Chapter 1 - Partner

5.8K 127 6
                                    

THEARA

'History repeats itself'

Natawa ako sa nalaman ko, bakla pala si Papa noon? Pero nagawa siyang pabaguhin ni Mama dahil sa amin? Ang astig lang eh...
Mangyayari kaya yun sa amin ni Ckesmir?

"Hoy!"sita ni Venus sabay pitik sa may ilong ko.

"Nagdedaydream naman ang prinsesa natin tungkol sa prinsipe niyang hanap rin ay prinsipe."natatawang sabi ni Nami.

"Ang susuportive niyo rin eh, thank you ha?"sarkastiko kong sabi.

"Asan pala si Ran?"tanong ni Venus.

"Mag-uusap daw sila ng boyfriend niya..."sabi ni Nami habang kinakain yung fries na binili ko.

Napatingin ako sa babaeng tumatakbo papunta sa amin... Si Ran to ah?

"Ran okay ka lang?"tanong ni Venus.

"Sa tingin mo, iiyak ba yan kung okay lang yan?"sarkastiko kong sabi. "Pero seryoso, ano bang nangyari Ran?"

"N-nakipagbreak sakin si Jay-r."

"Lintek na pag-ibig yan!"biglang sigaw ni Nami. "Dapat kasi di mo nalang sinagot yan eh."

Sa aming apat si Nami talaga yung bitter. Hahahaha, mapait rin kasi yung past niya.

"Ang bitter neto."pansin ni Venus.

"Parang di naman iniwan."sagot ni Nami.

Na-o-OP na talaga ako. NBSB kasi ako eh.

"Ano bang dahilan niya?"tanong ko.

"May mahal na daw siyang iba. At di daw siya karapat-dapat sa pagmamahal ko."hagulgol ni Ran.

"Just accept the fact na wala na talaga kayo, masakit pero alam kong kakayanin mo."pagchecheer-up ko kay Ran.

"Nafeel mo na ba?"sabay na sabi ni Nami at Venus... Nakoooo kung di ko lang talaga 'to kaibigan pinag-uuntog ko na talaga sila.

Sinamaan ko nalang sila ng tingin. "Di kayo nakakatulong eh."pabulong kong sabi.

Ngumiti lang sila at pinatahan na si Ran.

"Ran, alam mo pagkain lang ang makakapagpasaya sa'yo. Ano bang gusto mong kainin?''masaya kong sabi.

"Burger nalang tsaka fries tapos softdrinks." Napalunok nalang ako sa sinabi ni Ran, kawawa ang wallet ko.

Pumunta na ako sa may counter nang mahagip ng mata ko si Ckesmir, may kausap siyang lalaki sa isang table kasama yung kapwa niya baklita. Kilig na kilig 'tong tokwa na'to eh.

"134 pesos po."sabi nung cashier.

"Ho?" Eh 100 lang pera ko dito ah. "U-hm t-—"

"Ito miss."sabi nung lalaki sa likod ko, pamilyar ah.

Inabot niya ang 200 pesos sa cashier. Paglingon ko si Ckesmir.

"You're welcome."ngiti nito.

Dear panty
Wag kang mahuhulog please...

"Babayaran nal—"

Di pa ako natatapos magsalita nang lumapit yung baklita niyang friend.

"Acheng... Ang tagal mo naman."

Mukhang naging invisible ako sa paligid nila, bumalik ako sa mga kaibigan ko at ipinakain ito kay Ran.

"Ayan kainin mo ha? Tapos kalimutan mo na siya."ngumiti lang ito sakin at nagsimula nang kumain. "Aalis muna ako, may klase pa pala ako."

Tumakbo ako papunta sa room at umupo. Isinalpak ko sa tenga ko ang earphones at blangkong tumitig sa may bintana.

My head's in a jam
Can't take you off my mind
From the time we've met I've been beset by thoughts of you...

Naalala ko tuloy yung unang beses kong nakita si Ckesmir. Sumasayaw siya sa gitna ng stage... Ang lambot ng katawan niya, supah.

Pumasok ang teacher namin at tinanggal ko na ang earphones sa tenga ko. Nakinig lang ako kahit gusto ko ng matulog, wala akong gana ngayong araw na 'to.

Nagulat ako nang pumasok si Ckesmir kasama si Janus, yung friend niyang baklita.

Pinopromote kasi nila yung Dancing Club nila. Di ko naman passion ang pagsasayaw at tsaka miyembro na ako sa Math Club bawal magdoble.

"You'll be joining a dance competition."

"What?!"bulong ko. Iniiwasan ko nga ang sumayaw tapos ganun?

"For all seniors, kailangan niyo ito. This will be your permit to take the exam."

Mas napa 'WHATTTTT?!' pa ako sa isip ko. Grabe ka na Sir ah.

"Sir baka puwedeng magpaquiz ka nalang ng 1 to 500."pagmamakaawa ko.

"Wag sir!"

"Sayaw nalang! Mas madali pa!"

"Luh! Porke matalino siya."

Ang supportive rin pala ng mga kaklase ko eh -_-

"No Ms. Suarez, whether you like it or not you will be participating this competition.''

Sir naman eh...

"Inside this box are 10 different colors; pink, blue, violet, yellow, green, red, orange, brown, white and black. For those who will get the black color will participate as duos with their assigned partners. And others will be by group."

Napalunok ako. Pakisamahan mo po ako... Alam kong mahal ko ang color black pero kahit ngayon  lang, ilayo mo po ako sa color na ito. God, I'm begging you.

"Ms. Suarez?"tawag sakin ni Sir.

Tumayo ako at pumikit. Kumuha ako ng papel at...

Dilat ang isang mata... BLACK?!!!!

"Sir puwede umulit?"nakangiti kong tanong. Umiling lang si Sir.

Nakanguso akong umupo. Kainis naman...

"Okay for Ms. Suarez, the only one who got a black color, your partner is..." Batman ikaw na bahala. "....Ckesmir Dale Madrigal."

"Okay class, dismiss."

Naglakad ako papuntang corridor. Ba't siya pa? Kesa naman iba? Oo nga no, may point rin 'tong sarili ko. Para akong baliw.

"Guuuys! Anong color kayo!!!?!!!!"excited na tanong ni Venus.

"Violet."malungkot na sagot ni Ran. "Kagrupo ko si Jay-r."

"Ayy. Ikaw Nami?"tanong ni Venus.

"Blue!!! Parehas tayo!!!"tili ni Nami.

"Ikaw Theara?"

"Black."walang gana kong sagot.

"Hala?! Kaaway mo talaga ang tadhana."sabi ni Nami.

"Pansin ko nga."

"Sino naman daw kapartner mo?"tanong ni Venus

"Si Ckesmir."halos mabulunan sila sa ininom nilang juice.

"Kakampi mo naman pala eh."walang ganang sagot ni Ran.

"Kahit na, di ko alam kung ano mangyayari sa susunod? Pa'no kung mapahiya ako? Pa'no kung.... Ugh! Ewan ko!''

Napasalampak nalang ako sa mesa.

Ano kayang mangyayari bukas? Sa susunod na araw? Kinakabahan ako na medyo excited...

Oh My Gay (ANWAG Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon