Jacelyn's POV
What a day today, Hi I'm Jacelyn Dela Cruz, 17 years of age, Grade 12 student and a DIE HARD FAN OF BARANGAY GINEBRA, YES! Capslock yan para maintindihan nyo but I am not a boyish type. Sakto lang, Yun lang 😊
Pauwi ako ngayon dahil galing ako sa church namin. Tanghali na pala, gagayak na din ako pag-uwi dahil meron daw kaming sportfest, actually ayoko talagang sumama dahil tinatamad ako at....
Sammy's Calling 📞
J: Oh! bakit?
S: Wow naman bestfriend hellow din.
J: Ay, hellow be. Sorry sorry ano yon?
S: Ayan ganyan sana. Papaalala ko lang. sportfest ha? 12 yon sa **** Gym. Manunundo pa tayo sa school.
J: Oo na balak ko pa naman hindi pumunta.
S: Nako! Ikaw may sagot ng sasakyan kawawa naman kami,
J: Oo na. Oo na sige see you be, labyuu.
S: HAHAHA ayan, sige sige ingat. Labyutoo.
Call ended.
Oh! Diba? Wala pala akong takas. Bakit ba kasi nagsabi pa ako na ako nalang sa sasakyan. Tsk! Pero seryoso, tinatamad akooooo! 😩
"Bakit ba nakakunot nanaman noo mo?" - Kuyang Driver
"Ala meron kasi kaming sportfest mamaya?" - sagot ko
"Oh eh ano naman, atleast maglalaro ka ulit diba sinabi mo na gusto mo na ulit maglaro" - Kuyang Driver
"Eh basta, ewan ko" - sabi ko na at pinalakas yung tugtog sa sasakyan.
After 10 minutes...
Nakauwi na ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto para sana humiga.
"Hi baby koooo" - sabi ng nanay ko sabay akap sakin
"Hi mommyyy, pero pwede ba mommy huwag mo na akong tawaging baby, hindi na po ako baby" - sabi ko
"Eh, bakit ba baby kita eh. Bakit? Sinagot mo na ba ulit ung ex mong 2 years nang nakikipagbalikan at nanliligaw sayo" - sabi nya sabay tingin sakin ng nakakainis
"Yuck! No way mommy, as if namang balikan ko pa yun sa kabila ng pang-gagago nya no? Tss. Friends nalang kami" - sabi ko sabay ayos na ng mga gamit ko dahil nga sa sportfest
"Hay nako, ang ganda mo kasing boyish. Sige na gumayak ka na at tumatawag na sakin si Sam" sabi nya at sabay alis ng kwarto ko
Hayyy! Nako si mommy.
Yes! May manliligaw ako, actually ex ko siya dahil naging kami almost 3 years pero nagloko eh, naglaro ng ibang babae. Hindi nakuntento, siya si John Ramirez, mvp ng school nila sa basketball. Mahilig ako sa basketball pati player but hindi ko na siya ulit sasagutin! Asa siya!
Btw, gayak na ko guys
After 25 minutes.
Jersey short + White shirt, yes thats me! Sportfest nga eh kesa naman mag-gown ako.
Pababa na ko ng hangdan ng makita ko si Sammy.
"Grabe ang tagal" bungad ni Sammy.
"Sorry na bes, kase pinilit pa ko e, ayoko naman talaga" sabi ko habang inaayos yung bag na dadalhin ko.
"Sorry wala kang takas, kawawa naman naghihintay satin sa school." siya habang may awa effect.
"Ihahatid na ba namin kayo?, tara na oh, tanghali na." sabi ni Daddy
"Sige daddy, tito" sabay naming sabi ni Sammy.
Sumakay na kami sa sasakyan at nagsimula nang magpunta sa school para manundo ng iba pang players.
After 20 minutes.
Nakarating na kami sa school at nakita ko na yung ibang players na naghihintay sa amin.
Bumaba si Sammy para puntahan sila at para ayain na sa sasakyan,
"May hihintayin lang daw sila saglit" sabi nya habang bumabalik sa sasakyan.
Napukaw ang tingin ko sa isang lalaki na nakablack, nakajersey short at may bag na dala na talaga namang isang basketball player, nabalik lang ako sa mundong ibabaw noong tinawag siya ni Sammy dahil sasakay na pala sa sasakyan.
"Sa University pala yan? Bakit hindi ko siya nakikita?" sabi ko kay Sammy.
"Bes, makikita mo ba yan? Eh napakalayo nyan sa building natin. Ay ikaw pala malapit lang sa kanya" sabi naman nito.
"Ah, ngayon ko lang siya nakita" sabi ko habang tinitignan yung lalaki ng mabuti.
"Baka matunaw bessy, Siya si Miggy Dale hahaha oh ayan kilala mo na, kamukha nga ni ****" sabi niya habang tumatawa.
"Hoy! Alam ko iniisip mo, No way! wala akong balak. Kilala kita sa ganyang tingin mo sakin eh, tinanong ko lang naman ah." sabi ko ng dire diretso dahil alam ko na ang iniisip nya dahil sa mga tingin nya palang sakin.
"Well, pustahan nalang tayo bessy. No comment ako. HAHAHA" sabi nya sabay ayos na namin sa upuan dahil sumakay na yung iba.
Sumakay yung lalaki sa 2nd row ng sasakyan namin, nasa gilid sya at katabi nya yung lalaking hinintay nya na medyo kakilala ko, at nagtungo na kami sa bahay ulit para kunin yung raketa ko saglit.
On our way to Sportfest, naririnig ko yung kwentuhan nung lalaki at kaibigan nya na nawala daw yung phone niya kahapon lang, pero hindi ko alam bakit affected ako, pero hindi! mali to! panigurado talo ako samin ni Sammy pero hindi ko hahayaan yon.