Rebellious 01

57 2 0
                                    

 A/N: Guys! Etong story na to ay medo may mga salitang hindi kaaya aya.. Pero sana maintindihan niyo si Author na kailangan yon para mapatotohanan ang title. Yun lang. Salamat!

The names of the persons here are all fictional po. Hehe

Please, do not redistribute nor plagiarse. Thank you!

All right reserved 2014

Written by: ⓔⓓⓛⓨⓝⓝⓔ

(Edlynne Medrano)

◆◆◆◆◆◆◆◆◆

Chapter 01

HER POV

"AYOKO! Hinding hindi na kita susundin! All my life, wala akong ginawa kundi sundin ka! Tapos pati hanggang ngayon?! Nasa legal age na ako! Kaya ako na magdedesisyon para sa sarili ko!"sigaw ko sakanya habang nagwawala ako dito. Nang dahil sakanya, kaya ako ngayon ganito! Kaya misirable ang buhay ko! Ayoko na siyang sundin! Lagi nalang niya akong kinokontrol!

"What?! Ayaw mo? Hindi pwede! Gagawin mo lahat ng utos ko sa ayaw at sa gusto mo! Masyado kang suwail na anak!" sigaw niya rin sa akin. Kailan ba siya magsasawang sakalin ako?! Ako kasi sawang sawa na! In my 18 years life, siya lang sinunod ko kasi akala ko magbabago din siya. Pero hindi! Lalo niya akong kinontrol at sinakal! Sawang sawa na ako. Ayoko na!

"HINDI MO BA NARINIG? AYOKO! AYOKO!,AYOKO!" matigas na sabi ko. Ayoko na talaga! Aalis na ko sa pamamahay na to!

"Then kung ayaw mo, makakalayas ka na sa bahay na to!"sabi niya.

"Dad! Wag naman ganoon!" sabat ni Kuya na kanina pa ako inaakap. Buti pa si Kuya, may malasakit sa akin! Eh siya na ama ko? Wala! Gusto lang niyang masunod ay ang gusto niya! Napakaselfish niya! Wala siyang pakialam kung makasira siya ng buhay ng tao, basta masusunod ang kagustuhan niya!

"Anong wag ganoon?! Di mo ba narinig ang sinabi niyang suwail na babae na yan?! Napakawalang hiya! Di marunong rumespeto sa taong nagpalamon at bumuhay sakanya!" sigaw niya kay Kuya. Nagkuyom ng palad si Kuya. Alam ko kasing naiinis din siya kay dad, pati kasi siya sinasakal ni dad sa sarili niyang kamay. Kaya naiintindihan ni Kuya kung bakit ako nagkakaganito.

"Dad? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Respeto? Bakit binigyan mo ba ako noon?! Di ba hindi? Pero kahit ganoon nirespeto parin kita! Ngayon lang hindi!" sabi ko.

"Aba't sumasagot ka pa talaga ha!" sabi ni dad at umambang sasampalin ako.

Binitiwan ako ni Kuya at pinigilan si dad.

"Hayaan mo na Kuya, dahil talagang aalis na ako sa impyernong to!" sabat ko naman.

"What did you just call this home?!" tanong ni dad na tila galit na galit na. Psh! Palibhasa sanay na puro magaganda at papuri ang naririnig niya! Kung alam lang nila kung gaano kadami ang kasamaan niyan sa katawan! Yes, he's my Father.. and I freaking hate it! Damn this life with him!

"It's a hell dad! It's never been oh-so-called-HOME! Cause  there is no freaking family trait in this hell house!" sigaw ko ulit sabay padabog na umalis.

Punong puno ako ng galit at inis. Inimpake ko lahat ng gamit ko. Iniwan ko ang phone ko, para di ako macontact dahil ayoko muna silang makausap. Buti nga at may natira pa ako sa allowance ko. Dahil sigurado akong ipapaFreeze lahat ni dad ang savings and accounts ko sa bangko. Kabisado ko na si daddy. Ganyan ang ginawa niya kay kuya nung sinubukan niyang suwayin si dad, kaya nga ready ako eh.

Padabog akong umalis sa impyernong yon. Ngayon, pinagiisipan ko kung saan muna ako tutuloy. Sumagi naman sa isip ko si Gallea. Tama, sa condo niya muna ako tutuloy.

WITH A REBELLIOUS GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon