☺Chapter 9☺

119 1 0
                                    

Dedicated to her.. kasi napakagaling nya na author.. at napaka ganda ng story nya... try nyo din basahin, yung "Three Words, Eight Letters" :))

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

•Althea's POV •

"What do you want to eat?" tanung ni Ryan ng makaupo na kami sa table na mejo nasa dulo na.

"I-ikaw nalang ang bahala."

"Okay, just wait." sabay alis ni Ryan at punta sa counter para umorder.

JOLLIBEE..

Every child loves to eat here..

When was the last time na nagpunta ako dito?

Ah, I was only 7years old then, and that's my birthday..

Kasama ko noon si 'Nay Elsa. Ang galing noh? Halip na sina Mom and Dad ang kasama ko para mag celebrate, hayun at si 'Nay Elsa lang. Sobrang lungkot ko nun kasi di ba usually kapag 7th birthday ng isang bata, diba dapat may special na celebration?

Nung buhay pa naman si Toby malimit kami dito, lalo na every Sunday. Kaso nagbago talaga ang lahat nung mawala ang kapatid ko'ng yun..

Di na kami nagkakaruon ng bonding, nagpaka subsob sa trabaho si Daddy, si Mommy naman dumalas ang pag a-out of town, lumayo ang luob nila saken at mejo napabayaan na nila ako. Haay, pasalamat na lang talaga ako kasi anjan si 'Nay Elsa. Sa lahat ng oras na dapat sila ang kasama ko, si 'Nay Elsa ang nandun.. :|

Nakakapag tampo talaga sila. Parang si Toby lang yung anak nila. Hindi lang naman sila yung nasaktan sa pagkawala ni Toby, ako din. Pero kahit ganun, hindi pa din ako nagtanim ng galit kay Toby, wala naman syang kasalanan..

"Hey Althea!"

"Ay kabayong gwapo! Anu??!" tss, si Ryan pala. Nakabalik na dala yung mga in0rder nya.

"Kabayong gwapo pala ha?*grin* Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang ang layo na ng nalipad ng isipan mo."

"W-wala yun. May naalala lang kasi ako." tss kakahiya, baka isipin pa nya na nagagwapuhan ako sa kanya. Hmp

"Hmm, huhulaan ko kung anong naalala mo. Siguro yung kiss natin n0h??"

"K-kapal mo naman, feelingero ka masyado!" sabay irap ko sa kanya.

"Haha, joke lang. Oh sya kaen na tayo."

Nagsimula na kaming kumaen. Chicken and rice, fries at hamburger lang naman yung in0rder nya tapus my coke float pa. Pareho lang kami ng kinakaen.

Di ko namalayan na napapasarap na pala ako ng pagkain. Bakit kaya? Dahil ba sa kasama ko ang antipatiko na toh? Duh! Hindi! Napapasarap lang ang kaen ko kasi ngayon lang ulit ako nakapunta dito after so many years. Feeling ko tuloy bata ulit ako.. ^_^

Napansin ko na lang na nakatitig na pala sakin si Ryan habang kumakaen. "W-why? May dumi ba ko sa mukha? May amos ba?" sabi ko sabay punas ng tissue sa gilid ng bibig ko. Baka nga may dumi, nakakahiya naman sa kanya.. =__=

"No, naaaliw lang ako na pagmasdan kang kumain. Muka kasing gutom na gutom ka."

Eh talaga namang gutom ako. Kaw kaya maghintay ng taxi ng lampas isang oras tapus umuulan pa.

Pero infairness, hindi sya nang aasar sa sinabi nya. Nakangiti lang sya.

"O-oy, di mo ko madadaan sa pang aasar mong yan ah. Baka kala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin kahapon."

Eeeeh! Pakiramdam ko nagblush na naman ako pagkasabi ko nun.

"About nga pala dun, sorry talaga. Siguro naman sa ginawa kong pagtulong sayo ngayon eh nakabawi na ko kahit papano."

"Hmm, tanggap ko na naman. Naiinis lang talaga ko pag naaalala ko yun. Tsaka..."

"Tsaka??"

"Kung pwede sana pagkatapus nito wag ng magkrus ang landas natin. Tutal nakabayad ka na naman sa kasalanang nagawa mo sakin, kalimutan na lang natin yun. Ayoko din kasi na mapa-tsismis ako sayo. Syempre diba sikat ka sa school. And we're not even friends."

"Nonsense naman yang sinabi mo. Ah basta, from now on we're officially friends."

woah! Nakakatunaw na ngiti. Sheez!

Nagsmile na lang ako sa kanya. At niyaya na syang umuwi..

***

"Ahm, dito na lang ako. T-thanks ah."

"No problem. Sana lang next time wag ka ng maiilang sakin. So friends na tayo ha?" sabay lahad ng kamay nya sakin para makipag shakehands.

Tinanggap ko nalang yung pakikipag kamay niya sakin. At ayun na naman ang pakiramdam na yun, na paran may libo-libong boltahe ang dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko. Naramdaman ko din na humigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko. At unti-unti syang lumalapit sakin. Tapos..

Tapos....

Again, for the second time....

He kissed me! O___O!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ayan!!

nakapag update na po.. sensya na po sa napakatagal na UD.. busy lang po sa school...

anyways, tnx po sa naghintay.. hehe

Read..

Vote...

Comment..

And be a FAN....☺

In Love with YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon