Simula

17 3 0
                                    

Tumingin ako sa salamin at inayos ang suot 'kong uniporme. Ngayon ang araw na gra-graduate na ako. Ilang taon din akong nag hintay na maka-graduate ng elementary. Kahit papaano ay mami-miss 'ko din naman ang mga kaklase 'ko at lalong lalo na ang mga kaibigan 'ko.

"Mia, handa na ang pagkain!" Sambit ni Mama.

"Sige po, ma. Susunod na." Bumaba na ako para kumain. Tumingin ako sa lamesa at nang makita ko ang aking pagkain ay napabuntong hininga ako. Sardinas nanaman ang uulamin ko. Wala namang bago kaya'y dapat masanay na ako. Isa rin sa dahilan kaya gusto ko ng makatapos sa pag aaral ay dahil gusto 'kong tulungan ang mama ko.

Simula pa noong bata pa ako, hindi ko pa nakikilala ang papa ko. Sabi ni mama, nasa ibang bansa daw si papa. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako eh. Kahit minsan hindi ako nakakita ng kahit na anong sulat galing kay papa. Hindi ba uso sa tribo niya ang mag sulat?

Pag dating namin sa paaralan ay nakahanda na ang mga upuan at mga lamesa para sa mga magulang na darating. Nag paalam muna ako kay Mama na pupuntahan ko lamang ang mga kaklase ko.

Kailangan ng rehearsal para alam namin ang gagawin namin mamaya. Nag sasanay naman kami noong mga nakaraang araw ngunit iba pa din talaga kapag gaganapin na.

Ilang sandali ay natapos na ang aming rehearsal. Pinapunta kami sa backstage dahil dito kami mag sisimula ang aming pag lalakad. Nag simula na kami mag lakad sa corridor at dahan dahang nagsipunta sa aming mga upuan.

"Mia, tingin mo ba ay iiyak ka ngayon?" Tanong ni Bea.

"Haynako. Alam mo, Bea, minsan napapaisip ako kung kaibigan ba talaga kita." Sabi ko. Mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko dahil naka-kunot ang kaniyang noo.

"Kailangan pa bang itanong 'yon? Syempre, Oo. Paniguradong magkakahiwalay tayo sa grade 7. Sa dalawang taon na naging mag kaibigan tayo hindi ko yata kayang magkahiwalay tayo..." sabi ko. Matalino kasi si Bea kumpara saakin. Masyado siyang masipag at ako naman, tamad.

"Ang drama mo! Kung saka-sakaling mag kakahiwalay naman tayo ng section mag kikita pa din tayo.." sabi niya na tila may lungkot sa kanyang labi at mga mata. "Tsaka.. mag bestfriend tayo diba? Kahit anong mangyari, mag bestfriend pa din tayo. Hindi tayo mag hihiwalay!" Napangiti ako sa sinabi ni Bea. Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Sana nga...

Nag simula na ang program. Nag simula na kaming awitin ang aming graduation song na ang title ang 'Next In Line'

What has life to offer me
When I grow old
What's there to look forward to
Beyond the biting cold
'Cause they say it's difficult
Yes, stereotypical

What's there beyond sleep, eat, work in this cruel life
Ain't there nothing else 'round here but human strife
They say it's difficult
Yes, stereotypical
You gotta be conventional
You can't be so radical

So I sing this song to all of my age
For these are the questions
We've got to face
For in this cycle that we call life
We are the ones who are next in line
We are next in line

Napatingin ako sa mga kaklase 'kong sabay sabay na umaawit. Mami-miss ko ang mga mukhang 'to. Kahit papaano ay naging maganda naman ang samahan namin.

What has life to offer me
When I grow old
What's there to look forward to
Beyond the biting cold
Cause they say it's difficult
Yes, stereotypical
You gotta be conventional
You can't be so radical

So I sing this song to all of my age
For these are the questions
We've got to face
For in this cycle that we call life
We are the ones who are next in line
We are next in line

We are next in line... Oooh... Ohh...
We are next in line

And we gotta work, we gotta feel
Let's open our eyes and do whatever it takes
And we gotta work, we gotta feel
Let's open our eyes(ooohhh)

Hold Me Tight Where stories live. Discover now