How come when one person been hurt by only one, natatakot na agad sila magmahal ulit ng iba kung kailan palang yun na yung taong handa silang mahalin ng buong buo ngunit hindi na nila magawang tumanggap pa ulit dahil nakatatak na sa isip nila na "parepareho lang naman silang lahat".
Minsan kung kailang sinukuan ka na saka mo lang siya makikita at saka mo hahanapin kung kailang wala na at pag aari na pala ng iba. Edi GG na ulit mga bessies. 😂
Hi! Im Yazzy Iana Calo de Reyes from Santa Cruz Laguna 16yrs of age. Hindi mayaman ngunit hindi rin mahirap dahil sakto lang. Minsan tibo tibo kung pumorma, minsan naman ay babaeng babae dahil depende sa mood ko kung paano ako manamit. Kakagraduate ko lang ng highschool sa South Montesorri School in Pila Laguna 1st Honorable Mention UPLB DLSU UST and CEU passer. Pero dahil ayokong lumayo sa LSPU ko gustong pumasok where in ni-la LANG lang ng iba but I believe that hindi school ang basehan para makahanap ka ng magandang work dahil nasa tao pa din iyon. Hoy may elementary nga lang na graduate na nagiging succesful di ba pero syempre iba pa din yung nasa magandang school ka manggagaling kaso nasa diskarte kase ng tao yon. Dentistry gusto kong course pero dahil walang dentistry sa LSPU which is Learning State Polytechnic University hindi ko tuloy alam kung ano na kukunin ko.
YAZZY'S POV
To:Twinny
Twinny mag entrance exam ako bukas sa LSPU, samahan mo ko ha baka maligaw ako.Text ko kay twinny na siyang pinsang buo ko din studying BS.Mathematics syempre sa LSPU din.
Scroll down lang ako ng scroll down sa facebook at di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Tununun Tunununun 📢🕖
Nagising ako't napabalikwas sa lakas ng alarm ng cellphone ko na mariing nakatapat pala sa aking tainga. Pagtingin ko sa orasan ay alesyente na pala na dapat ay paalis na ako sa bahay ng ganitong oras. Sampung beses na pala itong paulit ulit na nag alarm ngunit ngayon lamang ako nito nagising. Dali dali akong kumilos at dahil nga late na ako hindi ko na nagawang kumain pa.Message to: Twinny
Oy kambal nasa gate na ako. Ang lawak pala nito dito na lang kita antayin di ko pa alam pasikot sikot dito.Message from: Twinny
Sige kambal pababa na ko nagpapirma lang akong clearance sa dean namin.Habang inaantay ko si Twinny ay pinapanood ko lang yung mga taong labas masok sa gate at sobrang dami nila, yung iba ay may dala ng tela ng uniform nila at yung iba naman ay naka uniform na batid ko'y nagsusummer class ang mga ito.
"Maam pasok po kayo dito sa loob mainit po dyan, dito nyo na lang po antayin yung inaantay nyo" sabi ni kuya guard na nag alok pa ng upuan. May pandong naman yung labas ng gate kaya lang mainit ngang talaga dahil sa singaw ng kalsada at ng mga dumadaang sasakyan.
"ay ayun na po yung inaantay ko, salamat po"
sagot ko dito at nanakbo na ako papalapit kay Twinny."Iana! Pawis pawisan ka na baka hikain ka niyan".
Sabi ni Twinny na kinapa kapa pa ang likod ko. And yes may hika ako pero minsan lang naman yun sumumpong."Ate Dianne ako na lang ba ang kukuha ng form ngayon at ang mag eentrance exam?"
Tanong ko dito dahil ang pagkaka-alam ko ay pasukan na dito next next monday."Sabi ko sayo last month kumuha ka na i, saka ganyan talaga masanay ka na sa maraming tao at magtyagang pumila ng mahaba"
Sagot niya sabay tinuro ang pila sa akin ng mga enrollies na incoming freshman din like me."Ayoko ng ganiyan" sabi ko ng nakanguso dito habang tinititigan yung pila at yung iba ay nasa initan pa.
"HAHAHA!!! ganyan talaga Yaz!! Nasanay ka lang nung highschool na iilan lang kayong studyante sa school niyo!" Sabi ng lalaking biglang sumabat sa likudan ko.
YOU ARE READING
The Adventure of Loving You
De TodoEveryone wants a perfect relationship but what makes a perfect relationship is just when you both love each other and stay inlove in every single day. Perfect relationship is when you used to hurt in every single way, when you learned how to balance...