Chapter 4 - Panlalamig

2K 82 0
                                    

"Ckesmir! Umayos ka nga!"saway ni Sir Neil.

Malakas nitong hinawakan ang kamay ko at napa-aww ako sa sakit. Syempre bulong lang.

Anong nangyayari sa kanya?

Anong ginawa ko? May ginawa ba ako?

"Aray!" Di ko na mapigilan eh, masakit na.

"Ckesmir, be gentle!"saway ni Sir.

"Sorry." Ba't ganun? Mukhang di siya sincere. Mukha lang, di sure.
Umulit uli kami. Mula sa simula. Kung ang pangit kanina mas pumangit ngayon. Ano ba ang nangyayayari sa kanya? Huhuhu.

"Argh! Break!"inis na sabi ni Sir  Neil. "Ckesmir, come here. Theara you can take a rest."

Napaupo ako sa gilid. Ano kayang nangyayari sa kanya?

Tiningnan ko ang mga nagpapractice na iba't-ibang grupo. Si Venus kapartner si Gab, yung may crush sa kanya. Si Ran si Jay-r, tapos si Nami... Asan si Nami?

Biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Text message received...
From: Nami
Pakisabi sa adviser ko na may emergency, pati rin sa team leader namin sa sayaw. Mwah!

Ah, kaya pala. Nakita kong nag-uusap pa si Ckesmir at Sir Neil, tumayo ako papunta sa room ni Nami.

"Theara?"siya na naman?

"Wala ba ang adviser niyo?"sabi ko na hindi tumitingin sa mata niya.

"Wala, bakit?"

"Hindi makakapasok si Nami, kasi may emergency daw."

"Okay."

Umalis ako nang hindi nagpapaalam. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Theara puwede bang—"

"Lester layuan mo ako please. Ayaw kong mag-away kayo ni Roxanne dahil sakin."

"Hindi naman yun ang pakay ko.''

"Oo pero si Roxanne? Ano nalang ang iisipin niya? Na inaagaw kita mula sa kanya?" Ang kitid kasi ng utak ng girlpren mo eh. "Kaya bitawan mo ako, please. Ayaw ko nang masaktan pa."

Pagkabitaw niya ay agad akong tumakbo papunta kela Sir Neil.

"Theara, I told you to rest, not to roam around."sermon ni Sir Neil.

"I'm sorry Sir."

"From the top."pinlay ni Sir ang music at nagsimula kaming sumayaw.

Walang imik lang si Ckesmir. Nafeel ko ang lamig sa pagsayaw niya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Di ko alam ano ang nangyayari sa inyo, but your performance was worse than before. You Ckesmir, why are you acting like that?"

"Nothing Sir."

"Ugh! Naistress ako sa inyo. Sa sunod nalang tayo magpapasukat para sa susuotin niyo. For now let's dismiss early, for weekends we will not practice, may seminar kaming mga teachers so see you next week. And please, fixed yourselves, especially you Ckesmir."

"Yes Sir."walang ganang sagot nito.

Umalis si Sir at naiwan kami ni Ckesmir.

"Ckesmir okay ka lang?"

Di lang niya ako pinansin.

"Kung may problema ka, puwede mong sabihin sak—"

"Di tayo close para sabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko."malamig nitong sabi.

Oh My Gay (ANWAG Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon