A Test of Love and Trust (Chapter 1)

35 1 0
                                    


"I'm sorry, Drinx."


Ang tanging tugon ni Michelle sa akin. Ang totoo ay na inalok ko sya ng kasal bago pa siya pumunta sa Amerika. Ngunit sa halip na sumang-ayon dito, gusto niyang hintayin ko siya sa loob ng 3 taon.


"Hindi pa ko handang magpakasal, Drinx. Maybe after 3 years. Please wait for me. Gusto ko pa ng karagdagang success sa career ko. I still have many things to do. I accepted the offer in America. Madali lang naman ang 3 taon. I hope you can wait for me."


Ang mga salitang iyon ay hindi kailanman nawala sa aking isip hanggang sa araw na ito. Ang aming relasyon ay matatag sa 6 na taon at kami ay parehong matagumpay sa aming mga karera dito sa Pilipinas. Ako ay isang inhenyero at siya nakapagtapos sa medikal na kurso. Kahit na siya ay napaka-busy at wala syang oras sakin, inuunawa ko. Mahal niya ang kanyang trabaho at siya ay isang matalinong tao at alam niya ang kanyang mga prayoridad. Hindi makitid ang pag-iisip ko para hindi intindihin. Ngunit dumating ang oras na napagtanto kong sobra na, hanggang sa punto na hiniling ko sa kanya na pakasalan ako at ipagpapatuloy ang kanyang pangarap sa pag-unlad pagkatapos naming ikasal. Maraming mga bagay ang maaaring mangyari sa loob ng 3 taon at hindi ko nais na maghintay para sa wala.


Ako na mismo ang nakipagkalas. Kung magkikita kami ng tatlong taon at kaming pareho, baka sakaling kami nga. I konw how much I loved her pero sa pagkakataong ito, hindi ko na kaya ang kanyang kundisyon. Maluwag naman nyang tinaggap ang pakikipagkalas ko. Tila nga nabunutan pa sya ng tinik sa dibdib at parang nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam kung hadlang ba ako sa mga pangarap nya o hindi basta ang alam ko ngayon malaya na uli ako pero nasasaktan.


Natagpuan ko ang sarili ko sa isang nightclub. Gusto kong maglalasing, gusto kong paggising ko ay malimutan ko na ang lahat ng sakit. gusto ko kalimutan si Michelle kahit sandali lang. kahit ngayon lang muna.



"Beer, sir? May babae din po kami. Bago at bata," wika ng baklang floor manager na tila nag-aalok ng paninda.

"Sige, bigyan mo ko ng 4. Magkano labas ng babae nyo?"

"Php 3000 po sir. Sa inyo po lahat," tugon ng bakla.

Alam ko ang patakaran sa club. Pwede ilabas ng buong magdamag sa halagang iyon. Agad naman tumalima ang bakla at ng bumalik, may kasama ng babae. Napatda ako saking nakita, magandang babae ang nasa aking harapan. Matangkad, balingkinitan ang katawan, morena ang kutis at matangos ang ilong. Mukhang hindi ito nagtatrabaho sa club. Kiming kimi itong umupo sa harap ko.

"Anong gusto mong inumin?" tanong ko sa kanya. 

"Juice na lang po sir," wika nya.

"Wag mo na akong tawaging sir, nakakatanda naman. Hehehe, ako pala si Drinx. Ikaw, ano pangalan mo?"

Sa wakas ay napangiti ito. Napakaganda talaga nito, may matang nangungusa at may dimple sa pisngi.

"Pearl po sir, este Drinx pala."

"Alam mo, di ka bagay dito Pearl. Maganda ka, first time mo bang magtrabaho sa ganito?"

"Oo Drinx, wala naman akong pagpipilian. Gipit na gipit kasi kami. Wala na akong magulang, hindi ako nakapagtapos kahit high school man lang. May kapatid ako pero malayo sa akin, matagal na kaming hindi nagkikita at may sakit sya."



Labis akong nahabag sa magandang babaeng kaharap ko. Sayang talaga. Habang tumatagal ang pag-uusap namin ay nagkakapalagayang loob kami. Tumatawa na sya sa mga joke ko at ganon din ako. Masaya syang kausap. Nalaman ko na lang na ilang araw pa lang sya sa club na iyon at hindi pa sya pumapayag magpalabas. Subalit ng araw na yon, napapayag ko syang sumama sakin. Alam kong natatakot sy, kitang kita ko yun sa kanyang mga mata pero sumama pa din sya sakin. Siguro dala ng pangangailangan at siguro naisip na wala syang choice dahil trabaho nya yun.


A Test of Love and TrustWhere stories live. Discover now