Part 4

3K 83 0
                                    

Ilang araw lang kameng nanatili sa hospital. Halos wala akung tulog dahil sa araw si Krisella ang nagbabantay kay Angela habang sa gabi naman ako. Nagpapasalamat ako sa kapatid ko dahil siya ang kasangga ko sa pagsubok na pinagdadaanan namin ngayon.

Nang makalabas si Angela ng hospital nagdesisyon munang si Krisella na magpaalam sa school nila na hnd na muna sya papasok para mabantayan si Angela kaya kampante ako napumasok sa trabaho.

Sinabi ko na din sa mga kasamahan ko yung nangyari sa Anak ko. Alam nila ang tungkol sa Anak ko kaya pinakiusapan ko sila na wag nang mag alala sakin at sa anak ko at itago nalang ang tungkol dun.

Pinagsinungalingan ko din na si krisella ang nahospital ng magtanong si Isaac James. Ayokong malaman nya ang tungkol sa Anak ko. Lalo't hnd ko pa sya naipapagamot. Ayokong isipin nya na pabaya akung ina. Ayoko din malaman niya ang tungkol sa boung pagkatao ng Anak ko.

Abala ako ngayon sa paggawa ng report ko para sa new Price Scheme ng produktong ilo'launch ng kompanya. Nakararamdaman ako ng pagsakit ng ulo ko pero binalewala ko lang 'yon dahil kailangan kung tapusin ang mga trabahong naiwan ko nung nasa hospital si Angela.

Nang dumating si Isaac James hiningi nya sakin ang report na ginawa ko last last week pa.

''Bring your report to my table right now.'' Utos nya sa akin.

''Yes Sir!'' Sagot ko habang hinahanda ang mga papeles na hinihingi nya.

Hindi na ako kumatok pa at diretso na akung sumunod sa kanya papasok ng silid niya.

Naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ko.

''S-sir ito na po ang dokomento'' Sabi ko kay Isaac James nang mailapag na ang report ko sa table nya.

''Leave'' Utos nya sa akin.

Maglalakad na sana ako palabas ng mag-iba ang paningin ko. Naging dalawa tatlo ang tingin ko sa sahig hanggang sa diko na namalayan ang sumunod pang nangyari.

-----------
''I Advice you to let her rest for a while. Ang rason ng pagkahimatay nya ay ang kulang sa tulog and stress.'' Kahit hnd ko dinidilat ang mga mata ko narinig ko ang sinabi ng isang boses lalake.

''Salamat po doc,'' Sabi naman ng boses ni Isaac James.

Agad kung naalala yung nangyare kanina. Iminulat ko ang mga mata ko at uupo sana nang maramdaman kung biglang sumakit ang ulo ko.

''What the hell are you trying to do? Fuck!'' Halos pasigaw na sabi ni Isaac James ng makita ang ginawa ko.

Hindi ako nagsalita nanatili na lamang akung nakahiga sa may couch sa loob ng  opisina ni Isaac James.

''Are you trying to kill yourself woman? What's wrong with you?'' Galit paring saad ni Isaac James.

Nang makita ko ang oras sa cellphone parang biglang nawala ang sakit na naramdaman ko ng maalala ko si Angela. baka hinahanap naku ng Anak ko.

Nagmadali akung tumayo para umuwi na. Pero hinigit ni Isaac James ang braso ko dahilan para mahiga ako ulit.

''Stay'' Maikli nyang sabi,

''Sir! kailangan ko na pong umuwi.'' Pag protesta ko sa gusto nya.

''I will drive you home.''

Agad akung kinabahan sa sinabi ni Isaac James. Hindi pwedeng matuntun nya ang bahay ko at makita si Angela.

''Ah! okay lng po sir! Kaya ko naman pong umuwi mag isa.'' Pag dadahilan ko.

''Then just Leave!'' Alam kung galit sya pero ikinatuwa ko ang sinabi niya.

Agad akung tumayo kahit nahihirapan ako at dalidaling lumabas ng silid ni Isaac James .

Kinuha ko na agad ang mga gamit ko bago tuluyang bumaba ng building.

Pagkadating ko sa bahay sinalubong agad ako ni Krisella.

''Ate!'' Saad niya.

''Saan si Angela?'' Agad kung tinanong sa kanya.

''Nasa kwarto na po natutulog pinainom ko na po yung gamot nya Ate.'' Sagot sa akin ni Krisella.

I sighed in relief. Salamat naman at mapagkakatiwalaan ko ang kapatid ko pagdating kay Angela.

Naligo lang ako ng saglit at nang makapagbihis na ako, umupo ako sa tabi ng kama na hinihigaan ng Anak ko.

Hinimas himas ko ang mukha ni Angela. Diko namamalayan na Tumulo na pala ang mga luha ko.

Siya na lang ang buhay ko at wala akung ibang gustong gawin kung hnd ang maibigay ang kaligayahan niya. Handa akung mag paalipin kahit pa sa sarili nyang ama maipagamot ko lang sya.

----------
Short update for now #^_^
Thankyou for Reading. Kindly vote and comment ...
LYA 😘
JmssEngc 💕

Please Follow me 😊☺
Para po magkaroon naman ako ng inspirasyong pagbutihin ang trabaho ko 😊
Annyeong Chinggu! ☺

His Hidden Child COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon