“Eh, DAKILANG BOBO mo naman Ena!” sigaw sakin ni May na tipong dinidikit ang labi niya sa tenga ko. Para siguro marinig ko ng maayos.
“OO nga mami. Meg, pagawa nga tayo ng tarp. Yung may nakalagay na ENA ELOISA B. MANLAPIG “Ang dakilang Bologs ng Bagong Henerasyon” ODIBAAA?” oo, sumisigaw din si Jona niyan pero di niya na nilapit bunganga niya sakin.
“Pero di naman ako bingi ah, anobayaaan?! Kailangan talagang sumigaw?”
“Siyempre naman no? Capital ASDFGHJKL naman kase ng ginawa mo!”
“Sorry naman? Hindi ko naman alam na mahuhulog talaga siya dun sa babaeng yun eh.”
“So ngayon alam mo na? Anong plano mo?”
“Siguro pababayaan ko nalang sila. Diba Jons?”
“Anong pababayaan? Hoy ENAA! All this time ikaw ang nagiging Damsel-In-Distress na palaging sawi sa pag-ibig. Yung babaeng laging hinihintay ang Prince Charming na never naman talagang darating kase natatrap sa ibang babae!” Pasigaw na sabi ni Meggy.
“Oo nga mami, pwede ba kahit ngayon lang ipaglaban mo ang nararamdaman mo para dun sa Boy?”
“Pano yan? Eh parang masaya na sila sa isa’t-isa.”
“Pake ko? Since ikaw naman ang nauna, ikaw ang may karapatan dun ke Boy!”
“Talaga?”
Paluhaluha kong tanong, kung makapagsalita naman tong dalawang to parang di ko na kayang tumingin sa kanila sa sobrang hiya.. T.T Ngayon ko lang naisip na sa buong buhay ko, ito na sana ang chance kong maging masaya eh pinalagpas ko pa. Anong nangyayari sakin? Nabubulag nab a talaga ako ng pagibig? Ang pagibig na minsan ay hawak-hawak ko na pero mas pinili kong ipahiram sa iba? Ano nga bang kaibahan naming ng babaeng pinili niya? Oo, sa pisikal madami-dami pero alam kong sa loob, ako ang angat.
Umaga ng sumunod na araw. Di ko iniinda ang nararamdaman at pinilit parin na pumasok sa skwelahan. Pagpasok na pagpasok ko ng room, kantyawan agad tungkol sa kanilang dalawa ang bumungad sakin..
ANAAAAAAAAK NG TOKNENENG NA ORANGE NGA NAMAN OOOOHHOOOOHH! Pwede ba? Tigil-tigilan niyo na ang paglilink sa kanilang dalawa? Di niya naman talaga mahal yung Babae eh! Infatuated lang siya! Inamin niya mismo sa harap ng mukha ko na infatuated lang siya. INFATUATED!!! UGH, umagang umaga nakakabadtrip na agad, palagi nalang ganito. Nakakasuka na lahat! Mga pagmumukha ng taong nasa paligid, ang mga sweet kantyawan ng mga kaklase sa kanila, ang tanging kendi lang naman dito sa classroom na tumutulong para di ako matuluyang sumuka eh itong lalaking ito. HAAAAAAAAAAAY ;) Isang tawa niya lang eh tumatakbo na lahat ng isusuka ko pabalik sa tiyan ko. FYI, di siya campus crush. Di rin siya ang Prom Prince. Simpleng lalaki na nagpapasaya di lang sakin kundi pati narin sa lahat ng taong nakapaligid sakanya. BinuBully siya ng mas malalaking lalaki, haha kawawa naman. Pero di siya naasar, cool lang siya. As in cool lang talaga. Oo, coolang. May KULANG! Hahaha. 'Di biro lang pero oo may kulang naman talaga siya at ako yun. NAAAAAAKS, kilig naman ako ohoh.
Part1- The end where I begin.
Nagsimula lahat ‘to sa konting paghanga ko sa kanya. Sa text ko lang ipinagtapat ang kakaramput na pagtingin ko. Sinabi kong crush ko siya, at first di siya naniwala pero sa katagalan naniwala din ang boylet. Ang di ko lang akalain eh nung sinabi niyang crush niya rin ako! Siyempre masaya ang lola niyo! Ansavee mo? Mag-MU kayo ni crush?! Di Mukhang-Unggoy haa. MU as in Mutual-Understanding! We share the same feelings ee. Ayun, araw-araw na ang pagtetext. Hanggang dumating ang mga araw na hinahanap hanap ko na siya lagi, kahit di gabi gusto ko siyang katext. Gabi lang kase ang toka namin para magtetetetext ting.