Meet The Parent Chapter 29

2.5K 16 3
                                        

"Narinig ko na naman yun number na yun kay Alec ano ba kasing meaning nun"

Mayamaya nakang tanggap ng text msg si Jai

Tut . . . tut . . . tut . . .

Staker's msg

"Sleep ka na wag mo na akong isipin, kaya ako na pupuyat kasi anjan ako sa utak mo eh"

Jai's reply

"Alam mo na ikaw ang iniisip ko?"

Staker's msg

"Bakit mo naman ako iniisip?"

Jai's reply

"Gusto sana kasi kitang idemanda for Harrasment"

"Staker's msg"

"Ano di naman kita hinaharras ah"

Jai's reply

"Hinaharras mo ang puso ko. Sige na po bye na"

Kinabukasan araw ng Sabado ng gisingin si Jai ng mommy nya.

"Jai, anak pinapababa ka ng daddy mo dalian mo mag-ayos ka"

"Mom bakit me emergency ba? anu bang meron? wala naman akong pasok ngayun ah?"

"Wala ng maraming tanong tanong sumunod ka na lang Jaira"

Kapag ganun ang tono ng mommy nya alam nyang di ito nagbibiro, kaya pumasok na sya ng banyo nya at nag-ayos ng sarili.

Asa kalagitnaan palang ng hagdanan si Jai ng nakita nya ang mommy, daddy nya at si Alec asa sala. Si Alec anung ginagawa nya dito. Hinanap ni Jai ang orasan sa loob ng bahay 8A.M. ng umaga.

"Jaira anak halika dito"

"Yes, dad"

"Nagpapaalam sa akin itong si Alec kung pwede ba daw akong ligawan, tintanong ko naman sya ang sabi yun daw ang gusto mong una nyang gawin.

Di maintindihan ni Jai kung matutuwa o maiinis kay Alec dahil sinunod nito ang sinabi nya. At eto sila ngayun sa harap ng nanay at tatay nya na parehong litong lito.

"Ah Sir nagpaalam po kasi ako kay Jai na kung pwede ko syang ligawan ang sabi nya po kasi sa akin kayo daw po muna ang dapat kong ligawan, alam ko pong mahirap pero willing po akong gawin yun para kay Jai"

"Natutuwa ako at willing kang gawin yan para sa anak ko, kung sigurado ka na sa panliligaw sa kanya asa saiyo yon Iho. Ang courting stage ay ang chance para pakilala nyo ang isa't isa pati na din ang mga taong malalapit sa inyo. Pero di ibig sabihin nito eh magiging kayo na ng anak. This is your chance young man to prove that you are the One.

"Don't worry Sir I'll prove my self Sir, Maam"

"Wag mo na kaming tawaging sir at maam. Call me Tita Jo and Tito Al. Saka na meet ka na naman namin before ka pa magsabi ng intention mo kay Jai."

Tahimik lang si Jai sa isang tabi, feeling nya eh luluwa ang puso nya sa ginawa ni Alec. "Kalma lang Jaira. Ay puso ko steady ka lang muna okay"

Nang maiwan si Jaira at Alec;

"Buwang ka na, baliwag ka pa"

"Diba yun ang sabi mo kagabi"

"Pero over ka di ko alam na ganito ang gagawin mo, saka over ka pa sa Chinese"

"Pano naman ako naging over sa Chinese?"

"Ang mga Chinese daw tanghali kung umaakayat ng ligaw eh ikaw umaga"

"Kasi sabi nila sa umaga daw sagap mo lahat ng gracia, kaya tingnan mo maaga akong nakasagap ng gracia kasi maaga kitang nakasama.

"Lika na nga baka epekto na ayan ng di mo pagkain ng agahan"

"See ang daming biyaya"

Sabay na nag-agahan si Alec at Jai, nagulat tuloy si Joj ng makita si Alec sa dining area nila.

"Good morning Joj"

"Ang aga mo ah, bagong style na ba yan ng panliligaw?"

"Oo, para madaning inspirasyon"

Pagkakain ng agahan sinamahan ni Alec si Jai na maggrocery dahil sya ang nakatoka doon. Di naman nainip si alec dahil madami syang natutunan sa pamipili ni Jai. Dapat daw me shopping list para naka stick ka sa budget, para na din daw di makalimutang kung ano yung priority. Kailangan mo din daw kumuhang at magbasa ng mga proshure baka daw kasi yung item na bibilin mo is on sale, pero dapat din daw icheck ang mga expiration ng mga ito.

Isa sa mga nagustuhan nyang tips mula rito ay ang "Alec don't be afraid sa mga free taste kasi yun  chance natingng mga comsumer na makilala yung isang product ng libre."

Aliw na aliw si Alec sa ginawa nila ni Jai, kaya nung lunch time niyaya nya itong kumain sa Sbarro.

Sa isip si Jai;

"Wow Alec ang dami mong pogi points ngayun ah, ang galing mong pumili ng kakainan ah"

Naglubot libot muna ang dalawa sa mall, si Jai naman di pinalampas ang BookStore. Hapon na ng maka-uwi ang dalawa.

"Alec dito ka na mgdinner"

"Sabi mo yan ha wala nang bawian yan"

"Opo"

Si Jai ang nagluto buttered shrimp, mix vegetable ang inihanda ni Jai at cream of asparagus ang inihanda nyang dinner. Habang kalaro naman ng daddy nya sa chess si Alec. Lumapit ang mommy ni Jai sa kanya.

"Alam na ba ng mga kaibigan mo na nanliligaw sayo si Alec"

"Me idea na po sila paro di pa po nila alam na nagstart na sya"

"Basta anak if you fall take your heart and brain with you, wag mo silang iiwan ok"

"Si mommy talaga"

"I'm just being realistic, talagang dadating kayo ni Joj sa ganitong part, at kayo lang ang pwedeng magdisisyon about this matter."

"Thank you Mom"

"Basta tandaan mo lang whenever you mess up were still here for you and dont be afraid"

"I love you both"

Isang masarap na hapunan ang pinagsaluhan ng pamilya ni Jai at ni Alec.

Naka first move na si Alec sa panliligaw kay Jai .....

Ano ba kayang gagawin ng manok natin para mapasagot ang ating dalaga?

Anyone can catch your eye, but it takes someone special to catch your heart. 

when i met you...jalec storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon