chapter 28

23 1 1
                                    

Max POV.

"Siraulo talaga yung Klea na yun eh noh!  Bat ba ganun yun?  May saltik ba yun?!  My ghad! "

Tss. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya. Bata palang kami alam ko na magiging ganyan ang ugali ni Klea dahil bata palang kami ay ako na lagi ang nakakakuha ng mga gusto nya. Ako lagi ang pinupuri,  ako lagi ang napapansin. Kaya siguro ganun nalang yung galit nya sakin dahil mismong pati magulang nya ako ang gusto.

Discuss

Discuss

Tapos uwian na.  Hindi ko masyadong nakita ngayong araw si Alec dahil may practice sila ng basketball.

"H-hi Max... "

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaki na kasing year ko lang base sa I. D nya.  May salamin sya pero hindi sya mukhang nerd.

"Hello"

Nakatungo sya kanina nung binati nya ko pero nung binati ko sya pabalik ay halata sa mukha nya ang gulat .

"A-ako nga p-pala si ughhh-!!.. "

"Omg!  Okay ka lang?! "

Watdapak!  Tinamaan sya ng bola ng volleyball dahilan para mahulog ang salamin nya.  Naawa ako sakanya dahil halos mapaupo na sya sa sakit. Lumingon ako sa pinanggalingan ng bola at nakita ko yung mga babaeng nakatama sakanya ay nagtatawanan pa. Tss.  Mga walang modo!

Hindi ko nalang pinansin at dinampot ko yung salamin nya na nahulog.

"Okay ka lang?"

Napatingin sya saakin na parang nahihiya.  Hahahaha ang cute.

"O-oo, " pero kita kong pinipigil nya lang yung sakit. Nakita kong pulang pula yung noo nya kaya tinulungan ko syang tumayo.

Mas nagulat sya nang sinuot ko sakanya yung salamin nya dahil namula ang tenga nya.

"N-nakakahiya naman s-sayo M-maxine... "

Napangiti nalang ako. Halata mo kasi sa mukha nya na nahihiya sya sakin.

"Okay lang yun noh. Mas cute ka. Pag walang salamin"

Nakangiting sabi ko pero nagulat ako nang biglang mabaling ang atensyon ko sa likod ng kausap ko dahil nakita ko si Alec na nakatayo doon at ang sama ng tingin saamin.

"Ahm.. S-sige mauna na ko ha?" Pagpapaalam ko.  Iniwanan ko na sya doon pero bago paman ako makalapit kay Alec ay nag walk out sya.

(0_0) patay tayo dyan.

Agad kong hinabol si Alec na derederetsong naglalakad at alam kong aware sya na nadito ako sa likod nya.

"A-alec!  Hoy!  Hintayin mo nga ko! "

Tumigil naman sya at dahan dahang lumingon saakin na may mga malapad na ngiti sa mukha.  Is he crazy?

"Mas cute ka pag walang salamin"

Panggagaya nya sa boses ko. Di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa itsura nya ngayon.

"Tsss. You didn't tell me na dagdag pogi points pala sayo pag may salamin ang lalaki"

Pagtataray nya. Wala na,  hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako ng tuluyan.

"A-anong nakakatawa?! "

"You are Jealous. "

Tumingin ulit ako sa mga mata nya at nakita kong naiilang sya bago ibaling ang atensyon sa iba. Lalo lang akong kinilig. Ang cute nya kasi!!

Brother Slash BoyfriendWhere stories live. Discover now