○Chapter 1

56 8 3
                                    

"Bukod sa pagiging clumsy ano pang kaya mong gawin?" Sigaw na gumising ng diwa ko habang naka upo at nag iisip ng plot para sa ginagawang story ng kaibigan ko. "MY IMAGINARY WORLD" yun ang title. Daily routine na ata ng kapit bahay namin ang pag gising ng diwa ko tuwing umaga.Pag nag reklamo ka naman sa kanila sila pa tong may ganang magalit kaya hinayaan nalang namin.

"Karen,hali na kayo at kumain na malelate na kayo ni Maneil sa klase niyo" aya samin ni mama sa kusina para mag almusal . 6:48 am na at hindi pa ako naka ligo at nakaayos ng gamit gawa ng late ako ng gising dahil hindi ako ginising ni Maneil nag alarm din ako kaso di umepekto. 7:00 am ang start ng HISTORY first subject namin kay Sir Bulataw.
Pag katapos kumain naligo agad ako bale halos dalawang minuto lang ligo ko gawa ng hindi ako nag shashampoo tuwing Lunes,Myerkules at Byernes. Since Monday ngayon wala sa routine ko ang mag shampoo kaya napadali ang ligo ko. Hindi dahil sa tinatamad ako. Sadyang nakasanayan ko lang.Naglakad na kami ni Maneil papuntang school tutal malapit lang naman ito sa bahay namin.

Pagdating sa school- "You're late!" Sigaw samin ni Sir Bulataw pag pasok namin.
"Sir dalawang minuto palang naman po nakakalipas" pag dedefend ni Maneil samin. Na siyang mas ikinagalit ni Sir Bulataw samin.
"You two in the Disciplinary Box!"
Wala kaming ibang ginawa ni Maneil kundi sundin si Sir Bulataw.

□□□□□□□□□□□□□
"You two since you're late-Comunity Service for a week would do as your punishment." Sabi ni sir Bulataw samin habang nasa Diciplinary Box.
Palabas na kami ni Maneil ng nagsalita ulit siya.
"Pag katapos ng Isang buwang Comunity service the both of you are having a very very long quiz in history,you get it?" I just noded and Maneil gave him a bittersweet smile.
Pagkatapos naming malaman kung ano punishment namin dumeretcho muna kami ni Maneil sa Comfort Room bago umattend sa Second class namin.
"Alam mo minsan talaga ang sarap iuntog ni Sir Bulataw" inis na sabi ni Maneil na siyang pinagtawanan ko at inirapan naman ako neto,at tuluyan ng nag punta sa second class namin.
DISCUSS DISCUSS DISCUSS
since tungkol lang naman ito sa Cosmetics hindi na ako nag abala pang iutoon ang pakikinig ko sa PR namin. Nakaramdam ako ng gutom inaya ko si Maneil na pumunta ng canteen pero ayaw niya kaya hinihintay ko nalang na Idissmiss na kami. Dumungaw ako sa bintana mahangin sa labas. May isang lalake sobrang pamilyar ang nakaupo sa bench may tinitignan itong letrato pero di ko maaninag ang muka neto. Ilang segundo ko pa siyang tinitigan at nagulat ako ng lumingon ito sa gawi ko ngumiti ito, nginitian ko nalang din ito bilang tugun sa ngiti niya. Nang bigla akong binatukan ni Johasmin.
"Punyet- Arayy!!"
"Ano ba kasing nginingiti mo jan? Kanina ka pa namin tinatawag ! Akala ko ba gutom ka na ha?" Sigaw niya saken.
"So kailangan batukan ako e ano? Psh. E kasi naman andun si-"

nagulat ako ng bigla itong nawala sa kanyang kinauupuan.

"Oh nasan? Ikaw wag ka ngang nag deday dream! Di porke gutom ka kung ano ano ng iniImagine mo!!!"

"Ang ingay mo!!!" Yun nalamang ang nasabi ko. Dahil mistulang ako ay nagulat ng bigla itong nawala baka nga gutom lang talaga ako.

•Canteen•

"Kung kanina pa sana tayo lumabas at hindi na kayo nag sisigawan pa edi sana nakabili na tayo hays" reklamo ni Maneil samin dahil sobrang haba na ng pila sa canteen, hays ano ba yan gutom na ako tas ganto pa pila. Tumahimik nalang kaming tatlo. At nakaramdam ng kakaiba sa Peripheral vision ko. Kaya naman onti onti ko itong inilingon at nakita ko nanaman ang lalakeng bigla nalang naglaho ng parang bula. Nag paalam ako kila Maneil at Johasmin saglit at nilapitan ko siya.

"Bakit ngayon lang ulit kita nakita?" Tanong ko sakanya ng labis na may pag tataka. And he just smiled at me and walked away. Well wala naman ng bago sakanya Simula nung nakilala ko siya ganun naman talaga siya. Ang pinagtataka ko lang bakit ngayon ko lang siya ulit nakita. Sa liit ng campus namin imposible naman na hindi mo makita ang taong hinahanap mo dito. Nakapagtataka din na kung kailan mag dadalawang buwan ko ng tanggap na wala na talaga. Ngayon ulit siya mag paparamdam.

Bumalik na ulit ako sa linya nila Maneil. Hindi na ako nagkwento sa kanila dahil alam kong maiinis lang sila. Pag katapos namin kumain. Pumunta ng library Sila Johasmin para mag review sa long quiz daw namin kay Sir Bulataw. Hindi na ako sumama dahil susunduin ako ni Papa.
Palabas na ako ng room ng nakasalubong ko Si Jhaer sa corridor.
Nginitian ko nalang ito hindi na ako nag tanong pa dahil baka ngitian lang ulit ako neto. Laking gulat ko ng huminto siya sa harap ko. Wala ng tao dito maliban saming dalawa.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.
"Kamusta ka?" Tanong neto pero di ko ito sinagot.
"Bakit ngayon lang ulit kita nakita? Bakit nandito ka ulit? Ano pa bang gusto mong ipalabas?" Halos mangiyak ngiyak kong tanong sakanya. Nginitian niya ako at unti unti itong naglakad ng palapit sakin na halos wala ng distansya ang aming mga mukha iisang daluyan nalamang ng hangin ang aming nasisinghot.

Comunity service Day 1

Tirik na araw,uhaw at tumatagktak na pawis ang kaagapay namin sa umagang ito. Umagang umaga pero ito kami ngayon. Nag simula ng Maayos at bagong ligo mula sa parang basang sisiw sa kanto.

"Tae ganto ba lilinisin natin araw-araw?! Isang linggo na ganto? The fvc-" naputol na pag mamaktol ni Maneil ng dumating si Sir Bulataw.
At tinignan siya ng masama. Binato niya ako ng walis na hawak niya ng tawanan ko siya. Naupo kami sa bench kung saan ko nakita si Jhaer. Sumagi nanaman sa isip ko ang kanyang sinabi.

"I came back to see my world"

salitang binitiwan niya bago niya ako iwan ng tulala, hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating saken. Simple words that makes my heart skip a beat. Simple words that brings me to the past. All those words he said drove me back to the unseen world of him.




My True Love Was A PhantomWhere stories live. Discover now