Chapter 1

86 0 0
                                    

Well now then Mardy Bum, I’ve seen your frown and it’s like looking at the barrel of a gun as it goes off…

Arctic Monkeys.  Yan ang pinapakinggan ko habang nag-aayos ako ng gamit ko. Ako nga pala si Drew. Una sa lahat, tamad ako. UPLB student. BSCS. Nasabi ko na bang tamad ako?

Bakit ako nag-aayos ng gamit kahit tamad ako? Bagong lipat kasi ako dito. Bagong taon, bagong apartment. Ayos naman na ang gamit ko eh. Binuksan ko yung cabinet. Nandon na lahat ng damit ko. Halo-halo nga lang lahat. Yung lamesa ko, nakapatong na lahat don ng pang-acads ko. Yung kama ko, may latag na, wala nga lang punda yung unan. Konting walis, konting tago ng winalis sa ilalim ng kama, ayan! Ayos na talaga ang kwarto ko! Oo, ganon ako katamad.

At dahil napagod ako sa lahat ng ginawa ko, oras na para umidlip. Inubos ko na yung green tea ko. Hay, bababa pa ko para ilagay yung tasa sa kusina, mamaya na lang pagkagising ko.

Humiga na ako sa kama, unti-unting nararamdaman ang pagbigat ng aking mga mata. Ilang sandali pa, nakatulog na ako…

Hey! I’m looking up for my Star Girl…

TANGINA

Kung sino man tong tumatawag sakin mamatay na.  Di ko na lang sasagutin mawawala din yan…

Matapos ang pansampung tawag, sinagot ko na. Hay dati paborito ko tong kantang to bakit ko ba kasi naisipang gawing ringtone ayoko na tuloy marinig.

“I swear to God James kung di to importante…” naiinis  kong sigaw nung sinagot ko yung phone ko. Hay why do I bother to have friends.

“Ui punta ka Freedom Park dali!”

At yun lang. Binaba na nya yung phone.

Fuck this shit. Fuck this shit? Who even invented that expression? Who would want to fuck said shit? Gross.

Anyway, pumunta na ko ng Freedom Park. Knowing my friends, they  wouldn’t stop bugging me to go there. Habang naglalakad, kinig ng music. Ugh and I thought I would get some sleep.

Pero sa totoo lang, medyo excited din akong makita ang tropa. Two months na bakasyon, tapos ngayon lang ulit kami magkikita.

Nga pala, apat kami sa tropa. Ako si Drew syempre. Tapos sina James, Cla, at Liz. Pano ko ba sila idedescribe.

Kung ikukumpara ko sila sa tumblr blogs, si Liz ay isang multi-fandom blog. Pwede ring anime blog. Sobrang hilig sa mga anime at series. Dahil sa kapapanood ng anime, nahilig na rin sya sa Japanese shit.

Si Cla naman, isang hipster blog. Or lifestyle blog. Fashionista. Kapag nagbuklat ka ng fashion magazines, sya yung unang picture na makikita mo. Sya yung tipo ng babae na girly kung tawagin.

Si James? Humor blog. Pero yung korni na humor blog ha. Feeling ko meron syang joke book sa kwarto tapos araw-araw, namimili  sya ng mga jokes na tingin nya bebenta.

Ako? Random blogger. Yung tipong nagrereblog lang.

Paglampas ko ng Palma Bridge, napatingala ako. Tiningnan ko si Mariang Banga. Wala atang pagkakataon na dumaan ako dito na hindi  ko tiningnan si Mariang Banga. Sino ba kasing sira ulo yung gumawa nung urban legend? Para sa mga di nakakakilala kay Mariang banga, isa syang estatwa makalampas ng Palma Bridge. Syempre, may hawak syang banga. Sabi nung urban legend, nag-iiba daw ng posisyon yung kamay ni Mariang banga. Pag daw nakita mong iba na yung posisyon ng kamay nya, di ka daw ggraduate. Tangina diba? Pero kahit gano kawalang-kwenta yung urban legend, lahat ng tao tumitingin kay Mariang banga pag dumadaan sila don.

ANYWAY. Nasa Freedom Park na ko. Pano ko sila hahanapin dito.

Mabubwisit na sana ako, pero nakarinig ako ng mga kumakanta. Tatlong boses. Dalawang babae, isang lalaki. Napangiti na lang ako at lumapit kung saan nanggagaling yung kanta.

Crappy Blue Eyes [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon