Chapter 11: Nurse/Ramsy
Sab's POV:
"DARE LAY A FINGER TO MY GIRL AND YOU'LL DIE.."
Malakas na turan niya sapat para marinig siya ng lahat na nanduon.
Tinulak niya ito kaya napahiga uli ito sa lupa.
"Are you fine? Here let me—"
Di na naituloy ni Ramsy and pagpupunas ng labi ko nang biglang hawakan ni Tyrone ang kamay ko at isinakay sa kotse niya. Maya-maya pa'y pinaandar niya na ang kotse niya. Dahilan para maalala ko si Kuya Nikko.
Hala! Baka hinahanap na niya kuh!
"Sandali Tyrone san tayo pupunta?"
"I'll treat your wound."
Seryosong turan niya.
"Wag na. Kaya ko naman na eh. Tsaka may kasama ako."
Nagaalalang sambit ko. Habang nakatingin sa daan.
"Sino?"
Tanong niya..
"Si Kuya Nikko."
Nagulat ako nang biglang itigil niya ang Kotse.
"Sino siya? Boyfriend mo?"
Seryoso niyang tanong habang nakatingin siya sakin.
"H-hindi! Ano.. Umm kilala ko lang.. Tsaka mas matanda siya sakin nuh."
Pinaandar niya na uli ang sasakyan at naka-kunot noong nakatingin sa daan.
"Kakilala? Kakilala lang pala eh. You should be careful. Paano kung masama pala siya?"
"Hindi nuh! Anak nga siya ni Ma'am I mean tita.. Tsaka tinulungan niya nga ako eh."
"Tsk. Fine. But I'll cure your wound then ihahatid nalang kita."
Tumango nalang ako bilang sagot at isinandal ang likod sa upuan..
Urggh!!! Ang hapdi!!😭😭
Dahil sa sakit napahawak ako sa labi ko..
Napansin kong napasulyap ng saglit si Tyrone at saka itinuon muli ang tingin sa daan.
"Masakit ba?"
Tanong niya ng nagaalala.
"Malamang oo.. Sakit nuh.."