\\ Five

106 3 1
                                        

MICH'S POV

"T-teka. Anong sinasabi mo? Panong as a friend?"

Tss. Akala ko ba matalino si Mia? Anyare dito? As a friend lang hindi pa alam! Psh.

"DUH, MIA! AS A FRIEND! Kaibigan!" 

"OO naman. Naiintindihan kong gusto mo siyang maging kaibigan. Pero, alam mo naman na may paghanga sayo si Gabby, diba? At iniiwasan ka niya ngayon para maka move on. Pero gusto mo siyang kaibiganin? Mich naman."

Naguluhan ako sa sinabi niya. Dati, pinagtutulakan nila ko kay Gabby. Tapos ngayon namang gusto kong kaibiganin at makilala ng husto yung tao, ayaw nila.

'Vas happening with the world?

"Dati, go lang kayo ng go. Ako yung may ayaw. Ngayon naman na gusto ko na, kayo naman ang may ayaw."

"Gu-gusto mo na si Gabby?"

"OO!"

Tinakluban ko kagad yung bibig ko. Nagulat si Mia. Kahit ako, nagulat ako sa sinabi ko.

Gu-gusto k-ko siya?

"YEHEY! Buo na ang Mich-Mich!"

Mich-mich. Tss. Korni. Si Gabby kase, nickname niya ang Gab-gab. Tapos, Mich ang name ko. Kaya ayan. Out of nowhere nagkaron ako ng ka loveteam. Tss.

"No, wait, Mia. It's not what you think."

"Anong it's not what I think? Eh kasasabi mo nga lang na gusto mo na siya, diba? Matutuwa sila Jay neto! WOHOOOO!"

Nag victory dance na si Mia. 

*kembot kembot* WOHOO! *talon talon* YEBAAAAAAH! *clap clap* BOOOYAAAAH! ~

Hindi naman siya masyadong masaya. HINDE! HINDI TALAGA!

"Hindi nga sabi eh. Saka..."

"Saka ano, Mich? Mahal mo na?"

Binatukan ko nga! Mahal mahal pinagsasasabi nito! Hindi ko nga gusto, mahal naman?

"SIRA! Mahal ka dyan!"

"Aray ko naman." Sabay himas sa batok niya. "Eh ikaw kasi eh. Anlabo mo. Sabi mo kasi gusto mo na tapos biglang hindi. Tapos bibitinin mo pa ko sa 'saka..' Ano ba kase yun?"

"A-ano...wag na nga lang."

"Sus. Sakin pa ka pa ba mahihiya, eh pareho lang naman tayong walangya. HAHAHAHAHAHA!"

Nakatikim na naman siya ng isa pang batok.

"Wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo!"

"Ah, eh. Sorry na, Ma'am. Behave na po. Ano ba talaga kase yun?"

"Pa-pano mo ba m-malalaman k-kung m-may g-g-gusto ka sa isang t-tao?"

"UNSURE FEELINGS! BOOYAH!"

Nag victory dance na naman siya. 

Pinaupo ko naman siya agad.

"Ano ka ba!? Tumigil ka nga! Muka kang tanga! Hindi ka ba naturukan kaninang umaga!?"

"Hay nako. Ako, mukang tanga? Sa ganda kong to? Saka, anong turok yang sinasabi mo? Ang cute kaya nung victory dance ko! Ingit ka lang eh! Halika, ituturo ko sayo. Dali!"

*PAAAAAK!*

"ISA PA MIA! TUMIGIL KA NA, HA!"

"Dalawa na lang."

*BOOOOGSH*

"O-OPO! AAYOS NA PO!"

Aba, kung hindi ko pa siya sasaktan, hindi magtitino eh. Tss.

"O game. Seryoso na."

"G-game? Saan? Tara nood tayo! Yipee!"

*PAAAAAAK!*

"Walang game. Umupo ka na nga lang diyan. Wag ka mag tanga tangahan. Di bagay."

"OO NA! OO NA! O, pano malalaman kung gusto mo ang isang tao? Kapag nakakaramdam ka ng kakaibang saya pag kasama mo siya. Pag pakiramdam mo may kulang pag wala siya. Kapag hindi ka nakakatulog ng hindi kayo naguusap o nagpapansinan. Kapag lagi siyang laman nan. *sabay turo sa ulo ko* Then maybe you like him. Teka, sino ba?"

"Wala. A-ano, may nagpapatanong na friend."

Sinabi ko na lang na wala kase kung sasabihin kong si Gabby, panigurado tatadtarin na naman ako ng asar nun. Dadalihan na naman niya ko ng Famous V-Dance niya. Muka namang bumenta sa kanya ang excuse ko dahil hindi na siya nagtanong pa pagkatapos nun.

Nagpatuloy na lang kami sa pagawa ng props para sa pep squad. Ang mga may sports kase, ay automatic Props Committee. Hindi naman pilitan, pero tulong na rin namen to sa batch namin.

Natapos na ang practice ng cheerers. Mabuti naman at makakauwi na rin kami.

Nagpaalam na ko sa mga kaklase ko. Naglakad na ko pauwi. Medyo malapit lang naman kasi.

Nabato ako bigla sa kinatatayuan ko. Nakita ko si..

GABBY.

Naglalakad papunta sakin.

ASSUMING! Nilagpasan niya ko. Baka bumalik na lang siya sa practice area.

"A-ah, Ga-gabby."

WHATDAPACKAGINGTAPE! Bakit ko siya tinawag!?

Lumingon siya sakin ng may ngiti sa muka.

"Yes, Miss Friendly?"

---

WAAAAAH!

Chapter 5. May pasok na bukas. Huhuhu. :(

VOTE.COMMENT.BE A FAN.

Kung gusto. HAHA. Tenchu! ^_^

-MM<3

//myguardian 

Love vs. Friendship ღTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon