☺Chapter 8☺Malas??

145 1 0
                                    

•Althea's POV•

*toot-tot*toot-tot*

From: Bff;)

Bff, labas na ko. Di na kita mahihintay kasi maggo-grocery pa ko. Ingat na lang pag-uwi ha..:*

Naku 6pm pa naman ang labas ko. Haist kaya ayaw na ayaw ko ng subject na toh, ginagabe ako ng dahil dito. Terror pa naman si Prof. Tapus di ko pa dala ang car ko kasi coding.. :|

***

"Okay, class dismiss." ,sa wakas naman.

Eto ako naglalakad na palabas ng campus ng biglang...

Waaaah! Umuulan? O.O!!

Pano na ko nyan, wala akong kotse, wala akong payong. Tapus yung ibang studyante nag unahan na sa pagsakay ng taxi. Yung iba naman may mga sariling dalang sasakyan. Pano na ko, gumagabi na! ;(

Andito lang ako sa may waiting shed. Sa labas ng school. Naghihintay ng taxi na dadaan pa. =__=

Tama! Matawagan na lang nga si Bff kahit nakakahiya, magpapasundo ako sa kanya. Di nya din naman ako matitiis. ^_^

Nakailang ring muna bago sya sumagot. Pero nung magsasalita na sya biglang namatay yung phone ko.

Waaah! Battery empty? Ang malas ko naman! Baka nag-aalala na pati si 'Nay Elsa. T_T

Isip ako ng isip kung paano makakauwi ng biglang....

*beep-beep*

May bumusina at tumigil na kotse sa harapan ko. Nung una di ko pinapansin, pero nung ibinaba nya yung bintana ng kotse nya na shock ako.

O_O!!

Si Ryan pala. O_o

"Hop in" sabi nya.

"H-ha?" sabi ko sabay tingin sa likod ko pati sa kaliwa at kanan. Baka kasi hindi ako ang kinakausap eh.

"Sumakay ka na Thea. Ang lakas ng ulan, ihahatid na kita senyo."

"N-no need, padating na din naman yung sundo ko. Hinihintay ko na lang. Thanks na lang din."

Oo, ako na sinungaling. Pero duh! Kahit anong mangyari di ako sasakay jan. Diba sabi ko sa kanya wag na nya ko pakikialaman pa. Hmp..

"Okay, ayaw mo eh. Geh bye."

Antipatiko talaga! Aba't umalis na nga. Di man lang namilit. =__=

Waaah! Ang lakas pa din ng ulan. At nilalamig na ko. Isang oras na yata ako dito. Huhu! T_T

Pesteng mga taxi yan. Kung kelan kinakailangan tsaka naman walang dumadaan. Malas talaga ng araw na toh! :3

Maya-maya may tumigil na namang kotse sa harap ko. Teka sya na naman? Kala ko ba umalis na sya?

"Thea, sakay na sabi. Kanina pa kita pinapanuod jan. Kaso wala namang dumadating na sundo mo."

"P-padating na din naman yun."

"Look Thea. Alam kong iniiwasan mo ako kaya umaayaw ka. Pero mag-isip ka nga, uunahin mo pa ba yang galit mo sakin, at hahayaang mamuti yang mata mo sa paghihintay sa wala? Paano kung may mangyaring masama sayo jan? Kaya sumakay ka na, I just want to help."

Aay, tama naman sya eh. Bakit nga ba nag-iinarte pa ko? Ngayon lang naman..

Bumaba na sya ng kotse at nagpayong, tapus inalalayan nya ko para makasakay sa tabi ng driver's seat. Weeh? Gentleman din naman pala sya noh.

Grabe naman, nilalamig pa din ako.

Nagulat na lang ako ng hubadin nya yung jacket nya at ipinasuot sakin. O_o

"O-oy, di ko na naman kelangan toh."

"Nilalamig ka na nga. Sinabi ng sumakay na agad kanina. Ayan tuloy."

Nagsimula na syang magdrive. Ako naman tahimik lang. Ang awkward. =__=

"San ka nga pala nakatira?"

"Sa Love Subdivision."

"Magkalapit lang pala tayo. Dun lang ako sa Peace Subdivision."

"Aah."

Bigla nyang itinigil yung kotse sa tapat ng isang fastfood. Anu toh, Jollibee?? O_o

"T-teka. Bakit tayo nandito.?

"Malamang kakain, nagugutom na ko eh. Tara, alam kong di ka pa din naman kumakain."

"P-pero malapit na lang naman yung samin. Tsaka, ayokong magkaruon ng utang na luob sayo." sabay tungo ko..

"Hanggang ngayon ganyan ka pa din mag-isip? Sige na Thea. I insist."

Wala na din naman akong nagawa. Bumaba na sya ng kotse para pagbuksan ako. Tapus pinayungan nya ulit ako papunta sa Jollibee. Halos magkadikit na yung katawan namin. Di ako sanay, first time ko yatang mapayungan ng isang lalaki. Kahit nga si Daddy never nagawa sakin toh eh. =__=

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ayun.. last update ko toh for this week.... ewan ko lang po kung mapapadalas pa ko ng pag wawattpad.. kasi di ba pasukan na next week.. so baka once in a bluemoon nalang ako makapag UD :(

Pero basta ta-try ko pa din makapag UD para sa mga readers ko kahit na kokonte lang kayo, sobrang thankful na ko dun....

***

Read,

Vote,

Comment,

and.....

Be a Fan.. ^__^

In Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon