ako kasi kukunin ang I.D ko bago makapasok ng subd.

"San po tayo?" Tanong saakin ng security guard.

"Sasama ka saakin Manong? sa Bernardo po.." sagot ko naman. Natawa nalang si manong at kinuha na ang I.D ko.

Nagdrive ako papasok ng subd. nila Kath, at dumiretso ako sa pinaka-malaking bahay dito.

pipindutin ko na sana yung door bell ng....

"Nagaantay si Ma'am sa taas." sulpot ng Yaya ni Kathryn, napahawak ako sa dibdib sa gulat.

"Yaya, Kabute ka ba?" tanong ko sakanya, lumiwanag naman ang mga mata niya.

"Ahh, ihhh. B-bakit??" pacute na sagot ni Yaya.

"Sabi na nga ba di ka tao eh! ocge, Nang! babyeee!" sabay harurot paalis, babatukan ako nun ni Yaya eh. Hahahahaha!

umakyat ako sa hagdanan syempre alanganangan na bumaba ako eh papaakyat palang ako. Grabe, nasa gitna palang ako pagod na ako! Yaman yaman ng babaeng to tas di magawang magpagawa ng elevator! kaya pala laging nasa kwarto, pustahan tamad bumaba yun. XD

Kakatok na sana ako ng....

"Huhuhuz. Hi" langya naman mga tao dito! Hilig manggulat!

pumasok ako sabay bagsak ng katawan ko sa kama nya na napaka lambot, sa sobrang lambok gusto ko ng gibain :">

"Ano nanaman problema mo?!" sigaw ko sakanya umupo siya sa gilid ng kama.

"Remember yung nikwento ko na new boyfriend ko sayo?" sabi niya at dun nagbago ang expression ko.

Flashback~

Naglalakad ako sa hallway hawak ang bulaklak na ibibigay ko kay Kathryn, pinayagan na ako ng magulang niya na ligawan ko siya kaya ngayon ang first day ko pagkarating ko sa canteen, nakita ko ang mga ngiti sa mukha niya. mukhang good mood sya. Nagulat ako ng agad niya ako niyakap at nagtatatalon siya..

Sinabi na ba nila Tita at Tito kay Kathryn?

Napangiti ako. "Owhy?" I asked her. Hinatak niya ako sa lamesa namin, kaming dalawa lang nandito kasi sabi ko sa barkada na kelangan namin ng time.

"Kami na ng Crush ko!" sabi niya saakin at dun.

'Kami na ng Crush ko!'

'Kami na ng Crush ko!'

Boom durog, yung puso ko durog na durog na. Liligawan ko palang siya, talo na agad. This isn't the first time na tinry ko siyang ligawan, pero wala laging may bago siyang crush, o kaya may nanliligaw sakanya masaklap ay may boyfriend siya.

Napatingin siya sa bulaklak na hawak ko. "Who's this lucky girl?" tanong niya, I wanted to sayo it's you.

"A-ahh, e-ehh.... s-si L-liza.." sambit ko at nagbago ang expression niya pero binawi niya iyon.

Love of Kathniel (One-shot Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon