Kabanata 2

14 3 0
                                    

Kabayo

Tatlong araw na ang nakalipas noong nalaman ko ang tungkol sa beauty pageant. Wala naman akong alam rito kaya naman nag paalam ako kay mama na kung pupwede ay kila Mae muna ako matutulog ngayong araw para mag paturo.

Noong una ay ayaw pa nitong pumayag ngunit buti nalang ay napilit ko ito.

"Ang kailangan mo lang naman ay mag handa ng magandang sagot para sa itatanong nila sayo, madali lang ang mga 'yon Mia, kaya 'wag kang mag alala.." Payo saakin ni ate Inday bago siya umalis.

Mas minabuti kong dumaan na lamang sa bayan kahit malayo layo ito papunta kila Mae para maiwasan ang dapat iwasan sa gubat. Syempre ang mga mababangis na hayop.

Pero nabigo ako ng makitang sarado ang daanan sa bayan malapit kila Mae dahil inaayos ang mga daan dito.

Wala akong nagawa kundi tumungo nalamang sa gubat dahil kung hindi ako tutuloy ngayong araw ay paniguradong mag tatampo si Mae.

Wala pa din pala akong balita tungkol kay Bea, ngunit sabi naman saakin ni Julia ay dumating daw kasi ang lola nito at masyado daw itong strikto.

Nalulungkot ako dahil hindi man lang nagawang mag sabi o mag paalam saakin ni Bea, pero baka talagang strikto nga ang lola nito kaya kahit pag papaalam ay hindi niya nagawa.

Simula ng ianunsyo ni ate Inday ang tungkol sa pageant ay nabawasan ang pagiging strikto ni mama. Minsan pa nga ay siya na mismo ang nagsasabi saakin na dapat akong mamili ng mga damit at matutong mag ayos.

"Ano ka ba naman, Mia! Papaano nalang kapag may nakakita sayo d'yan sa daan at ganyan ang itsura mo?" 'Yan ang palaging sinasabi ni mama tuwing nakikita niya ako na nakapambahay lang o di kaya ay tshirt at pantalon.

Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay nila Mae ay natanaw ko ang isang kabayo na nakatali sa isang puno katabi ng bahay nila, ang ilan naman sa mga kabayo ang nag kalat nalamang sa tapat ng mansion. Napansin kong maraming tao dito at mukhang may nag diriwang ng kaarawan dahil maraming lobo at iilang paputok.

Nang makarating ako kila Mae ay agad naman akong nag tanong kung anong meron dito.

"Hindi ko alam eh, pero napansin ko ngang kanina pa maingay at maraming nag kakantahan d'yan." Napatango naman ako sa sinabi nito at ilang sandali pa ay pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay.

Maraming itinuro ang tita ni Mae saakin. Marami din itong ibinigay na payo.

"Kung gusto mo ay bumalik ka dito, para naman maturuan din kita ng mga tamang pag lakad.." agad naman akong tumango dito at nag pasalamat.

Tanghali na ng magising ako. Dala na rin siguro ng pagod. Inayos ko ang mga damit at mga make-up na ibinigay saakin ng tita ni Mae.

"Para mas masanay ka, kailangan mong baguhin ang estilo mo. Minsan matuto ka din mag ayos, wag parating simple.." sabi ni ate Marj, ang tita ni Mae, noong ibinigay saakin ang mga damit at make-up.

Pumunta ako ng bayan para makita kung maaari ng dumaan sa kalsada ngunit nabigo ako dahil sarado pa ito. Maaaring sa susunod na linggo pa daw ito buksan.

Nasa bukana na ako ng gubat ng makita ko ang isang kabayo malapit sa batis, kahawig nito ang isa sa mga kabayong nakita ko kagabi. Iyong nakatali sa puno..

Lalapit na sana ako rito ng biglang may nag salita.

"What are you doing here?" Matigas na sambit ng lalaki.

Nilingon ko ito at halos mabulunan na ako ng sarili kong laway ng makitang Ramos ito.

Agad akong tumalikod at akmang tatakbo na ngunit huli na ang lahat dahil hinila niya ang braso ko bago pa ako makatakbo. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko kaya hindi ko mapigilan ang pag ungol dahil sa sakit.

"Shit."

Agad niya akong binitiwan at napahawak naman ako sa braso kong sobrang namumula. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay bumakat ang kanyang mga daliri sa braso ko.

"A-are you okay?"

Tumingin ako dito at tumango. Napabuntong hininga naman siya at napahilamos ng mukha.

"U-uhm mauna na ako, kailangan ko ng umuwi. Pasensya na.." sabi ko at akmang aalis na ngunit hinarangan ako nito dahilan kung bakit ako nauntog sa kanyang dibdib.

Napasapo ako ng noo ko dahil masakit ang pagkakatama ko sa kanyang dibdib.

"Let me take care of you.." aniya at hinila ako papunta sa isang kubo malapit sa batis, kung saan naroon ang kabayong nakita ko kagabi.

Nag pupumiglas ako ngunit masyado siyang malakas dahilan para mawalan ako ng lakas.

Nang makarating kami sa kubo ay agad niya akong pinaupo sa silya at kumuha ng yelo mula sa isang mini-fridge. Binalot niya ito ng bimpo at dahan dahang inilagay sa braso ko.

"H-hindi mo naman kailangan gawin ito eh.." sabi ko. Agad naman itong napatingin saakin dahilan ng pagkailang ko.

"It's my fault, I'm sorry.." napapaos ang kanyang boses habang sinasabi niya iyon.

Napatingin ako sa kanyang mga mata, napakalambot ng kamay niya, tila'y isang diamante ang aking mga braso na dapat niyang ingatan para hindi mabasag, napakagaan ng kanyang mga kamay.

Maganda ang kanyang mga mata, para itong mga bituwin na kumikinang. Ang kanyang matangos na ilong, at mapupulang labi, parang isang tanawin na napakagandang tingnan.

Nabalik lang ako sa aking sarili ng bigla itong mag salita.

"What are you doing here?" Napatingin ako dito at napasinghap bago tuluyang mag salita.

"Sarado ang daanan sa bayan kaya dito ako dumadaan. Hindi ko naman sinasadya na lapitan ang kabayo mo, nagulat lang ako dahil kahawig nito ang kabayong nakita ko kahapon.." sabi ko.

"Kahapon?" Naguguluhang tanong niya.

"Galing ako sa bahay ng kaibigan ko. Katabi ng bahay nila ang isang mansion, may mga kabayo at maraming lobo, tila'y may nag diriwang ng kaarawan.." sabi ko at napatango naman ito.

"U-uh kailangan ko ng umalis, baka hinahanap na ako ni mama. Maraming salamat nga pala.." pag papaalam ko at akmang aalis na ngunit pinigilan ako nito.

"Sandali, ibig mong sabihin doon ka natulog sa bahay ng kaibigan mo?" Tanong nito.

"A-ah, oo.."

"Lalake ba ang kaibigan mo?" Tanong nito. Agad naman akong napailing at ngumiti.

"Kailan ang balik mo rito?"

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Anong balik ang tinutukoy niya?

"I mean, kailan ka ulit dadaan dito?" Dagdag nito dahil mukhang nabasa niya sa mga mukha ko na hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Hmm.. hindi ko pa alam eh. Pero hanggat hindi pa naaayos ang daan sa bayan, wala akong ibang pwedeng  daanan kundi dito.." sabi ko at agad naman siyang tumango.

"By the way, I'll be here tomorrow morning.."

Nag angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"Maraming salamat ulit. Mauna na ako..." at tuluyan na nga akong umalis doon. Hindi na ako nag tangkang lumingon pabalik dahil baka hindi na ako makauwi ng bahay.

Nang makarating ako sa bahay ay nag pasya ako na maligo at mag pahinga dahil nawalan ako ng lakas sa nangyari ngayong umaga. Ano nga ulit ang pangalan ng Ramos na iyon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold Me Tight Where stories live. Discover now