Nakarating na kami sa pupuntahan namin, common naman na madami talagang tao kapag ganito, nakapasok na kami sa gym pero may stage sya sa harap at may mga upuan sa gilid, hinatak ako ni Sammy sa may stage pero sa gilid lang para makapag-charge siya, pero may dumating na hindi ko inaasahan.
"Bakit ngayon ka lang? Bakit ka naka-short?" sabi lang naman ni John Ramirez (tignan nyo nalang kung sino sya sa characters).
"Oh? Eh ano ngayon? Nagstart na ba diba hindi pa? Tsaka ano naman kung magshort ako? Mainit at sino ka para magbawal diba?" sabi ko ng pataray.
"Pinoprotektahan lang kita dahil madaming lalake" sabi nya. Ay makulit si Kyah.
"No need, Alam ko kung paano hindi mabastos at hindi ako nagpapabastos, tara na Sammy." Sabi ko sabay aya sa bestfriend ko at pumunta sa mga upuan kung nasaan yung mga kasama namin.
Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko yung lalaki kanina, pero pag upo ko nakita ko siya sa taas na parte na mga upuan. Umupo lang ako pero nagsalita siya.
"Patingin nga ng raketa mo" sabi niya sakin ng hindi ko inaasahan, Inabot ko naman ito sa kanya.
"Ingatan mo ha? Sa dads ko kasi yan e." sabi ko.
Tinitignan nya pero ako, nakatingin ako sa kanya. Sabay nagsalita naman yung babae sa harapan.
"Pumunta na po tayo sa gitna ng gym at pumila na" yan ang sinabi ng babae kaya't nagpuntahan na sa gitna.
"Oy! oy! Find your height" sabi nung isa naming kasama.
Mygoood! Dont tell me, unahan ako. Pero nakita ko si guy na maliit din. .
"Hmm, ikaw ang unahan, mas malaki ako sayo" sabi ko kay Miggy
"Uy, Hindi ah. Mas malaki ako oh tignan mo, tignan mo " sabi naman nya ng tinignan nga namin ay mas maliit ako.
"Ano ba yan! Nakakainis!" sabi ko at pumunta na sa harap
Tawa lang siya ng tawa sabay pinatong niya yung kamay nya sa balikat ko. Oh no! Bakit tumibok si heart ng mabilis, No way! No way!
After 30 minutes...
Wala naman masyadong ginawa nag exercise muna, nagsabi ng mga rules at pinaupo na kami sa mga upuan.
Nakakatamad! May naglalaro na ng basketball pero tinatamad pa rin akong manood siguro dahil wala ako sa mood,
"Kuya, tara sa kabila laro laro tayong badminton." aya ko sa lalaking kapartner ko sa badminton.
Tumango naman siya at sabay na kaming nagpunta sa kabilang court.
Hindi rin pala kami makakalaro dahil sobrang daming naglalaro kaya bumalik nalang kami sa upuan namin para manood ng basketball game.
Maya-maya parang umiikot yung mata ko sa gym na to? siguro dahil hinahanap ko si Miggy? Pero bakit ko nanaman ba siya hinahanap? Arghhh! Nakakainis mali to! Siguro dahil kasi kinakabahan ako maglaro ng badminton kaya siya alang yung kapalit ko. tama naman diba diba? .......ewan! Hayys! Bahala na.
"Asan na po yung players ng school niyo sa badminton?" sabi ng babaeng nagchecheck para sa badminton.
Oh no! Sabi ko na e, Asan na ba yun? sabi ko sa isip ko.
"Uy! tawag na tayo dun sa left side ng court, tara." sabi ng partner ko.
"Ahh sige sige sunod na ko, kunin ko lang yung raketa ko." sabi ko sa kanya
Then someone's caught my eye. He's here, manonood pa ata siya sakin. No way! Nakakahiya. Sabagay siya nalang kaya yung paglaruin ko. Hmmmmm
Habang naglalakad kami, kinausap ko na siya.
"Miggy, ikaw nalang yung maglaro oh, sige na." kulit ko sa kanya.
"Ha? Kaya mo yan." sabi naman niya
"Baka kasi malakas yung kalaban ko, tsaka hindi naman talaga ako naglalaro eh." sabi ko naman na kinakabahan
"Don't worry, you got me." sabi naman niya.
Bahala na.
Nakarating kami sa badminton court kaya lang hindi talaga siya court, walang line, walang net.
Habang hinihintay pa namin yung mga gamit, hiniram ni Miggy yung badminton ko.
Naglaro sila nung pinsan daw nya sa gilid ko.
Ba't kaya ganon? Ang gwapo ni Miggy kahit saang anggulo, plus pogi points nya pa yung pagiging marunong sa badminton.
Waiit!! Anong sabi ko??? Gwapooo?? Hala! Joke lang! Hindi! Hindi.... hmmm.. ano... cute... oo... cute lang..
Nagulat ako nung aalis siya kaya hindi ko napigilan yung sarili ko...
"Saan ka pupunta?" sabi ko sa kanya
"Kukunin ko lang po yung bimpo ko sa bag ko, babalik ako agad" sabi naman niya
"Balik ka ha agad ha?" sabi ko naman ng hindi alam bakit ganon yung pagkakasabi ko at parang gusto ko siyang nandito lang
"Opo babalik ako agad" sabi niya ng nakangiti at tumakbo na papunta sa loob
After 2 mins. or wala pa, nakabalik na siya. Nagpupunas at biglang binato sakin yung bimpo niya.
"Magpunas ka, pawis na pawis ka nakatutok ka pa sa araw" sabay lapit nya sakin at inalis ako sa pwesto ko na nakatutok nga sa araw.
Nagpunas ako kahit na alam kong bimpo niya to, na hindi ko alam kung bakit feel na feel ko pa.
Pero bakit feel na feel ko din yung pag aalaga niya?
Siguro naman hindi diba?
