Chapter 49

947 14 0
                                    

Marah's POV

Ako ang naghanda ng almusal. Ang aga kong nagising. Ewan ko pero kinakabahan ako. Magagalit kaya ang mga magulang ko kapag ibinalita kong nag resign ako?

Ang aming bahay ay naipagawa ko na. Naipaayos at nakabili ng ibang mga gamit na kailangan sa bahay para mas mapadali ang gawain.

Nakapag pundar narin ako ng sarili kong sasakyan.

Grabe, tapos iiwan ko lang yung trabaho kong yun? Madami pa sana akong maipupundar!

Pero nangingibabaw kasi sa akin yung talagang gusto ko... at hindi ko din alam kung ano ba yun. Yung kulang sa akin.

Rinig ko ang pagbaba sa hagdan ni mama at papa.

"Marah?" Si mama

"Po? Naghanda na po ako ng umagahan."

"Oh wala kang pasok anak?" Si papa.

Oh grabe! Kinakabahan na ako!

"Well.. mabuti iyan para masanay ka na." Tuloy ni papa.

"Po?" Masanay na walang pasok?

"Ah wala wala anak."

"Ma, pa, bago po tayo kumain may gusto akong sabihin." Panimula ko.

"Oh ano ba yun anak?"

Nakaupo na sila ngayon sa hapag gaya ko. "Nag resign na po ako sa trabaho."

"Oh! Talaga?"

Nakayuko ako dahil nga sobrang kabado ako. Pero napaangat ang ulo ko dahil sa sagot ni mama na parang tuwang tuwa pa.

"Po?"

"Ah wala naman 'nak. Pansin ko kasi na parang stress na stress ka lagi. Tapos ngayon nalang uli tayo magkita halos pag umaga dahil gabing gabi na ang uwi mo tapos ang aga aga pa ng alis mo."

"Akala ko po magagalit kayo.."

"Anak, bata ka pa. Hayaan mo muna ang sarili mo namag enjoy. Sobrang laki na din ng naitulong mo sa amin. Kung tutuusin, halos naibalik mo na ang lahat ng naibigay namin sa'yo."

"Ma naman, wala pong kapalit lahat yun."

"Oo na. Tara't kumain na!"

Sa tuwa ko, nilapitan ko sila isa isa. At niyakap "Iloveyou ma. Iloveyou pa."

"We love you too anak."

Kumakain kami at sabay kwentuhan na din.

"Nak, nagyayaya pala ang lola mo.. bakasyon ka daw sa America for days."

"Oh talaga po? Sama kayo?"

"Hindi namin pwedeng iwan ang eskwelahan."

"Aww. Sige po. Bibisitahin ko sila."

"Oh sige. Mag-usap kayo mamaya."

Yey!!! That is what I wanted! I need to unwind!

Kaya naman sa mga sumunod na linggo ay inasikaso kong agad ang visa at passport ko. I bought a two way ticket, trip to america.

Chase your dreams! (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon