Chapter 2 - Serena's Death

133 8 2
                                    

October 7, Saturday 8:30 AM

"Will you please, stop?" Nang makakuha ng tyempo, nag-overtake si Allie sa sinusundang pampasaherong dyip. "No one's going to die. That chain letter, same like the others is a joke. It's only natural that I saw blood yesterday dahil dinatnan ako ng monthly period ko."

Depende sa traffic, kaya ng tatlong oras ang byahe mula Maynila hanggang San Luis, Quezon. Five a.m. sila umalis ng kaibigan kaya mga eight thirty ay may kalahating oras na lang silang itatakbo patungo sa home town nila. Pero dahil kaskasero ang matangkad na dalaga, maka-cut pa ang travel time nila ng fifteen minutes.

"Kahit na." Iniayos ni Cath ang upo sa driver's side passenger seat sa biglang pagbulusok nila sa palusong at liku-likong kalsada. "Just for precaution. Wala namang mawawala, di ba? Tatlong tao lang ang kailangang gumawa ng task then okay na. May isang response ka na sa akin... dalawang tao na lang ang kailangan mong i-convince. At konting bagal, please. Gusto ko pang makarating ng buhay sa atin!"

"The chain letter should be read and understood," tugon nito. "Kung hindi ito binuksan o tiningnan lang ang simula, tapos ay hindi binasa pababa, wala itong effect sa makakatanggap at mapuputol ang chain. 'Yung mga nag-Oo sa 'yo na hindi naman binasa ang chain letter, safe sila pero patay ka. Kung binasa naman nila ito, nag-Oo sa 'yo pero hindi din ginawa ang task, pareho kayong patay."

"Ang galing," tawa ni Cath. "So, pinag-aralan mo talaga?"

"Yeah... and its bullshit!"

Cath rolled her eyes.

"At sabi mo kasi, ang mens ko sa beddings ko ang tanging nakita mong dugo?" Ngumisi ito. "Di ba dapat, may kanya-kanya tayong experience sa pagkakita ng dugo?"

Sandaling siyang napaisip. Dahil kaya ginawa niya kaagad ang pagpasa sa chain letter? At sa mahigit na dalawampung taong pinadalhan niya, nakatanggap na siya ng tatlong response?

"May sumagot na sa akin bago matapos ang six-hour notice."

Tinawanan uli siya ng kaibigan. "You are so gullible."

"Kumusta ka na?" Iniba ni Cath ang topic. Nagsawa na sa pang-aalaska ng dalaga. Si Mateo ang tinukoy niya.

"I'm okay." Kaswal ang sagot nito. Medyo nakangiti pa.

Maniniwala sana siya pero alam niya ang pinagdaanan nito at ng ex. Kahapon pa niya ito sinisikap kausapin pero naging dedma lang ito.

"Kailan pa pala niya girlfriend si Jenna?"

Diretso lang ang mga mata ni Allie sa kalsada. Hindi siya sinagot. Then for a brief moment, she saw it. Ang kirot sa mga mata nito. Nang hindi na ito nagsalita, inunawa na lang niya ang kaibigan. Hindi pa ito handang mag-share ng saloobin.

Tahimik na silang nagbiyahe. Mayamaya pa ay pumatak na ang ulan. Nasa vicinity na sila ng San Luis. Same old neighborhood. Maulan at tahimik. Nilampasan nila ang San Luis Academy - alma mater nila ni Allie. Biglang sumagi sa isipan ni Cath ang kaklaseng si Serena. Malapit lang kasi ang bahay nito sa school nila.

Pasimpleng tinanaw niya ang tirahan nito. Puting bahay. Tatlong palapag. May balcony sa second at third floor. Inasahan niya na may mga nagkakagulong tao sa harapan ng bahay. May mobile ng police at ambulance. Pero wala.

"Sabi mo, ikaw ang only hope niya," nasabi niya kay Allie. Nakatingin din pala ito sa bahay nina Serena. "How is she kaya?"

Ang kaibigan naman ang nagtirik ng mga mata at tumuloy na sila sa loob ng bayan. Ikaanim ng hapon nang mabalitaan nila ang aksidente ng dating kaklase.

==========

NAKAPANGINGILABOT ANG KAMATAYAN ni Serena. Freak accident. Nakuryente ito. Sunog din ang kabilang bahagi ng mukha nito.

The Cursed Chain Letter (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon