Bibitawan ko na ang mga kataga mong sinabi
Bibitawan ko na ang karapatan kong dati ay akin
Bibitawan ko na ang mga alaalang sabay nating binuo
Bibitawan ko na ang saya't lungkot na ating pinagdaananPero...
Pero tandaan mo na sa pagbitaw ko, ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan.
Dahilan upang bitawan ang lahat ng mayroon sa salitang "TAYO".'Yung TAYO na may IKAW at AKO
'Yung TAYO na may SAYA at KABALIWAN
'Yung TAYO na may nang AASAR at naIINIS, at
Yung TAYO na mahal ka at mahal ako.Siguro ay binitawan na ni CUPID, ang hawak niyang pana at palaso na para sa atin.
Siguro ay ayaw na ni ZEUS isulat ang LOVE STORY natin.
Siguro ay hindi na kaya ni ATHENA na bigyan ako ng dahilan para lumaban.
Siguro si APOLLO ay hindi na makita ang bukas na para sa atin.At pagbitaw na lang ang maaari kong piliin
Pagbitaw ko na matagal munang hiling
Pagbitaw ko na dahilan ng iyong pagsaya
At pagbitaw ko na gustong-gusto mo nang makamtam.
BINABASA MO ANG
Short Stories
Randomshort stories you want>? find it here. genre? -horror? -romance? -tragic? -etc try reading one.and you'll love it @kaizlerskie