Chapter 37

680 11 0
                                    

Marah's POV

Nasa school ako, may pasok na uli. Wooooooohh!!! Buti nalang! May pagkakaabalahan na ako.

"Maraaaaaahh!!! Na miss kita!!"

Nakita kong papalapit si Jia. Kaibigan ko sa school na taga lokal ng masinloc.

"Uuuuyy!! Jia!! I miss you too!" Niyakap ko siya.

"Hindi ka nagrereply sa akin!"

"Sorry ji, nagpalit kasi ako ng number. Biglaan."

"Ay bakit naman?"

"A-ah wala lang.."

Oo nagpalit akong number. Dahil nakukulitan na ako sa tawag ng tawag sa akin. Kala mo naman di aalis. Kala mo naman di ako iiwan. Kung maka tawag kala mo naman mahal ako.

"Hayyy! First day of class! Malapit na graduation no?" Sabi niya.

"Oo nga. Tapos next year tayo na."

"Oo nga! San mo balak mag OJT?"

"Sa manila. Malapit sa templo."

"Bakiiiiit? Uy! Siguro may susundan ka dun no? Wearing magic B ba?"

"Uy kaloka ka! Hindi 'no! Dun ko lang talaga pangarap mag trabaho."

(Sa mga di nakakaalam, B stand for barong. Meaning, manggagawa o nag aaral sa pagka ministro ang tinutukoy ni jia na susundan ko)

Bago magsimula ang klase ay naghiwalay na kami. Siya sa building nila. Ako sa building namin.

Wala pa gaanong ginawa. Nakaupo lang ako sa sulok. Naka saksak ang headset sa aking tenga. At sinasabayan sa aking isip ang kanta habang nakapikit.

Walang prof. Absent.

May kumuwit sa akin. Kaya napadilat ako.

"Hii!!" Si timi. Ngiting ngiti sa akin.

"Uyyy! Timi. Hello!"

Tumabi siya sa akin at inilapag ang bag sa upuan. Kapapasok niya lang.

"May prof kanina?"

"Isa lang. Si sir jonas. Tas wala na.."

"Hahaha dapat pala di muna ako pumasok!"

"Hahaha." Ako gustong gusto ko na. Dahil bagot na bagot na ako sa bahay.

"Kamusta naman Christmas niyo? Ay ang new year niyo I mean.." Tanong niya

"Haha okay lang." pero syempre, di yan totoo.

"Oh? Ayos! Kelan ulit pamamahayag niyo? Sama ako!"

"Uy! Tamang tama timi. Bukas meron!"

"Dun uli sa inyo?"

"Ah hindi. Dun sa masinloc. Yung malaking kapilya."

"Ah. Yung sa tabi ng NZC?"

Chase your dreams! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon