Chapter 4 ~: Sunshine's Awkward moves

37 2 1
                                    

“Ha- Hi ? Tita Marissa and Tito Ferds. Ano pong meron ?” Sabi ko habang nasa hagdan ako.

“Bumaba ka na nga dito. Kain na tayo.” Sabi ni Mom.

Bumaba na ako sa hagdan at tumabi kay Sky. No choice , Yun ang vacant. Ang daming pagkain. Parang Fiesta dito sa bahay Hahaha. Ang sarap ng pagkain. It’s like Europe foods J Joke .. Basta lahat ng hanap ko , nandito na. Nag uusap ang parents namin ni Sky. Assual ,it’s all about business. Nakita ko ang makapal na slice ng ham. That’s my favorite .. Kumikinang kinang pa. Hindi na ko nagdalawang isip na kunin yun. Tinusok ko ang fork ko dun at may kasabay ako. Oh ! Si Sky pa. Kinukuha ko , Pero kinukuha nya din. We’re acting weird here. Tumingin samin ang mga parents namin. At tinanggal ko na ang fork ku dun sa ham. At ngumiti sa kanila. Nakita kong kinuha ni Sky yung ham. Napansin ko ding hinahati nya ito. Binigay nya saken yung kalahati. Ngumiti sya saken na kasing sarap ng ham. HAHA .

“I know na favorite mo yan. Favorite ko din ‘to.” Habang sinubo nya yung slice ng ham.

Ngumiti nalang ako sa kanya at hinahati ko yung ham by the use of fork and knife. Nanglalambot ako. Hindi ko mahiwa. Para akong bata. Nakakahiya.  Tumingin naman saken si Rodd at ngumiti. Hinati nya yung ham into pieces. Naramdaman ko ulit ang pagbilis ng heartbeat ko. 8th time na ‘to.  I think na , Crush ko na ‘tong si Sky. Para tuloy akong 6 years old na inintindi pa. Nahuli ko naman ang mga parents namin na nakangiti. Tinignan ko sila pero nag back to topic sila.. Pasimple pa ‘tong mga magulang namin.

“Salamat.” Sabi ko kay Sky at kumain na ulit.

Ang dami kong nakain. Tatayo na sana ako mula sa upuan ko pero biglang nagsalita si mom.

“Wag ka na maghugas ng plato Kaye , May Maid na tayo”

Wow ! Salamat naman dahil nagpadala na nang Katulong si Lord sa bahay namin.. Haha. Less pagod na din. Dumirettyo na ko sa kwarto ko. At As usual , sumunod si Sky. Ayaw ko syang Makita. Nahihiya ako.

Humiga ako sa kama ko. Nagkumot ng whole body. At nag earphone. Nag play ako nang kanta. Pero naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Mas nilakasan ko ang volume ng cellphone ko. Ayaw ko marinig yung boses nya. Nababaliw na ko.. Hayy ! Natanggal nya ang kumot ko at ang earphone ko. Pero Ayaw ko talaga tumingin sa kanya kaya pumikit ako.

“Anong Problema mo Sunshine. Awkward yung moves mo ngayon ah?”

“Dun ka.. Alis.. Naaamoy ko yung hininga mo. Alis dali !.” Habang nagwawala dito sa kama ko.

“Nako , Nasaan yung Rosary mo Sunshine ?”

“Nandyan sa drawer ko.”

Naramdaman ko naman na may nagwawasik sakin ng tubig habang naririnig ko ang mga dasal.  Kaya tumayo ako sa pagkakahiga at umupo. Nakatingin na din ako sa kanya. Nakita ko na hawak hawak nya yung rosary at nagwawasik parin sya saken ng holy water.

“Anong nangyayari?” Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

“Ikaw na ba yan Sunshine? .. Hayy ! Salamat , Umalis na yung sumapi sayo.!”

“Ha ? Baka Ikaw ang nasapian dyan.” Sabi ko sabay crossarms.

“Hindi ka nasapian? Eh anong nangyayari sayo kanina?”

“Hello? Matatanong mo pa ba saken kung nasan yung rosary kung nasapian ako?”

“Bakit ayaw mo kong Makita?” Sabi nya at binalik yung rosary at holy water sa drawer ko. Narinig ko dun yung boses na seryoso. Grabe , Ang Deep naman ng boses nya.

“E-Ewan ? ..”

“Ewan ka dyan ? (Humiga sya sa kama ko ) Crush mo na ako nuh?”

“Hoyy ! Wag kang feeling. “

“Suss.” Hinila nya ang braso ko at napahiga din ako.

Nakatalikod ako sa kanya. Nakakainis yung mga mata nya eh. Pero nagulat ako ng hawakan nya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.

This time, Ang lapit ng muka nya sa muka ko. Nagkakatitigan kami. Parang may ipinapahayag na yung mata nya sa mga mata ko. Parang na stroke ako. Hindi ko maigalaw yung katawan ko. Nararamdaman kong lumalapit yung muka nya saken. Pumikit sya at napapikit din ako. Naramdaman kong naidampi nya na ang labi nya sa labi ko. Ramdam ko yung kuryenteng dumadaloy sa labi ko papuntang puso ko. Parang ang tagal nang oras. Naalala ko yung kinausap ko sya nung bata pa ako. Naalala ko lahat. Umisod ako at naramdaman ko na inalis nya na ang labi nya sa labi ko. I open my Eyes. Nakatingin parin sya saken. Nakangiti. Ibang ngiti , Yung ngayon ko lang nakita sa kanya. Hindi ko maalis yung mga mata ko sa mga mata nya. Hinawakan nya ang pisngi ko.

“Ngayon , Sabihin mo.. Kung bakit ka ganun kanina.”

Hindi ko na napigilan ang bibig at dila ko. Dahil , parang sila na din ang nagdesisyon na sabihin kay Sky ang totoo.

M-Mahal kita.” May tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.

“Mas Mahal kita Sunshine. Since nung nakilala kita. Nung Acquaintance , Hindi kita binigyan ng flowers kasi .. Gusto ko , Mas kiligin ka.”

Tumayo sya at Tumayo din ako. Pinaupo nya ko sa upuan. Nilagyan nya ako ng BlindFold. Everything was Black. Syempre , Naka blindfold nga diba?. Narinig ko na may pumasok sa kwarto ko. Pero hindi ko maramdaman kung nasaan na si Sky.

“Sky ? Ano ba ‘to?” Sabi ko .. pero malambing yung pagkasabi ko dun ah.

Naramdaman ko na may nagtatanggal na ng blindfold.

I open my eyes into slow mode. Napatakip ako sa bibig ko nang Makita ko ang mga ito.

**

HEPHEP ! Ano kaya ito ? May Surprise si Sky .. Guess What? Comment ^^ .. Oh ! Inagahan ko na yung update ah ?..  Monday ko nalang ulit iupdate.. I hope na ivovote nyo ‘tong Chapter 4. Thanks sa mga nagbabasa ng story ko. IlabYew Guys.. J

Basahin nyu din po yung :

Classmate, Seatmate, Crushmate by Lonelycutepuffygirl

Follow : Lonelycutepuffygirl

Unedited Chapter ** Sareh

Ang Kababata Kong BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon