Drina's POV
Hindi ko inaasahan na makikita ko si Alexandria, bestfriend ko kasama ang boyfriend niyang si Tyrone dito sa mall rin na to at sa lugar pa na to. Nice hehe. This is unexpected.
'Yeah, yung kapatid ni Tyler kanina.'
Bigla akong napatungo dahil nahihiya ako kay Tyrone.
Nagyakap kami ni Alex at tumingin siya kay Tyler pero iniwas rin agad ang tingin at isinabit ang braso sa braso ni Tyrone. Napangiti ako sa nakita ko.
Ang dami ng tao sa loob kaya naman sa pinakadulo kami umupong apat.
Ganto ang seat namin.
Ako | Tyler | Alexandria | Tyrone
Nakaakbay sakin si Tyler at magkaholding hands naman sila Alex at Tyrone.
Nagfocus na ako sa pinapanood ko dahil nagsimula na ito.
Pero nung nasa gitna na, naiihi ako kaya naman nagpaalam ako kay Tyler.
"Samahan na kita." sabi ni Tyler at biglang tumayo.
"Wag na." nakangiting sabi ko.
"Samahan na kita..." sabi bi Tyrone.
'Ha? Hindi pwede!'
"W-Wag na p-po. H-Hehe." nauutal na sagot ko.
"Hey! I won't eat you. Hahaha." ang gwapo niya nung tumawa siya. Well gwapo naman talaga siya pero mas gwapo si Tyler. Hihi.
"O-Okay then..." napipilitang sagot ko.
Naglalakad na kami papuntang cr nang makarinig ako ng tilian. Tsk. Ano pa bang aasahan ko, gwapo kasama ko e!
"Omygad omygad omygaaaad!!!!!" sigaw ng babae.
'Makasigaw naman to! Tusukin ko lalamunan mo e! Ang lakas kasi ng boses, ang sakit sa tenga!'
"Hoy! Ano ba?!"
"Bes, si Tyrone ata yung nakita kooooo!!!"
"OMG!!! Totoo bes?!"
"Oo tara, puntahan natin siya!!!"
"Hi kuya Tyrone!" nakangiting sabi nila. Hindi ata nila nakita na may kasama siya.
"Hello." nakangiting sabi ni Tyrone. Tsk!
"Tyrone, naiihi na talaga ako." bulong ko kay Tyrone.
"Ay oo nga pala. Excuse me miss pero may kasama kasi ako."
"Halaaaa!!! May girlfriend siya?!"
"Siya ba si Alexandria?!"
"Hala! Hin—"
"Hayaan mo na." sabi ni Tyrone. Tumango nalang ako at tumahimik hanggang sa makarating kami sa cr.
Pagkatapos kong umihi, inayos ko ng konti ang sarili ko.
'Nagugutom na ako...'
Paglabas ko, nakita ko si Tyrone na nakasandal sa pader habang nakabulsa ang isang kamay at nilalaro ng daliri niya ang labi niya.
"Tyrone." pagpapapansin ko rito.
"Oh. Tara na." sabi nito at nakapamulsang naglakad nang biglang kumalam ang sikmura ko. Aish! Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sakin. "Hindi ka pa kumakain?"
"A-A e-e oo e."
"Bili muna tayo ng pagkain. Anong gusto mo?"
"Naku! Wag na, nakakahiya naman."
"Ano ka ba? Wag ka ng mahiya sakin." nakangiting sabi nito.
"Okay. Hehe. Kakapalan ko na ang mukha ko a? Mukha ka namang mabait e. Gusto ko ng burger, fries at coke float pero hindi ko alam kung saan makakabili."
Naglakad siya kaya naman sumunod ako sakanya at may pinasukan siyang fast food restaurant.
"Magkano?" tanong ko nung binigay niya na sa akin ang gusto ko.
"Sabi ko wag ka nang mahiya e. It's my treat, don't worry." nakangiting sabi niya at pinakita ang sakanya.
"Hala! Thank you." malawak ang ngiti na sagot ko sakanya.
"Mmm. Welcome."
"Balik na tayo."
"Mmm."
Naglakad na kami at bago pa kami makarating sa sinehan, ubos na namin ang pagkain namin. Umupo na kami sa upuan namin. Napansin ko lang, parang close na sila Tyler at Alex. Pinagwalang bahala ko na lang yun. Friendly kasi si Alex kaya siguro ganun.
Maganda yung movie. Parang inagaw nung friend nung girl yung boyfriend ni girl at nakahanap ng iba si girl. Ahas!
"Babe..." tawag ni Tyler sakin.
"Mmm?"
"Punta tayong arcade. Sama natin sila Alex at Tyrone."
"Yay! Okay!" masayang sagot ko.