October 6, Friday 5:15 PM
Please, help me! Save yourself and your loved ones...
Nabasa kaagad ni Allie ang preview ng mensahe ni Serena sa pag-open niya sa Facebook Messenger niya. Napataas-kilay siya pero iniunang buksan ang mensahe ni Mateo, ex-boyfriend niya.
I'm sorry. Ako ang may problema, saad nito sa Messenger.
"Bastard," naibulong niya. "So, cliche. Wala ba'ng bago?"
Ipinagpalit siya ng boyfriend sa iba matapos ang three years nilang pagiging mag-on. Nasaktan siya. But life must go on. Hawak pa rin ang android phone, ibinagsak niya ang katawan sa kanyang kama.
Naka-uniform pa siya ng Emilio University - beige na blouse with tie at fitted na green skirt. Isa siyang grade 12. ICT ang strand niya. Computer programming ang gusto niyang kunin sa college at dahil last year na niya sa senior high, mas maraming pinagagawang project ang mga teacher. Katatapos pa lang niyang mag-present ng isang group animation project nang hapong iyon.
Ipinikit niya ang mga mata. Pagod at mabigat ang kanyang katawan. Gusto niyang matulog. Niyaya siyang lumabas ng mga kaklase para mag-celebrate sa success ng animation nila, mas pinili niya ang tumuloy sa dorm. Bukod sa hindi niya type ang makipagsosyalan, maaga rin silang uuwi kinabukasan ng ka-dorm na si Cath sa San Luis para sa weekend.
Muling napamulat si Allie sa pagtunog ng cellphone. Tinawagan siya ni Cath. "Yeah?" walang buhay ang tono niya. Bored at pa-bitch.
"Oks ka lang?" Concerned ang matinis na boses ng dorm mate.
"Nag-message siya," kaswal niyang tugon. "The hell with him."
"Mayamaya ako uuwi. Nasa library pa kami." Mapaklang napangiti siya sa sumunod na sinabi nito. "Wait lang. Pagdating ko, pwede mong iiyak 'yang sama ng loob mo."
"I'm fine -"
"Yeah... sabi mo nga." Nawala na ang matinis na boses nito sa pandinig niya.
Napabuga na lang siya ng hangin sabay napatitig sa touch screen ng phone. Nasa Messenger pa rin siya. Unopened pa rin ang mensahe ni Serena. Nai-tap niya ito.
"Seriously?" Napaupo siya sa gilid ng kama. Gustong matawa at mainis. Isang chain letter ang nauna sa naka-preview na message ni Serena. Ikalwang mensahe na pala ang unang nabasa niya sa Messenger.
Napailing na lamang siya sa pagkaasar. Dati niyang classmate sa San Luis Junior High ang babae pero hindi niya ito ka-close. Kaya siguro isa siya sa pinadalhan ng chain letter. Pero mukhang desperada ito. Gumawa pa ng personal message na nagmamakaawa na gawin niya ang pagre-send sa cursed letter.
Yeah, cursed as in cursed daw, naisaloob ni Allie. Muli niyang pinasadahan ng basa ang pamilyar na chain letter.
---------------
FRI AT 4:30 PM
Babala: This is a cursed chain letter. Pwede kang mamatay kung babasahin mo.
Ipadala ang letter na ito sa mga kakilala. Sa loob ng pitong (7) araw ay dapat na makatanggap ka ng tatlong (3) sagot na nagsasabi na ginawa ng pinadalhan mo ang pag-resend sa chain letter na ito.
Mayroon ka dapat na dalawang (2) positibong sagot sa ikaanim na araw dahil kung wala, mamamatay ang isa sa minamahal mo sa araw na iyon; same time na na-receive mo ang chain letter. At kung hindi mo nakumpleto ang tatlong (3) positibong sagot sa ikapitong araw, ikaw na ang mamamatay; same time na na-receive mo ang chain letter.
Kung nabasa mo na hanggang dito. Kinapitan ka na ng sumpa.
Kamatayan ang kapalit kung hindi mo gagawin ang task sa pag-resend at pagpapa-resend sa cursed letter na ito. Kamatayan din ang kabayaran sa mga mandaraya.
BINABASA MO ANG
The Cursed Chain Letter (Published by Bookware)
HorrorAnybody can write a chain letter. Sa tamang salita, pwede silang mangako. Pwede silang magbanta. Kaya naman nang matanggap ng Grade 12 student na si Allison Ferrer ang nakakatakot na chain letter mula sa dating classmate na si Serena, pinagtawanan n...