Part 15

2.4K 50 0
                                    

Hapon na din ng matapos kameng mag usap ni Benjamin. Masaya ako dahil kahit papaano nagawa ko na din ang intensyon kung magpasalamat sa lahat ng kanyang nagawa para sa amin ng kapatid ko. Nakiusap na din ako sa kanya na sana makipag ayos na sya sa kapatid nya pero alam kung hnd naman ganun kadali ang hinihiling ko.

Nasa taxi ako ngayon at papunta sa opisina. Sasabay sana akung umuwi kay Isaac nang biglang tumunog ang cellphone ko agad ko namang sinagot ang tawag. Si krisella lng pala.

''Hello Krisella?''

''Hello po ate! Ate magpapaalam lng po sana ako. Si Angela po kasi gustong maglaro sa kwarto niyo wala naman akung magawa kaya sinamahan ko nalang po.'' Saad ni krisella sa kabilang linya.

''It's okay Krisella. Samahan mo nalang sya jan. Anyway, Papunta naku sa opisina ni James para sabay na kaming umuwi. Mayamaya na lang andyan na kami sa bahay.'' Sabi ko kay krisella.

''Oh sige po ate. Mag ingat po kayo!'' Pagpaalam ni krisella.

''Sige! Salamat.'' Tugon ko bago binaba ang telepono.

Ilang saglit lng makaraan ang pagtawag ni krisella ay nasa tapat na kami ng kompanya.

Nagbayad na ako kay manong driver bago tuluyang bumaba ng taxi.

Pagkapasok ko ng kompanya habang naglalakad ako sa lobby ay nakasalubong ko si Ivan.

''Amanda'' Tawag sa akin ni Ivan.

''Hi Ivan'' Bati ko sa kanya.

''San ka galing?'' Tanong nya sakin.

''Ah! May nilakad lng ako.'' Sagot ko sa tanong nya.

Sabay na kaming sumakay sa elevator pero lumabas lng sya sa 8th floor habang sa 10th floor naman ako.

Pagkalabas ko nang elevator dali dali akung naglakad papunta sa table ko para iwan ang mga gamit ko saka ako pumasok sa opisina ni Isaac James.

Pagpasok ko tumambad sa akin ang Isang Isaac James na nakatalikod habang nakatingin sa kawalan agad ko namang pinadama ang presensya ko.

''Heeya!'' Pagbasag ko nang katahimikan na bumabalot sa opisina ni Isaac James.

Di ata ako narinig ni Isaac kaya naglakad na ako papunta sa kinaroroonan niya.

Dinaga ako ng kaba ng Pinukol ni Isaac James ang kanyang madilim na paningin sa akin.

''M-may pr-roblema ba?'' Nanginginig kong tanong kay Isaac James.

''Where have you been?'' Prenteng tanong sa akin ni Isaac James.

''Aah! Diba sinabi ko na sa---'' Agad na naputol ang sasabihin ko nang bigla syang tumayo.

Marahas na hinawakan ni Isaac James ang mga braso ko

''I'm asking you if where have you been?!!!!'' Nagulat ako sa lakas ng boses ni Isaac James.

Sa sobrang gulat at kaba ko napaluha nalang ako. Nakadama na din ako ng sakit sa mga braso ko dala ng paghawak sa akin ni Isaac.

''James nasasaktan ako.'' Maluha luha kung sabi sa kanya....

Bumagsak ako sa sahig nang bitawan nya ako ng malakas dahilan para mapasubsub ako sa sahig. pero dipa nakuntento si Isaac dahil agad nya din akung pinatayo gamit ang pagsabunot buhok ko.

Napasigaw nalang ako sa sobrang sakit dulot ng pagsabunot nya sa akin.

''James!!!! Nasasaktan ako!! Bitawan mo ako parang awa mo na.'' Pagmamakaawa kung sabi sa kanya

''Bakit anong akala mo hindi ko alam na nakipag kita ka sa kapatid ko? bkt nilalandi mo na ba sya?'' Galit nang sabi ni Isaac James.

Bigla nya akung binatawan kaya nandilim ang paningin ko at biglang sumakit ang ulo ko.

''Fix yourself. Let's go home'' Pagkatapos sabihin yun ni Isaac kht pakiramdam kung nahihilo naku ay bigla akung naglakad palabas ng opisina at tinungo ang table ko.

Nakita kung may palapit na mga kasamahan ko sa trabaho kaya agad kung inayos ang sarili ko.

