Summer (One Shot Story)

27 1 0
                                    

Summer na! Wala nakong librong haharapin, wala na 'yong mgabully kong classmates, wala na 'yong mga professor kong masusungit, hindi nako makakalanghap ng usok sa Manila at ang panghuli, hindi ko na makikita si Kean. Si kean na gusto ko, si kean na mahal ko at si kean na buhay ko. Ayos naman talaga kaming dalawa eh., nagkakamabutihan na kami, as in super close na, parang may something na. Pero yun pala palabas lang ang lahat,iniwan nya ko sa ere, pinaasa nya lang ako, pinaiyak at unti-unting pinapatay. Akala ko magiging kami, akala ko mahal nya din ako pero hindi pala. Hindi dapat ako umasa sa kanya, hindi ko dapat pinaramdam na mahal ko sya, kasi mali, Isang pagkakamali ang lahat. :( Sila pala ni Nichole inutusan lang pala sya ni Nichole na gawin yong mga ginagawa nya sakin. Ang sakit! sobrang sakit, para akong sasabog na ewan! First love ko si Kean pero hindi ako ang first love nya kundi ang dati kong bestfriend na si Nichole. Yeah, tama kayo.  Bestfriend ko dati si Nichole, grabe noh?Para talaga kaming magkapatid ni Nichole dati, walang nagpapahiwalay samin pero nagulat nalang ako isang araw, di nya nako pinansin, nilalayuan na nya ko, ini-snob, binubully at nilalait.Hindi ko alam kong bakit naging ganun nalang sya sakin! Sya lang ang nakakaalam na mahal ko si kean pero sya pa ang umagaw kay kean sakin at sya pala ang mahal ni kean. Malakas ang kapit ni Nichole sa school dahil ang pamilya nya ang may-ari nito, ginagalang sya ng lahat, minamahal at nirerespeto. Pero ako? simula 'nong nilayuan nya ko dun na din nagbago ang buhay ko, hindi nako ginagalang, hindi nako nirerespeto at hindi nako minamahal ng mga tao sa school. Ang sakit sobra!

Ako si Chloe isang magandang estudyante na nag-aaral ng mabuti, maraming na-iinsecure sakin at ang dati kong bestfriend na si nichole ang nagtatanggol sa lahat ng mga nang-aaway sakin, pero ngayon isa na sya sa mga taong nambubuly at nang-aaway sakin. Marami nagkakagusto sakin kasi sabi nila beauty and brain daw ako pero isa lang ang mahal ko at walang iba yun kundi si Kean. Galing ako sa angkan ng mayayaman, mahal ko ang pamilya ko at mahal din nila ako. Nabubully ako sa school dahil may ipinagkakalat ang grupo ni nichole laban sa akin na hindi naman totoo, at dahil sa sobrang kabaitan ko wala akong ginagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Walang lumalapit sakin, walang kumakampi, kaaway ako ng lahat kahit na ang isang lalaking inaasahan kong tutulungan ako uniwan ako! :( Ang sakit lang diba? kaya nandito ako ngayon sa dagat upang magpakamatay! ayoko na! sawa na ako sa buhay ko! walang ngyayari! palagi nalang ganito! sawang-sawa na ako! ito naman ang gusto nila diba? ang mawala ako sa mundong ito! kaya dahan-dahan akong lumapit sa dagat, palalim na ng palalim hanggang sa di ko na makita ang langit, wala nakong makita di ko na madilat ang mga mata ko dahil masakit, unti-unti na akong nawawalan ng hininga hanggang sa nawalan nalang ako ng malay. Katapusan ko na ba?

Summer (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon