"Ilang araw ka ba hindi kumain?" Natatawang tanong nya.
"Whagh kha nghanghh manghielahmng!" Inabutan nya ako ng tubig na ininom ko naman dahil nabibilaukan na talaga ako sa totoo lang, malay mo matuluyan na ko diba.
"Bakit ba dito mo pa napiling kumain?" Pinilit ko kasi sya na sa Jollibee nalang kumain, dahil na miss ko na din to. Halata naman na naiilang sya na halos lahat ng babae dito eh sa kanya naka tingin, kawawang nilalang cursed with his looks.
"Oh come on! Wag mo sabihing hindi ka natutuwa sa atensyon na nakukuha mo, Zion." Sabi ko bago kumagat sa burger ko at umirap sa kawalan. He loves attention, kahit nung mga bata pa lang kami kapag hindi sya napupuri o napapansin, eh bigla nalang syang iiyak o magagalit.
"Aanhin ko ang atensyon nila, kung atensyon lang naman ng isang tao ang kailangan ko." He said, as he grabbed a tissue paper and wiped the side of my mouth. "May mayo." He chuckled.
"Oh? who's the girl, Zion!?" I asked. Aba minsan lang to! I never heard that he had a crush on anyone since we were kids. Siguro meron pero hindi ko alam, or di nya sinasabi.
"Secret, kitten." After that he stood up. "Tara na."
"Teka! Di pa ubos to oh, sayang!" Sigaw ko. Pero di nya ako pinakinggan.
Dirediretso sya ng lakad palabas kaya no choice! Binitbit ko nalang yung dalawang burger pati yung softdrinks. Sayang din to andami daming walang makain.
Naglakad lakad kami sa department store, and entered some boutiques. Marami na din akong napili na sya ang nagbayad, because he said so.
Kahit na ayaw ko.
"Ako na kasi!" I insisted.
"Ako na, wag ka na pumalag." He Insisted aswell.
"I have money, Zion. I can pay for these." Ang kulit nya masyado.
"Don't make me feel useless, Kitten." And that's the end of our 'who's gonna pay for these things' argument.
"Let's go sa karaoke, Zion!!" Hinila ko sya papasok sa Timezone, we rented a karaoke room. Mamaya na siguro kami mag lalaro since andaming tao, mahirap makipag siksikan sa... joke.
Syempre, as the singer that I am, kanta ako ng kanta while he sits there and listen.
Boring nya talaga kasama, it's either he's staring at me or he's listening to me lang, it's like everytime we're together I'm talking to a rock.
"Sing for me." I said.
"Nope." Poker-faced nyang sagot. Panira.
"Come on! I heard you sing and you're good!" Pamimilit ko sa kanya.
"Come on, Idiot! Akala ko ba papasayahin mo ako?!"
"Akin na nga yang' song book!" Yay.
After a few minutes of him trying to find a song that he wants to sing, eh finally naka-pili na sya.
"I'll be? Seriously?" Sa dinami raming bagong kanta, eh I'll be ang napili nya.
I won't deny it, as he starts singing it made me calm. He has a really nice husky voice, and it fits the song. And suddenly I remembered how Zach sings to me when I'm down. It seems unfair for Zion, because sya yung kasama ko ngayon pero si Zach ang naiisip ko. Kaya naman I chose to appreciate Zion's singing. For now.
"I'll be your crying shoulder, I'll be love's suicide" He sang, habang nakatitig saakin. To avert my attention, I took my phone out para videohan sya. This is, I guess...Once In a lifetime? so I better grab the opportunity to take a remembrance, right?
"I'll be better when I'm older, I'll be the greatest fan of your life." Pano kaya kung si Zachary ang kumakanta dito ngayon? Siguro nagtatatalon na ako sa kilig.
Este-- ang galing kumanta ni Zion!
Bakit ba hindi sya maalis sa isip ko?! Nag sasawa na ako ah!
After he finished the song, of course I clapped and praised him. Baka sabihin nya sayang effort nya.
Nang nag sawa na kami sa kakakanta-- I mean ako pala, ay lumabas na kami sa karaoke booth, then bumili ng card para makapag laro.
The first thing I ran to is the Basketball shooting game. And guess what?! natalo ko yung high score!-- but nang tignan ko yung score nya mas mataas sya sakin.
"Beat ya." He teasingly said, inirapan ko sya at ngumuso.
"whatever!" After playing the basketball game, dumiretso naman ako sa crane game thingy. The puppy stuffed toy really caught my attention. It's so cute! it's realistic and kamukha nito si Zion kaya naman nagustuhan ko ang itsura non.
"ugh! This is so frustrating." Hindi man lang ako makakuha! Pang ilan ko na bang ulit to?! Kainis.
"Oh." Hinagisan nya ako ng...
palakang stuffed toy?
"Ayoko nito! Ang panget!" Actually it's not. The frog has big adorable eyes, and it's wearing a red dress, and a crown.
"Pinaghirapan ko yan, kaya kunin mo." Ang cold talaga nitong taong o kala mo gawa sa yelo. \
Che!
Nang mapagod na ako kakalaro ay inaya ko na sya mag-dinner. Matagal na rin pala kaming magkasama today, so I guess it's time to part after we eat.
"Thanks for today, Zion." I smiled sincerely at him. He made me really happy today.
"Anything for you, Kitten." He said as he pats my head.
"Alam mo, you should go and meet girls!" I suggested. Pano ba naman simulan noon, ni hindi ko nabalitaan na nagka girlfriend sya.
"I don't need girls."
"bakla ka ba?" Taas kilay kong tanong.
"Pag ako naging bakla, baka mag rally ang kalahati ng populasyon ng mga babae sa buong mundo." He smirked.
"Kapal!"
After dinner, he bought me home. I thanked him again for cheering me up, when it was actually his brothers fault na I was down.
"bye, take care." I said bago pumasok sa loob ng bahay. But bago pa man ako tuluyang makapasok ay, hinila nya ako towards him and hugged me tightly. Again.
"it's nice to see you again, kitten." He said before letting go. "I missed you." after that he left.
![](https://img.wattpad.com/cover/129365694-288-k160635.jpg)