Chapter 1
.
"Yehey! I'm home!" para akong bata na nagtatatalon sa labas ng NAIA Airport. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao, pero wala akong pakialam.
Pumara ako ng taxi at nung tinanong kung saan ako ihahatid....
"Malay ko, kaya nga ako sumakay dito para ihatid mo ako diba? Shunga ka kuya." tanging sagot ko.
Naiinis akong pinalabas ng taxi driver.
Problema nun? Menopause?
Ka-BV.
Nung pagkalabas ko ng taxi ay may tumawag sa pangalan ko.
"Haruna!" nakita ko sa di kalayuan si Kuya Harold.
Nilapitan ko siya at niyakap.
"Ano bang ginagawa mo Haruna? Bakit ka sumakay sa taxi?" tanong niya.
"Ang shunga mo rin kuya eh, eh di malamang para magpahatid. Ano bang ginagawa sa taxi?" sabi ko.
"Kahit kailan tanga ka pa rin Haruna... Tss. Halika na nga, uwi na tayo." sabi ni kuya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.
Nang simulan na ng kuya niya na paandarin ang sasakyan ay nagsalita ulit ito.
"Bakit ka ba pinatapon ni papa dito? Now I have to live a whole school year with you." sabi ni kuya na halatang naiinis.
"Pinatapon talaga? Hindi ba pwedeng binugaw muna?" tanong ko.
"Cut the crap Haruna, hindi ka na bata." sabi niya.
"I'm 16. Bata pa ako." sabi ko.
"Kailan ka ba magiging matino kapag kinakausap kita?" naiinis na sabi niya.
"Matino naman ako ah! Baka nga ikaw yung abnormal diyan kasi ikaw yung bigla na lang lalaki ang butas ng ilong at papagalitan ako!" sabi ko.
"Ang childish mo." sabi niya.
"Oldie ka naman." sabi ko.
"What?!" tanong niya.
"Hindi ko maintindihan yung mga tao! Lagi na lang tinatanong kung What? Ano? Nani? Pero narinig naman nila yung sinabi." sabi ko.
"Ang kitid talaga ng utak mo." sabi ni kuya.
Tumahimik na lang ako. Nakaka-BV siya ah!
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa entrance ng subdivision kaya't tutok na tutok ako sa labas para makabisa ang daan para kapag tatakas ako ay madali lang.
"Malapit na tayo." sabi ni kuya.
"Tinatanong ko?" mataray kong tanong.
"Tss."
Nang pinarada ni kuya ang sasakyan para hintayin yung pagbubukas ng mga katulong sa gate ay bumaba na ako at binuksan ang pinto ng mansion at walang sabi-sabing sumigaw.
"Tadaima! (I'm home!)" sigaw ko.
"Okasan! (Mama) Your one and only daughter is home!" sigaw ko ulit. Doon ko lang napansin ang 4 na kalalakihan sa living room.
"Oh, may bisita pala si kuya. Naks lumelevel up, lalaki na ngayon ang sumusuyo kay kuya." sabi ko.
Eros's POV
"Oh, may bisita pala si kuya. Naks lumelevel up, lalaki na ngayon ang sumusuyo kay kuya." literal na nanlaki ang mga mata naming magkakaibigan.
"Sinasabi mo bang bakla kami?" tanong ni Miguel.
"Oist! Di kami bakla ah!" pagtatanggol ni Rio.
"Defensive? Wag kayong mag-alala, gay friendly ang Pilipinas kaya ayos lang na magladlad kayo. " sabi ng babae na parang naaawa pa saamin.
"Sh*t! Sa tingin mo ba bakla kami? Gayong hitsura namin ay pangmodelo?" naiinis kong wika.
"Oh bakit? Hindi niyo ba alam na sa henerasyon natin gayon ay ang mga bakla ay kadalasang mga gwapo?" tanong nito.
"So sinasabi mong gwapo kami?" tanong ni Samuel.
"Oo, pero sayang closet queen kasi kayo eh." sabi nito na parang nanghihinayang.
