chapter 12

7 0 0
                                    

Cheska's POV

It's been a week since that incident. I know maraming nalalaman si Nathan kay Shaiee. But knowing Shaiee she wont let her guards down kaya di ako masyadong nag aalala sa kanya. Ang pinag aalala ko ay kung sino ang maaring madamay sa magagawa niya. Curious din ako sa biglang pagsakit ng ulo niya nung nakita nya ang family picture nila Nathan.

Nasa cafeteria nga pala kami at kasalukuyang nilalantakan ang pagkain namin. Xander, who sat beside me, ay matalim na nakatingin sa dalawang nasa harap namin na kanina pa nagbabangayan. Ni di ko nga alam pano naging mag jowa ito.

*Flashback..

*Phone rings**

Shaiee calling.....

"Yoboseo?" I asked.

"Chesk..." Shaiee on the other line, masyadong bagsak ang boses nya and i dont know why.

"Prob?" Opo matipid ako. Di ako pala salita, minsan lang 😂👏

"Kasi naging jowa ko yung kumag"

Ah okay. Kumag. Sinong kumag?

"Who?" Sorry naaaa 😭 ganun ako eh.

"Nathan" she replied. Si Nathan lang naman pala.

"Wtf?!!!" Gulat kong sabi. Oo na kahit nagugulat ako matipid parin.

"Are you damn serious?! Kelan pa?!" I asked.

"Nung sa condo nya. Dun. Basta we made a deal potek bat kasi ako napayag kainis! Ugh help me" pagrereklamo nya

"Look, i cant." Sabi ko nang  biglang....

"Sige naaaaaaaaaa!!!!!" Sigaw nya kaya inalis ko sa tenga ko ang phone.

*Flashback ends..

Kaya heto silang dalawa nagbabangayan sa harap namin ni Xander. Napansin ko namang di umiimik ang isang to. Bigla yata nag iba mood nya at di na nang aasar? And i guess because of this two.

"Uy" sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya..

Napatingin naman sya saken at agad binawi yun. Dali dali niyang inubos ang pagkain niya at nag paalam. Problema nun?

Xander's POV

Kainis! Maglalandian nalang sa harap ko pa! Hello!? Nasasaktan ako putcha!

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at umalis. Di ko na pinansin si Cheska dahil sobrang badmood na talaga ako.

Pumunta agad ako sa garden at dun nagmukmok.

"Kuya kuya palimos po" huh? Paanong may bata na mamalimos dito eh nasa loob to ng school campus? Nako batang to baka pagalitan ng guard to.

"Nako bata bat ka andito alam mo bang bawal ka dito? Pano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kanya.

Napansin kong nag iiba ang aura niya at sa isang iglap nagpakawala sya ng matatalim na kutsilyo. Agad akong umilag para di tamaan at sinuwerte akong nadaplisan lang yung braso ko.

"Kasabwat mo siya!" Sigaw niya sakin pero di ko alam kung sinong tinutukoy niya. Agad akong napatalon ng bigla sya ulit naghagis ng limang kutsilyo. This time minabuti kong di tamaan at nagtagumpay naman ako dun.

"Sino bang tinutukoy mo?! At anung klaseng nilalang ka?!" Sigaw ko sa kanya.

"Isa kalang hamak na mortal, kaya kung gusto mong mabuhay wag mo siyang tutulungan at wag na wag ka nang lumapit pa sa kanya!" Sigaw niya ulit. Pero di ko parin alam kung sinung tinutukoy niya.

Mabilis siyang tumakbo patungo saken at sasaksakin ako ng matalim na espadang hawak niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata, nag aabang na dumapo ang hawak niya sa tiyan ko. Pero mga ilang segundo pa ay wala akong naramdamang sakit. Iminulat ko ang aking mga mata at inaasahan kong nasa hospital na ako pero hindi.

Nakita kong lumaki ang kanyang mga mata at nakalawit ang dila na parang nauubusan ng hangin.

Tinignan ko ang kanyang leeg na may nakapulupot ng taling kulay asul dito at nababalutan ng itim na usok. Sinundan ko ito ng tingin ng makita si cheska sa likod na hawak hawak ang tali. Isang latigong nagliliwanag ng kulay asul at nababalutan ng maitim na usok habang ang kanyang mata ay nanlilisik at kulay asul.

"Teranius cresantum"... At nakita kong sumabog ang nilalang na yun na parang fireworks pero walang ingay.

"Ayos ka lang?" Tanon ni Cheska ng makalapit sakin at nakitang duguan ang braso ko. Alam kong may ibang kakayahan at abilidad na hindi maipaliwanag si Cheska at Shaiee. Pero simula pagkabata kasi puro magic trick ang nakikita ko sa kanila akala ko ay natutunan lang nila yun. At di ko alam na marami pa silang kakayahan... Tahimik kaming naglalakad ni cheska papunta sa kung saan..

"Mag iingat ka" ani Cheska. Di ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Ano ba talaga kayo? Simula pagkabata ay sabay tayong lumaki ngunit ngayun ko lang nakita ang--" pinutol niya ang sinasabi ko.

"Marami, marami pa. Marami ka pang dapat malaman tungkol samin pero di pa ngayun" sabi niyang ikinagulo ng utak ko.

"Hayaan mong ipaliwanag namin sayo ang lahat sa nakatakdang panahon. Sa ngayun magpahinga ka muna at wag ka munang sumabay samin. Masyadong delikado sayo dahil isa kang mortal at wala kang kalaban laban sa mga gaya namin at sa mga kumakalaban samin. Mag iingat ka Xander mahalaga ka samin, kay Shaiee, kaya naman pangalagaan mo ang sarili mo" dagdag niya at kinuha nya ang suot niyang kwintas na asul ang pendant saka isinuot saken.

"Iingatan ka niyan, kaya wag mong iwawala" sabi niya at umalis. Di ko alam pero parang may mali. May di magandang mangyayari. Ay! Nakakasakit ng ulo! Tsk makauwi nga muna.

A/n; gawa gawa ko lang po yung mga magic words at spells nila kaya wag niya na i research 😂👏✨  see you sa next update mwa 😘

True Colors by CassiopeiaCharmDonde viven las historias. Descúbrelo ahora