Chapter 27

36 3 1
                                    

Max POV

"Alec ano ba! hintayin mo ko!"

Nakakainis! kanina pa ko di pinapansin ni Alec at sobrang bilis pa maglakad. 
Binilisan ko na ang paglalakad ko pero nabunggo lang ang noo ko sa likod ni Alec na biglang huminto.

"Alec ano bang problema mo? alam kong galit ka sa mama mo pero please wag mo naman ako idamay."

Unti unti syang humarap saakin at nakita kong namumula ang mga mata nya. Bigla nya akong niyakap kaya nagulat ako.

"A-alec-..."

"I'm sorry Maxine, A-akala ko kaya ko na...akala ko kaya ko nang makita si mama pero hindi pa pala"

Ramdam kong basa na yung damit ko dahil sa luha nya. Nakayakap saakin si Alec ngayon na parang isang batang nagsusumbong sa nanay nya. Ang bigat sa loob kong nakikita si Alec na nagkakaganito, hindi ako sanay.

"Bumabalik lahat Max! l-lahat ng masasakit na ala-ala. I don't know what to do. I wanted her to come back para wala nang maging sagabal sating dalawa pero hindi ko mapigilang hindi magalit Max!"

tuloy tuloy na ang pag-agos ng mga luha nya na pati ako ay nahawa nadin. You are such a strong person Alec, sobrang dami mo nang napagdaanan and you don't deserve this kind of situation in your life.

"M-malalagpasan din natin to Alec."

"I love you Maxine"

Those four words, punung puno ng sinseridad at iba ang idinulot noon sa dibdib ko. I love you Alec and we need to face this problems because I know, at the end tayo padin.

____________________



"Maxine! omg! magtago ka bilis!"

Today is thursday at hindi ako nakatulog ng maayos kahapon kasi nag-aalala ako kay Alec. Nakakagulat lang na bigla bigla akong sinalubong ni Sammy at matindi nyan ay pinagtatago nya pa ako. Si Alec hindi daw muna papasok dahil gusto nya muna magpahinga at maigi na din yon dahil baka mapatay nya si Brylle pag nakita nya to.

"Ano ba Sammy! bakit ba aligaga ka dyan?!'

"Maxine! Klea told them! "

Hindi paman sakin sinasabi ni Sammy kung ano man ang sinabi ni Klea sa mga estudyante dito ay mukhang alam ko na kung ano. Nasa entrance palang ako ng school ay pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga tao. Napayuko nalang ako para makaiwas sa atensyon. 

Humanda ka talaga saakin Klea! Akala mo ba mapipigilan mo ko kay Alec? Hell no! I'm ready to face this ngayon pa sobrang mahal ko na si Alec.

"Just don't mind them."

Nakayuko akong pumasok ng classroom at ngayon ko lang naramdaman ang kaba, nang makita kong sobrang tahimik ng mga classmates ko  kahit na walang teacher at halos lahat sila nakatingin saakin. Napangiti nalang ako ng mapait. Eto, eto yung sinasabi kong ayoko mangyari, yung mag-iba ang tingin nila saakin, ng mga tinuring kong pangalawa kong pamilya.

"Sige na, pag-usapan nyo na ako. Magalit na kayo saakin kung gusto nyong magalit! pagtawanan nyo na ako!"

Tumulo na yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Grabe ka Maxine!"

Napatingin ako sa isa kong classmate na biglang tumayo sa kinauupuan nya. Napayuko nalang din ako. I know, mali ang ginawa namin pero anong magagawa ko? kasalanan ko bang magustuhan ko si Alec?!

"Ganyan na ba ang tingin mo saamin? akala mo ba huhusgahan ka namin? at akala mo ba hindi namin alam?"

Napatingala ako. Nagulat ako sa sinabi ni Cristy.  Akala ko magagalit sya saakin pero iba yung nangyari.

Brother Slash BoyfriendWhere stories live. Discover now