"Sinabi nang hindi kami bakla eh! Gusto mo ng pruweba?" naiinis na tanong ni Rio.
"Haist, para kayong si Kuya. Parehong mga defensive. Kungsabagay, parehas kayong mga bakla eh." parang tanga nitong sabi at umakyat ng hagdan.
"Oi, di tayo bakla ah." sabi ni Miguel.
Saka lamang dumating si Harold.
"Oi, nakita niyong may pumasok na chakadal dito?" tanong niya.
"Hindi pare! Manika ang pumasok!" namamangha pang sabi ni Samuel.
"Yung tilapiang yun? Manika? Sus, parang sinaksakan ng glutha sa kaputian." sabi ni Harold.
"Oi Harold, alam mo bang napagkamalang kaming bakla ng kapatid mo?" tanong ni Rio.
"At sinabi niyang bakla ka rin." sabi pa ni Miguel.
"Langyang chakadal." sabi ni Harold.
"Napaka OA niyo. Para namang totoo yung sinabi niya. Kaya kayo napapagkamalan eh, mga defensive kasi." sermon ko.
"Opo Father." sabay nilang sabi.
"Tado! Kain na tayo, gutom na ako." sabi ko.
Pumanhik kami sa dining room at naghain na yung mga katulong nila ng maraming pagkain.
"Wow! Jackpot! Gutom na ako eh! Thanks manang Lita!" sabi ng babae kanina at umupo sa katabing upuan ni Harold.
Tila nabigla naman ang pinakamatandang katulong sa pagdating ng dalaga.
Haruna's POV
"Oh, Haruna. Nakauwi ka na pala." sabi ni Nana Lita.
"Ay hindi manang, wax figure ko lang ito. De joke, miss you Nana." sabi ko at yumakap dito.
"Oh, kumain ka na." sabi ni Nana.
May nakita akong teriyaki at agad na kinupit ito mula sa plato ni Harold at tinikman.
"Yak! Ang pangit ng lasa! Bakit lasog-lasog?! Nana kailan pa pumangit ang lasa ng luto mo?! Sa ganito mong luto mas pipiliin ko pang magpakagutom!" madramang sabi ko.
"Ay jusko kang bata ka. Hindi ako ang gumawa niyan. Isa sa mga kaibigan ng kakambal mo ang gumawa." sabi ni Nana.
"Oist, kung sino man gumawa nito wag na kamo siyang magluto pa kung ayaw niyang makapatay. Grabe dre, pangit ng taste mo." sabi ko at kumain na lang ng ramen.
Walang nagsalita alin man sa mga kaibigan ni Harold.
Aba dapat lang! Wala silang karapatang pumatay ng tao gamit ang pamatay na luto nila!
"Oi, makapagsalita tong chakadal na ito. Sino ba ang nagsabi saiyong tikman mo yung teriyaki?" tanong ni Harold.
"Wala. Pero kailangan bang magpaalam pa kung nakahanda na ang pagkain sa mesa?" tanong ko.
"Nasa plato ko na yung pagkain. Ibig sabihin akin na yung pagkain." sabi naman ni Harold.
"Ano ba iyan, pati lang dahil sa pamatay na pagkain aawayin mo ako. Ang babaw ng standards mo tol." sabi ko.
"Seriously chakadal, nakahithit ka ba ng katol?" tanong ni Harold.
"Bakit?" tanong ko.
"Kasi sa bawat pagkikita natin mas lalong lumalala yang pag-iisip mo." sabi ni Harold.
"Boom Panes!" sigaw ng mga kaibigan niya.
"Eh ikaw Harold, nakahigop ka ba ng sandamakmak na utot?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya, "Bakit?"
"Kasi ang baho na ng nilalabas ng bibig mo. Grabe pamatay." sabi ko at tumayo na at gumayak sa kwarto.
Pero bago pa ako tuluyang makaakyat ay may narinig ako.
"Grabe, may sapak sa ulo ang kapatid mo pare."