Chapter 38

372 15 1
                                    


Chapter 38

Louraine's POV

Napalingon lingon ako sa paligid, nagmamasid masid lang.

Nagmamasid? Ang sabihin mo nagtatago ka lang kay Yuean!

Napairap ako dahil kinakausap ko nanaman ang sarili ko. Ugh. Parang tanga lang.

Napatitig pa ako sa may pinong buhangin sabay napatingala sa maaliwalas na langit. Para bang binabati ako nito ng "Magandang Umaga". Napangiti ako dahil don. Ang ganda ng panahon. Parang ang sarap magtampis-

"Uy!"

"Ay jusko Yuean ano ba?!" Napatakip ako sa bibig ko dahil sa lumabas doon. Parang gusto kong batukan ang sarili ko. Ugh! Nakakahiya!

"That hurt. I'm not Yuean." Aniya at napahawak pa sa dibdib niya saka nagpanggap na nasasaktan. Napairap naman ako dito.

"Hindi nakakatawa Charles. Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Inis na ani ko dito sabay kinuha ang tsinelas ko at nakapaang naglakad sa buhangin, dinadama ang init nito.

"Wala naman. I'm bored. Busy silang lahat sa di ko malamang dahilan. I saw you so napagisipan kong ikaw nalang ang guguluhin ko." Aniya at saka tinanggal ang suot niyang shades at isinabit sa may damit niya. "Kamusta kayo?"

"Kami?" Pakipot ko pa kahit alam ko naman ang sinasabi niya.

"Yah. Ikaw at si Yuean. Kamusta naman?" Tanong niya pa. Ni hindi manlang niya nahalata na ayaw kong pag-usapan iyon.

"I don't know. I guess I gave him a chance?" I said, more like asked myself. Ugh

"What do you mean you guess? Ano yon? Ang gulo niyo namang mga babae." Anito at hinila ako sa may malapit sa dagat. Pinaupo niya ako at parang bata na nagsimulang maghukay. "Dito ka dali ililibing kita!" Parang batang aniya.

"Ay sige! Matagal ko na ding gusting ma-experience yan." Pagpayag ko.

Tahimik lang kami habang naghuhukay siya at tinatabunan ako. Nae-enjoy ko naman ang pakiramdam ng buhangin sa balat ko. Ewan ko ba, ang sarap sa pakiramdam ng mainit na buhangit na pumapatong sa akin.

"I can't seem to trust him that much Charles. Pero yung pakiramdam, andon padin. I can't understand myself." I broke the silence.

Hindi naman siya tumingin sa akin at busy padin kakatabon sa akin ng buhangin ngunit nakita ko na napangisi siya. "It's complicated I know. Pero kung ako ang papipiliin, pipiliin ko kung saan ako sasaya." Aniya.

"Kahit na pwede nanaman akong masaktan ng sobra? I tried so hard to move on Cha-"

"But have you already moved on?" Aniya na nagpatahimik sa akin.

He stopped what he's doing and looked to me. "You never did. Kung nakamove-on ka na, hindi ka magdadalawang isip na talikuran siya. Then why hesitate? Halata namang meron padin. And if that makes you happy, wag mong pigilan." Aniya at nagpatuloy sa ginagawa. Nabaon na niya ang aking mga hita.

"Ilang taon kang nawala. Ilang taon mong sinubukan. Masaya ka naman ba?" Dagdag niya pa na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.

"I want my brother to be happy as much as I want my sister to be happy too. You're not a stranger to me. And if he messes this chance, ako na mismo ang maglalayo sayo sakaniya." Seryosong sabi niya at tinapik ang ulo ko na para akong aso.

"I gues I have to go now? Hay, nakakapagod naman." Aniya at tumayo na. Nagpanic naman ako kasi nakabaon ako sa lupa, pati ang katawan ko ay inibaon niya. Oh my god, pano ako?!

Taming YueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon