MICH'S POV
Hindi ako nakatulog ng ayos nung gabing 'yon.
Andaming gumugulo sa isip ko.
1AM na, pero mulat na mulat pa ko.
"AAAAAAHHHHHHH! Ano bang problema mo!? Wala naman akong ginagawa sayo, ah!? Bat ganyan yung treatment mo sa'kin!? Ang malala pa, SAKIN lang eh! SAKIN LANG! Baket!? HA!?"
Sigaw ako ng sigaw. Wala akong pakialam kung magising man sila. Ang mahalaga, nalabas ko yung nararamdaman ko.
Kelangan ko ng kausap. Hindi ako makakatulog ng gantong lagay.
Kinuha ko yung cellphone ko sa desk.
Pumunta ko sa contacts ko. Humanap ng pwede kong kausapin.
*scroll down*
*scroll down*
*scroll down*
AH! Si Jay! Close sila ni Gab, diba?
Calling..
Jay_Tindalo
RIIIIING..
RIIIIING..
RIIIIING..
RIIIING..
"Mich?" Sa wakas! Sumagot ren!
Halatang bagong gising siya.
1AM na nga pala. Nambubulabog pa ko.
"Uy, Mich. Napatawag ka?" -- Jay
"Ahm, ano kase, may gusto lang sana kong itanong."
"Hindi ba pwedeng bukas na? Antok na talaga kasi ako."
"Ano, sandali lang naman 'to. Sige na."
"Sige na nga. Ano ba yun?"
"May alam ka ba tungkol kay Gab?"
"Malamang. Tropa ko yun eh. Bakit ba? Anong meron?"
Oo nga naman. Nagtanong pa ko. Tanga!
"Eh kase ano, parang, these past few weeks, hindi niya ko pinapansin. May nabangit ba siya sayo na nagawa ko, o nasabi ko?"
"Ahh. Tss. Yun lang pala. LQ kayo no?"
"LQ KA DYAN! Nanay mo, LQ!"
"HAHAHAHAHAHA."
Tawa lang siya ng tawa. Teka, parang kanina lang inaantok pa daw siya?
"Yan pala inaantok, huh? Hinde, Jay naman kase. Seryoso na."
"Sorry. Eh kase naman, OA ka masyado eh. Bakit mo ba sakin tinatanong yan?"
"Matatanong ko ba siya kung hindi niya ko pinapansin?"
"Now I get it. You miss him that much, huh? To the point na pati mga kabarkada niya, iniinterview mo na?"
"H-ha? Ano daw? Miss ka dyan. Miss your face."
"Ayan na naman si Denial Queen. Ayaw mo pa kasing umamin. Ayan tuloy, umabot sa point na pagod na siyang hintayin ka. Tapos ngayon magtataka ka kung bakit hindi ka niya pinapansin, eh all this time, wala kang pakialam sa feelings niya."
"H-ha? Anong sinasabi mo?"
"Look, Mich. Antagal ng nagpapapansin sayo ni Gab. He already confessed, didn't he? Napagod na siyang maghintay sayo. He realized na wala naman pala talaga siyang chance sayo, so why wait? Now, he's ignoring you quite much, para maka move on na siya."
"Si-sigurado k-ka ba?"
Naluluha ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Wait, Mich, are you okay? Are you crying?"
"H-ha? Ako? Bakit naman ako iiyak? Haha. Ano ka ba, ayos lang ako." I faked a laugh. "Ah, sige. Umaga na. Sorry sa istorbo. Salamat sa time."
I ended the call right away.
Bakit ako umiiyak?
Bakit ako nasasaktan?
Nahiga na ko. Pero lalo akong hindi makatulog sa mga narinig ko.
Sus. Namimiss mo lang yun eh. -- Mia
Ah, you miss him that much, huh? -- Jay
Ano 'to? Bakit nagfaflashback yung mga lines na yun?
ERASE, ERASE! Hindi naman eh.
Hindi nga ba?
*FFW*
The next day.
"O, baket mugto mata mo? Anlake pa ng eyebags mo. Hala. Ampanget mo 'teh." -- Mia
"Mia, help me...
...I want Gabby."
O_O
"You.. w-want.. Gabby?" -- Mia
"As a friend."
---
Chapter 4.
Hope you liked it! :D
Umabot na pala ng 100+ readers yung story na to.
YEHEY! *sabog confetti* WOHOO! *kembot kembot*
VOTE.COMMENT.BE A FAN.
HAHA. Thankyou! :D
-MM<3
//myguardian
![](https://img.wattpad.com/cover/1435765-288-k688332.jpg)
BINABASA MO ANG
Love vs. Friendship ღ
Teen FictionSa buhay, alin ang mas mahalaga? Ang pagkakaibigan? O ang pagmamahal?