One..

32 0 0
                                    

Flashback....

Nichole's POV...

''Chloe, meet my boyfriend Erik, Erik this is Chloe my bestfriend.''

''Nice meeting you Chloe'' sabi ni Erik kay chloe, habang nilalahad yong kamay para makipag shake hands.

''Nice meeting you too Erik.'' sabi naman ng magandang bestfriend ko. 

Sa araw na yun nagsimula ang lahat, unti-unting nagbabago ang trato sakin ng boyfriend kong si Erik, I don't know why, nagiging cold na sya sakin. Mahal na mahal ko sya at hindi pwedeng maging ganun sya sakin! I will do everything para mabalik 'yong dating samahan namin. Sa twing magkatext kami si Chloe palagi ang topic at kapag magkasama kami si Chloe pa din!

''Babe, ang ganda ng bestfriend mo noh?''

''Babe, nagkaboyfriend naba yun?''

''Babe, may mahal na ba yun?''

''Babe, anong paborito nyang pagkain?''

''Babe. pahingi ako ng number nya.''

''Babe, san sya nakatira?''

'Nong una di ko nalang pinapansin, kasi boyfriend ko sya at baka interesado lang talaga syang malaman ang mga taong malalapit sakin, pero hindi eh! Hanggang sa mag-isang buwan, dalawa, tatlo, apat, lima at anim na buwan, si Chloe padin ang bukambibig nya! Ano bang meron kay Chloe? bakit palagi nalang sya yong napapansin? bakit palagi nalang sya yong matalino? at bakit palagi nalang sya yong pinakamaganda? Marami syang inagaw sakin! Una, kong hindi nag-transfer yang chloe na yan ng school ako sana ang magiging valedictorian! Sinabi kong okay lang kasi bestfriend ko sya at mahal ko sya, tinuturing ko syang kapatid! Pangalawa, yong first love kong si Jake! imbis na sakin manligaw napunta sa kanya! Sya 'yong niligawan! ang sakit diba?! pero sabi ko sa sarili ko nun ''Okay lang, di naman sya mahal ng bestfriend mo e''. Pangatlo, ang mga magulang ko! unang kita palang ng mga magulang ko sa kanya ay nagustuhan na kaagad sya! Sya na din ang naging bukambibig ng mga magulang ko! at ang panghuli, ang boyfriend kong si Erik! 

''Nichole, usap tayo.'' Nagtatako ako kong bakit nichole nalang ang tawag sakin ni Erik sakin at hindi na Babe.

''Oh sure Babe, i miss you na din kasi eh! date tayo later ha? I love you!''

''Magkita tayo sa park, 6pm, mamaya.''

Parang may kakaiba sa babe ko, parang ang cold ng treatment nya sakin, hindi sya nag iloveyoumore at hindi sya sweet! 

Nandito na kaming dalawa sa park pagdating ko kiniss ko sya kaagad sa cheeks at hindi man lang sya nagresponse, hindi man lang nya ko hinug, hindi man lang nya ko tiningnan.

''Babe, may problema ba?' sabi ko habang nakaharap ako sa kanya at hawak ang kamay nya. Unti unti syang tumitingin sakin, tiningnan nya ko sa mga mata.

''Maghiwalay na tayo Nichole.'' Pagkarinig  ko nun, una di ako naniwala, joke lang yun. please erik sabihin mong joke lang! Please.

''Babe, wag ka ngang mag joke ng ganyan! di bagay eh! Hehe. I love you babe!'' matagal bago sya nakapagsalita tinitingnan nya lang ako sa mata, naiiyak  na ako, pero pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. 

''hindi yun joke nichole, totoo yun, makikipaghiwalay nako sayo, hindi nakita mahal'' Hindi ko na napigilan ang mga luha ko, unti-unti na itong tumutulo, ang dami nila, halos di ako makapagsalita.

*Bakit? may iba ka na bang mahal? SIno? si chole ba ha? si Chloe ba?!!!!!!!!!!!!!!'' Sinigawan ko na sya dahil di ko na kaya, sobrang masakit.

''Oo, si Chloe, mahal ko na ang bestfriend mo'' Sinampal ko sya! binigyan ko sya ng mag-asawang sampal! Hindi sya pumalag, sinusuntok ko sya sa dibdib.

''Sorry Nichole, sorry'' pagkasabi nyang ganun, tumakbo na ko! di ko alam kong san ako pupunta, wala akong mapuntahan! di ko na kaya! Gusto ko ng mamatay!!

Bakit laging inaagaw ni chloe ang lahat sakin? Wala ba kong karapatang sumaya? Humanda ka ngayon Chloe matitikman mo ang kamalditahan ni Nichole! Hindi ka na magiging masaya! Aapihin kita! aapihin ka ng lahat! Kinamumuhian kita! Galit na galit ako sa yo! gagantihan kita!!!!!!!! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon