Chapter 2 - First Practice

2.6K 90 0
                                    

"Good. Then sway, hold her hands then pull her over. Then, wiggle!"instruct ni Sir Neil.

Bawat MAPEH teacher may handle na group or pair at sa amin si Sir Neil.

"Pull her over then fall a bit, nose to nose and smile."

Nagdikit ang mga ilong namin at naramdaman ko na naman ang panghihina, ba't ang lakas ng apekto niya sa akin?

"Perfect! Okay, take a break."

Madali kaming natapos, ewan pero nakuha ko agad ang mga steps, mukhang andali lang kasi kasama ko si Ckesmir.
Sa kanya mukhang wala lang kasi magaling naman siyang sumayaw.

"Magaling ka naman palang sayaw.''

"Ha? Ako? Di no."enebe kenekeleg eke.

"Lagyan mo pa ng feelings, mas gaganda yan."pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis siya at pumunta sa mga baklita niyang kaibigan. Bakit ganun? I don't see him as a gay, but I see him as a man.

Kahit ilang beses siyang umiirap using his beautiful eyes, mas naiinlove tuloy ako. Kahit ilang beses siyang magbinakla, mas naiinlove parin ako. At kahit bakla siya, inlovr na inlove ako sa kanya.

Nagulat ako nang may biglang umakbay sakin, si Jameson lang pala.

"Pinakuluan ka ba at namumula ka?"tanong nito.

"Lumunok kasi ako ng kamatis."biro kong sagot.

"Nakakapula ba yun baby sister?"sabi nito gamit yung pinakacute niyang boses.

"Hindi mo nga ako baby sister eh!!!"inis kong sagot. Kainis eh. "Kakambal kita. KA-KAM-BAL."

"Theara!"tawag sakin ni Nami.

Napalingon naman kami pareho ni Jameson at bigla itong naging maldito.

"Hi Yvetrick."sabi ni Venus.

Ang lakas talaga ng tama ni Venus sa kapatid ko. Ikaw rin naman eh, kay Ckesmir. Ay oo nga pala.

"Hintayin mo ako mamaya sa gym.''bago ito umalis ay ginulo nito ang buhok ko.

Aish. Napabuga nalang ako ng hangin.

"Suplado."pansin ni Nami at lumapit sakin. Samantalang si Venus naman eh namumula. "Uy, tama na ang daydream."

"Bitter kase!"tukso ni Venus.

"Eh ikaw hopeless lang! Walang romantic!"sagot ni Nami pabalik.

"Asan ba si Ran?"bago pa sila mag-giyera eh inawat ko na.

"Ayun hihingi ng closure kay Jay-r."sabi ni Nami. "Ewan ko dun ba't baliw na baliw kay Jay-r."

"Eh baliw na baliw ka rin naman dati kay Peter ah."sagot ni Venus.

Sasagot pa sana si Nami nang hinila ko sila pareho. "Dami niyo pang sinabi. Tara na, snack tayo."

Pumunta kami sa canteen at bumili ng pagkain. Kakapagod rin kumembot-kembot no, dagdag mo pa yung bilis ng tibok ng puso ko, para tuloy tumakbo ako ng isang kilometro. Kaloka.

Inilibot ko ang tingin sa canteen at nahagip ng mata ko si Ckesmir. Masaya siyang nakikipagkuwentuhan kay Janus.

"Hoy, matunaw yan."pansin ni Nami. "Bakit crush mo yan eh MU na nga kayo dati ni Lester eh."

"Pero nung dumating si Roxanne nawala yung feelings niya."dagdag ko.

"Yun lang. Ikaw kasi!"turo niya kay Venus.

"Ano?"

"Pinatransfer mo pa dito yung pinsan mo! Sila na sana ni Lester ngayon."gigil nitong sabi. Botong-boto talaga siya kay Lester.

Oh My Gay (ANWAG Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon