MBG 2.

19 0 0
                                    

Liam POV's

nandito kami ngayon sa airport , ngayon na kasi ang dating ng leader namin na si chester clein lim , medyo matagal tagal din na namin siya nakakasama , nakakamiss din yung mga ginagawa naming kalokohan kasama siya ..

dun kasi siya pinagaral ng papa niya sa US ee , para naman daw tumino kahit papano pero hindi namin alam kung tumino na talaga siya .

medyo maaga pa , kami na ang excited diba , kasama din namin si dane , my only love . hehe joke , bestfriend ko lang pero mahal na mahal ko yan .

" liam , wala pa rin ba si clein ? kanina pa tayo dito ha . " reklamo ni henry .

" andyan na rin yun maya maya , alam mo naman na us yun nu . " sabi ko .

" oyyy! liam gutom na ako ilibre mo naman ako ng pwedeng kainin diyan . " sabi niya .

" ano ba ang gusto mo ha ? " tanong ko .

" hyung , ako din nagugutom na ako . " sabi naman sa akin ni tj .

" me too, hyung ang aga kasi natin umalis kanina ee , hindi pa ako nakakapagalmusal . " sabi din sa akin ni kiefer .

" kiefer ! sinabi ko ba na magaegyo ka kay liam ? nakakaselos ha. " sabi sa amin ni henry , nahalatang nagseselos .

" ang bakla niyong dalawa , hindi na ako magiisip pa ng kung ano sa inyo , kilos niyo pa lang . " sabi ni kevin .

" pwede naman na hintayin natin si clein , para sabay sabay na tayo kumaen . " sabi ni peter .

" o sige hyung , wait natin si clein tapos ikaw ang mang libre ha . " kapit sa akin ni dane .

" ha? wala naman akong sinabi na ako ang manglilibre ha ?." iwas ni peter .

" ganun na rin yun yung , kaya wag ka ng magikala pa , basta ikaw ang manglilibre sa amin ha . " sabi ni tj and kiefer .

" tigilan niyo nga yan dalawa , lalo na ikaw kiefer alam mo na seloso tong si henry . " asar ni kevin kay henry .

" buti alam mo . " mataray na sagot ni henry , hindi ko alam kung sino ang bakla sa kanilang dalawa .

" ok fine . " sabi ni peter , tapos sabay sabay kaming nag sabi ng .. YESS! .

ilang oras pa kaming naghintay at sa wakas andito na ang eroplanong sinasakyan ni clein , excited na ko makita siya ..

" ohh nakakababa na yung eroplano ni clein . " sabi ni dane .

" tara abangan na natin siya dun arrival area . " sabi naman ni peter , at sumunod na lang kami sa kanya .

" ano na kaya ang itsura ni clein ? matino na kaya siya ?. " 

" ano ka ba kevin , panigurado hanggang ngayon ganun pa rin siya , wala pa rin siya sinasanto ." sabi ni tj .

" hindi matitiis ni hyung ang hindi lumaban , baka nga hanggang sa america nadadala niya yung pagiging gangster niya dun ee . " sabi naman ni keifer .

after ng ilang minuto ...

Clein POV's

nandito na rin ako sa wakas , i'm back !! . excited na akong makita sila ..

sakto naman palapag na yung eroplanong sinaksakyan namin , kinuha ko muna yung mga gamit ko sa compartment pero bago ako umalis ...

" miss , may i help you ?. " alok ko dun sa babaeng walang manners .

" no , hindi na kailangan kaya ko na to . " mataray na sabi niya , pagkakuha niya ng gamit niya umalis na siya .

" hmm , ayan ang gusto kong babae . " bulong ko , pagkuha ko ng gamit ko tska ako lumabas ng eroplano .

...

..

andito na ako sa arrival area .. hindi nga ako nagkamali at sinundo nga nila ako , miss ko tong mga kumag na to ha . 

" hyung is here !!. " sigaw ni dane , oo at siya nga ,well gumanda siya .

" oo nga andyan na si clein . " sabi ni liam , na mukhang excited .

agad naman akong lumapit sa kanila ......at sabay sabay silang yumakap sa akin . " hyung , namiss ka namin ! . " sabi ni liam .

" oo nga , it's nice to be back . ano balita ha ? . " masiglang tanong sa akin ni tj .

" panigurado marami ka ng nabugbog dun . " sabi naman ni peter .

" at marami ka na rin nakilala na blonde girl . " asar ni keifer . " kung meron man pahingi naman ako ohh . " sabi niya tapos sabay batok ni henry sa kanya .

PAK !.." aray ko naman hyung ikaw naman hindi mabiro . " sabi niya habang hinahaplos yung batok niya .

"  hyung tara na kaen na tayo , alam kong kanina pa tong nagugutom , nagrereklamo na kasi yung mga tiyan nila ee . " sabi ni kevin .

sabay sabay silang ngumiti sa akin ... " kayo talaga hanggang ngayon matakaw pa rin kayo , tara na nga at madami pa akong ikukwento sa inyo , namiss ko talaga kayo . " sabi ko sa kanila .

" yun ohhhhhh . " lahat sila .

....

....

__________________________________________________>

maikli lang ang UD ko ngayon .. guys comments kayo kung may kulang sa chapter na ito , tapos dadagdagan ko na lang .. hehe sana magustuhan niyo ..kung nagtataka kayo bakit si baekhyun ang leader hehe , sympre bias ko ee .

MY BOYFRIEND IS A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon