A Test of Love and Trust (Chapter 2)

22 1 0
                                    



"Congrats Drinx!" wika ng isang pamilyar na tinig saking likuran.



"Michelle? Kelan ka pa dumating? Salamat." nakangiti kong wika. Lalong gumanda and dati kong nobya. Pinagmasdan ko sya, bakas sa katatayuan nya ngayon na isang matagumpay na manggagamot. Subalit wala na sa kin yun. Masaya ako sa piling ng aking asawa at kahit kelan di ko sya ipagpapalit.

"Nung isang linggo lang. Nag-asawa ka na pala. Di ka man lang nagpasabi." kunwari'y nagtatampong wika nito.

Ngumiti lang ako. Bakas na bakas sa mukha nito ang pait at sakit. Alam ko may nararamdaman pa din sya sakin kasi nalaman ko na wala pa din syang nagiging asawa, subalit para sakin matagal ng tapos ang aming kabanata.



Masaya akong umuwi sa bahay at nilambing ang aking asawa at kinwento ang naganap. Hindi kinababakasan ng kahit konting pagseselos si Pearl , may tiwala sya sakin. At ganon din ako, hindi ako marunong maglihim sa kanya.


Lumipas ang mga buwan, nais ko ng magkaanak. Ipinasya kong magpatingin sa doktor at nabigla ako na ang doktor palang titingin sakin ay walang iba kundi si Michelle.



"I'm sorry, Drinx. Impotent ka." Yan ang mga salitang namutawi sa bibig ng dati kong katipan. Napatiimbaga ako ngunit para makasiguro ay nagpunta ako sa isa pang doktor na kilala ko, ang kaibigan ni Michelle, si Edward. Subalit tulad ng unang pagsusuri, wala akong kakayahang magkaanak. Isa akong baog, ganunpaman hindi ako kinabakasan ng sobrang pagkadepressed. Alam kong maiintindihan ako ng aking asawa, mahal nya ako at matatanggap nya ako. Pwede naman kaming umampon ng bata kaya walang puwang ang kalungkutan. Tulad ng normal na araw, umuwi ako sa bahay namin, ipinagtapat ko sa kanya ang lahat, ang sakit ko. Alam ko naman na di ako iiwan ng asawa ko.



Gabi na ng ako'y makauwi, sumalubong sakin ang mabangong niluluto ni Pearl. Nakita ko din ang aking asawa na seksing seksi at bagong ligo na tila may espesyal na okasyon ngayong araw. Makahulugan din ang kislap ng kanyang mga mata. Napangiti ako, niyakap sya. Siguradong nasa mood ang aking asawa ngayon. Magandang pagkakataon para sabihin ko ang aking natuklasan. Sabay kaming nagdinner at nagkwentuhan.


"Drinx, mahal may sorpresa sana ako." nakangiting sabi nya at iniabot ang isang pregnancy test.


Para akong natuka ng ahas! Hindi ako makahinga. Panong mabubuntis ang aking asawa gayong isa akong baog. Put*ng *n*! Niloloko ako na aking mahal. Iniiputan ako sa ulo!! Hindi akin ang dinadala nya at yun ang matibay na katunayan ng kanyang pagtataksil. Hindi ako nakapagsalita, gusto ko syang saktan pero hindi ako marunong manakit ng babae. Nabigla si Pearl, ng bigla kong itinaob ang lamesang aming kinakainan.

Tila isa itong inosente sa ginawa nyang kabalbalan, matapos ang lahat ng ginawa ko,ito ang igaganti nya?!Put*ng *n*!! Hindi nakapagsalita si Pearl ng sabihin kong, "Hindi ako ang ama ng batang yan!! Taksil ka!! Pano mo nagawa sakin to?!" iniwan ko syang nakatulala at di makapaniwala habang nanginginig sa takot.

"Pero Drinx...bakit" wika nya habang pilit akong niyayakap, tinulak ko sya, sumadsad sya sa sahig pero wala akong pakialam!! Dapat lang sa kanya yun. Poot na poot kong nilisan ang bahay na yun. Nagpakasasa ako sa alak, umaga na ng bumalik ako sa bahay namin. Nakita kong tulog sa sala ang aking asawa, halatang hinitay ang aking pagdating.

A Test of Love and TrustWhere stories live. Discover now