Mas Gusto Ko Siya

382 6 2
                                    


  Nakilala ko siya ng hindi inaasahan, 

Gamit ang aking mga mata nalaman ko ang kanyang katangian, 

Simula noon palagi ko na siyang inaabangan, 

Hindi man niya ako kilala---

lihim ko naman siyang hinahangaan, 

 Pinili ko siya dahil alam kong hindi niya ako sasaktan, 

Paiyakin man niya ako ,iyon ay dahil sa sobra niyang kasweetan,

 Siya ang tao na alam kong hindi ako iiwan, 

Kaya kong maging leading lady niya kahit hindi niya kilala ang akong pagkakakilanlan, 

 Kaya niya akong ipaglaban kahit saan pa ang hantungan, 

Isusuko niya lahat kahit pa kayamanan,

 Ipagtatanggol niya ako magdulot man ito ng kanyang kamatayan, 

Mamahalin niya ako anak man ako ng kanyang kalaban, 

 Pinili ko siya dahil hindi niya ako bibigyan ng sakit kagaya ng sakit na dinulot mo, 

Pinili ko sya dahil hindi niya ako iiwan katulad ng ginawa mo, 

 Pinili ko sya dahil sa kanya may pag-asa akong maging first choice, 

Pinili ko sya dahil sa kanya may happy ending,Hindi man siya totoo sa ating mundo-- 

Hindi naman siya katulad mo, 

Totoo ka lang kapag kaharap ko --

 Kapag tumalikod ka sya rin ang pagtalikod ng puso mo, 

Mas gusto ko sya kahit sa mundo ng Wattpad ang buhay nya, 

 Mas gusto ko sya dahil ako mismo ang magsusulat ng istoryang may salitang tayo hindi lang ikaw at ako.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Poetry:Mas Gusto Ko Siya(Fictional Character)Where stories live. Discover now