Prolouge:
"Ayts!! Bwiset naman oh! 7:00 pm na?! Pshh.." Bulalas ko.
Paano ba naman? Nag extend pa ko ng oras para lang makahanap ng trabaho.. Pero buti nalang pinauna ko na sila Ellah. Kasi pagnagtagal pa hung babaeng yun baka sumabog na sa inip.
"Hi miss!!"
Di ko nalang pinansin at naglakad na ulit. Kaso kaka apart na hakbang ko palang may humawak na sa braso ko.
Kaya ayoko ng mag isa na umuuwi ma's lalo na sa gabi. Huhuhu...
"Ku-kuya. Bi-bitaw po" sabi ko habang pilit na binabawi ang braso.
"Halika sandali lang. Maglalaro lang tayo."
Waah!! Apat pala sila!! Huhuhu help!!😭😭
"A-ayoko-ko p-po" -Ako
"Sabi kong------" di niya naituloy ang sasabihin niya dahil sinampal KO siya."Ang tapang mo din ah! Ang dapat sayo tinuturuan ng leksyon!"
Akmang sasampalin niya ko kaya napapikit Ako. Pero ilang Segundo pa ay wala paring palad na dumadapo sa pisnge ko. Pagkamulat ko at sya namang pagbagsak ng lalaki.
Inilibot ko ang aking paningin at nakitang may isang lalaking naka tayo medyo malapit lang saakin. Dahil sa dilim Hindi ko makita yung itsura ng lalaki. Inatake siya ng dalawa pero nanatili ang isa sa likod ko.
Akmang susuntukin siya ng isa pero nahawakan niya ang kamay nito at inikot niya and kamay nito sa likod at biglaang sinipa. Aatake palang sana yung naka blue na lalaki pero na unahan niya na toh. Isang suntok lang naka tulog na ito. Humarap ito samin na walang bakas na emosyon.
Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ng isang lalaki. At nakaramdam Ako ng malamig na kutsilyong saking leeg.
"Subukan mong lumapit! Mamamatay siya!" Sigaw ng lalaking may hawak sakin.
Waaa!!! Gusto ko pang mabuhay! Help! 😢
Di ko namalayan na nasa harap na pala namin siya. Di ko parin maaninag ang mukha niya. Pero ang tsokolateng niyang mga mata and naka kuha ng atensyon ko.
Maganda!! Sobrang ganda....😱😱
"Ahh!" Daing ko sa sakit dahil biglaang sinugat ng lalaki ang leeg ko. Ramdam ko ang dugo mula sa leeg ko.
Sa isang iglap nakatulog ang lalaking may hawak ng kotsilyo.
"Sa-salamat" pagpapasalamat ko sa lalaking nagligtas sakin...
Yumuko lang siya at dumeretsyo sa paglalakad
Muntik na kong mapahamak pero dahil sa di kilalang lalaki ligtas Ako....
•~•~•MY KNIGHT IN NIGHT•~•~•