Driana's POV
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng school papuntang room nang may biglang sumigaw ng pagkalakas lakas kaya naman naagaw nito ang pansin ko.
"Baaaaaaaaaaabeeeeee!!!!" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa akin habang nakabuka ang dalawang braso sa ere. Nakangiting sinalubong ko naman siya.
Nang makalapit na siya sa akin bigla niya akong niyakap ng pagkahigpit higpit na halos hindi na ako makahinga. Pero hindi tumagal nilagay ko ang mga kamay ko sa likod niya at niyakap rin siya ng mahigpit.
'I miss him.'
Parang kelan lang nung hinihiling ko na sana magkita na ulit kami dahil sobrang miss ko na siya tapos ngayon nasa bisig niya na ako at mahigpit pang nakayakap sakin.
Hindi kasi kami nagkita nung summer kasi busy daw siya dahil marami daw pinapagawa yung papa niya sakanya. Hindi naman na ako nagtanong pa.
Ilang segundo pa ang lumipas, bumitiw na rin siya sa pagkakayakap sakin kaya naman kahit ayaw ko pang bumitiw, kumalas na rin ako.
'Gusto ko pa e. Buraot!' nakangusong sabi ko sa isip ko.
Pero natigil yung pagrereklamo ko dahil hinawakan niya ang pisngi ko at pinugpog ang mukha ko ng halik at paulit ulit niyang sinasabi na "Namiss kita ng sobra babe, I love you." habang hinahalik halikan pa rin ako.
Napatingin ako sa paligid at halos lahat ng naglalakad ay tumigil para lang tignan at panoorin kami. Nag-init yung mukha ko at alam kong namumula na ako, naisubsob ko tuloy yung ulo ko sa dibdib niya at niyakap siya. Nagsitilian naman yung mga nanonood.
Inangat ko yung mukha ko para tignan siya at nakita kong nakangiti siya at lumabas naman yung cute niyang dimple kaya napangiti ako habang tinitingala siya.
Hinawakan niya ako sa balikat at mahinang tinulak, nalungkot naman ako pero biglang may hawak siya na tatlong roses.
'Saan niya nakuha yun?' tanong ko sa isip ko dahil baka masira yung moment pag tinanong ko siya. I-enjoy ko na lang yung moment namin. Hihi.
Pero meron pa pala siyang hawak na parang papel na nakaroll. Ano kaya yun?
Nakangiting tinanggap at inamoy ko yung roses at ang bango pero napalitan ng pagtataka ang ekspresyon ko nung inabot niya sakin yung makapal na nakaroll.
"Ano to?" tanong ko sakanya nung kinuha ko yung nakaroll. Sinenyasyan niya akong buksan ko ito at nagulat ako sa tumambad sa akin at unti-unting nakangiting nanlaki ang mata ko. Parang tanga. Hehe.
Poster lang naman ni Kim Taehyung na thirty pieces o mas marami pa.
"Kyaaaaaa! OMG! OMG!" sigaw ko—ay mali, tili pala. Nagtatatalon na ako sa tuwa at niyakap siya.
"Tsk. Basta yang koreanong yan, ang saya saya mo na samantalang kanina, hindi ka man lang na-excite nung nakita mo ako. Tch, kahit labag sa loob ko, binili ko yan para regalo at para mapasaya ka. Tapos wala ka man lang regalo sa akin. Mas gwapo naman ako diyan e." mahabang sabi nito habang nakanguso.
Naappreciate ko naman yung ginawa niya. Ayaw na ayaw niya kasi na nagkakagusto ako sa kahit na sino kaya naman ayaw niya kay Taehyung kasi parang mas mahal ko raw siya kesa sakanya.
"Ang cute mo talaga." sabi ko at hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ko.
HINALIKAN KO SIYA.
Sa lips pero mabilis lang. Hehe.
"I love you." sabi ko at hinalikan ulit siya. Nakangiting nilayo ko yung labi ko at niyakap siya.
Niyakap niya rin ako at sinabing "I love you too, babe." at kinagat ang tenga ko.
"Waaaaa! Ang sweet!"
"Kyaaaaaa!"
"Ang sweet nila! Grabe!"
"Kyaaaaa! I kennat!"
"Ang gwapo ni Kuya Tyler!!!"
"Be mine Tyler Dwayne!!!!"
"Gaga! Sobrang ganda mo naman para ipagpalit ka niya kay Ate Driana!"
"Ang bad mo huhuhu! Kaibigan ba talaga kita?!"
"HAHAHAHA truth hurts bes."
Naglakad na kami ni Tyler papuntang room ko na nakayakap pa rin. Nakakainis! Hindi kami magkaklase! Pero okay lang, magkaklase naman sila nung bestfriend ko e. Siguradong magsusumbong ang bestfriend ko pag may nakita siyang kasama ni Tyler.
Dahil first day nga, puru pakilala lang ang ginawa namin.