Nakakahiya din pagmakita nila akung sa kung ano ang itsura ko kanina.

Nanikip ang dibdib ko nang makita si Isaac James na papalabas na mula sa kanyang opisina.

Nagdidilim ang paningin ni Isaac nang tumingin sa akin at bigla nalang naglakad.

Kahit wala sa sarili ay sumunod nalang ako sa kanya, baka mamaya ay mas lalong uminit ang ulo ni Isaac James. Ayoko din namang gumawa ng eksena dito sa opisina.

Pagkadating namin sa labas ay biglang sumakay si Isaac James sa kanyang kotse at biglang pinaharurot ang sasakyan niya.

Lumapit sa akin ang driver ni Isaac at tinuro ang isa pang sasakyan ni Isaac James. Walang ano-ano ay sumakay na ako sa sasakyan. Umupo lng ako sa Backride seat.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol nalang ako sa loob ng sasakyan. kahit nakakahiya ay hnd ko na kayang pigilan ang pagtulo ng luha ko.

''Okay lang po pa kayo ma'am?'' Tanong sa akin ni Manong Driver.

Agad kung pinahiran ang mga luha ko at tumingin kay manong.

''Okay lang po manong. Pagpasensyahan nyo nalang po ako'' Sagot ko na lamang sa kanya.

''Wag na po kayong mahiya ma'am. Naiintindihan ko naman po kayo'' Nag aalalang sabi ni Manong Driver.

''Salamat po.'' Ang tangi ko na lamang nasabi kay manong.

Di nagtagal ay nakarating na din kami sa bahay. Nakita kung naroroon pa ang kotseng gnamit kanina ni Isaac hanggang sa makarating kami sa tabi mismo ng sasakyan niya nang bigla syang bumaba at tinungo ang kinaroroonan ko.

Agad akung hinatak ni Isaac James palabas ng sasakyan.

''James. Please! Nasasaktan ako.'' Pag mamakaawa ko pa ding sabi kay Isaac.

''Yan ang bagay sa mga katulad mong malandi.'' Sabi ni Isaac.

Hatak hatak parin ako ni Isaac papasok ng Bahay hanggan sa umakyat kami sa kwarto namin.

Pagkapasok namin sa kwarto ay agad na sinara at ni'lock ni Isaac ang pinto.

Saka ako pinaharap sa kanya. Sinampal ako ni Isaac dahilan para mapasalampak ako sa sahig.

Di pa sya nakuntento sinabunutan nya pa ako at sinampal ulit.

''Malandi ka.'' Galit na sabi ni Isaac bago ako Sinampal ulit.

''JAMES!!! parang awa mo na. Tama na.'' Nakaluhod kung pagmamakaawa sa kanya.

Natigilan lang si James sa gnagawa nya ng biglang kumatok at nagsisisigaw si krisella sa pinto.

''ATE SI ANGELA PO!''
''ATE SI ANGELA NASA LOOB''
''KUYA SI ANGELA PO''

Halos tumigil ang mundo ko nang mapagtanto kung nasa loob ng kwarto namin si Angela.

Agad tumakbo si Isaac Sa tabi ng walkin' closet namin ng makita si Angela na nakahandusay sa sahig at binuhat ito sa kama.

Tinakbo ko si Angela at inagaw kay Isaac.

''UMALIS KA. HAYOP KA!!!'' sigaw ko kay Isaac at tinulak si palayo.

''ANGELA ANAK! GUMISING KA ANAK. GUMISING KA!!!'' pilit kung paggising kay angela gamit ang pagtapik sa mga pisngi nito.

Hindi ko napansin na nakapasok na si krisella at mga katulong sa loob ng kwarto. 

''Angelaa!!'' Mangi ngiyak na paggising ni krisella sa anak ko.

''IHANDA NYO ANG SASAKYAN PARANG AWA NYO NA DALHIN NYO ANG ANAK KO SA HOSPITAL.'' sigaw ko sa mga katulong na agad ding nag panic.

''Ma'am handa na po ang kotse'' Sabi nang isang katulong

kaya agad akung tumayo at pilit na binubuhat si Angela ng Biglang agawin sa akin ni Isaac si Angela at binuhat ito palabas ng kwarto. Di na ako nagprotesta pa dahil inaalala ko ang kalagayan ng anak ko.
----------
Hi po! Hope you like it 😊☺
Thankyou for Reading ang please do support 'HIS HIDDEN CHILD' through your votes and make some noise through your comment 😂😂😂

Kamsammida. ☺

His Hidden Child COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon