Wish.... Chapter 17

3K 19 4
                                        

Kinabukasan maagang umalis sila Jai, Marion, Jake at Ike para sa Island hopping at under water shots nila, Lee at Vanessa naman ang nagpunta sa iba't ibang baranggay para icover ang life style ng mga taga-Anilao. Bugz at Nicole naman ay pumunta sa Town proper,  naiwan si Vince at Liv para iedit ang mga nakuha nilang info kahapon.

Maagang nagising si Alec kaya pumunta sya agad sa cottage nila Vince.

Alec: Morning Vince, si Jai tulog pa?

Vince: umalis kasama si Marion.

Liv: si Marion talaga sinusulit ah. nako baka di na pakawalan ni Marion si Jai ang tagal ba naman ng pinag-intay nya.

Sadyang ibinitin ni Vince ang mga info kung asaan si Jai, dahil gusto nyang makita ang reaction ni Alec, pero di inaasahan ni Vince ang sasabihin ni Liv. Maging si Alec ay nagulat sa sinabi ni Liv.

Alec: anung ibig mong sabihin?

Liv: oh my!

Natakpan ni Liv ang bibig ng dalawang kamay sa pagkabigla.

Liv: sorry akala ko me alam kayo kasi mga kaibigan naman kayo ni Jai, sorry dito dapat manggaling sa akin.

Vince: inumpisahan mo na, sabihin mo na sa amin.

Alec: di ka namin titigilan.

Liv: okey fine, 3 years back nag-iinquire palang ang barkada nila Roy sa University ng magkakilala at maging close si Marion at Roy. Kasama nila si Jai na 3rd year High school palang ata noon. Tapos nacutetan dito si Marion. From then sinabi ni Roy kay Marion na "spare Jai." Tapos nagsabi naman si Marion na "siguro in right time pwede na" at ang sinagot ni Roy "if you can wait".

Vince: kaya pala parang matagal nang kilala ni Marion si Jai.

Liv: dati pa nga nakakasama si Jai sa mga gimik nila eh, tapos bigla na lang di na sya sumama, siguro kasi pinagbawalan or ewan. di ko din alam kung anung nangyari.

Parang naging puzzel kay Vince at Alec kung anong meron si Jai at Marion.

Before lunch ng makumpleto ang grupo nila Jai sa hotel na lang sila naglunch, after lunch nagkayayang mag-afternoon nop ang grupo at pagkagising ay magsisimba sila sa isa sa pinaka matandang simbahan sa Batangas ang Basilica of Immaculate Conception which is located at Batangas City. Nang nalaman ito ni Myrtle kinausap nya ang mga kasama.

Myrtle: guys magmamass daw sila Vince sa isang oldest church sa Batangas City sama tayo. Kaya kahit gumimik tayo di pa rin natin nakalimutan obligation natin kay God, okey lang ba?

Tom: okey na okey sa akin yun.

Claire: bakit pa tayo sasama sa kanila eh pwede naman tayong lumakad ng tayo lang ah.

Clodet: saka andito naman si Nikka taga Batangas kaya to malamang alam nya yun.

Tom: anu ba kayo girls anu bang masama kung naki join tayo sa kanila.

Nikka: Tom feeling ko meron kang crush sa kanila.

Tom: crush lang naman wala naman masama dun diba, parang ikaw lang me crush kay.......

Nikka: sige na Tom okay na okay na magtigil ka lang.

Papunta ng Batangas City

Convoy ang sasakyan nila Alec at Marion. Nang makarating sa simbahan, unang bumaba ang mga ka grupo ni Jai para makahanap ng mauupuan, samantalang si Alec naman ay naiwan sa sasakyan at ipinark ito. Dahil magkatabi sa driver seat sinaman ni Jai si Marion sa pagpapark. Nakita ni Alec ang dalawa ng bumaba ng sasakyan kaya sinundan nya ang mga ito.

when i met you...jalec storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon