Chapter 2

52 0 0
                                    

Haruna

Mga 5:30 ng umaga ay nagising ako para maghanda sa pagpasok sa school. Mga 30 minutes lang ata ang nagastos kong oras para maghanda sa pagpasok sa school. You see, hindi ako yung typical girl na mabagal mag-ayos, mahilig maglagay ng burloloy sa katawan at mahilig magshopping. Well I'm the complete opposite.

Sinuot ko na yung uniform ng bago kong school at kinuha ang bag ko.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Harold na nakauniform na at mukhang hinihintay ako.

"Tara na." sabi niya.

"Huh? Eh hindi pa ako nag-aalmusal, gutom na ko!" sabi ko.

"Sa school ka na kumain. Male-late tayo kung kakain ka pa." sabi pa niya kaya no choice ako at sumakay na lang sa kotse niya. Infairness, ang ganda ng Blue Lamborghini ni Harold ah.

"Oi, saan mo nabili tong sasakyang toh? Siguro inarbor mo to." sabi ko.

"Bigay saakin ni papa yan." sabi ni Harold.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Ang daya ni papa! Ako na pabili ng pabili ng kotse hindi mabigyan pero si kuya binigyan?! Nasaan ang katarungan?

"Ang daya! Bakit ikaw binigyan ng kotse?!" pasigaw kong tanong.

"You should ask him." sabi ni Kuya.

Ang serious niya masyado ah.

Nang makarating na kami sa parking lot ng school ay naghana na agad siya ng parking space at pinarada ang sasakyan.

I must say, punong-puno yung parking lot ng magagandang sasakyan. Typical Rich Kids.

Nagulat na lang ako nang iwan na lang akong mag-isa ni Harold... tumatakbo ito palayo!

"Harold!" sigaw ko kaya naagaw ko ang pansin ng ibang estudyanteng nasa parking lot.

"You can't leave me here! I don't even know this place!" hindi na niya ako narinig dahil nawala na siya sa paningin ko. Grr. Humanda ka saakin.

Hanap ako ng hanap ng information desk pero wala akong makita dahil nakakalula ang laki ng schoop na ito, akala ko ay isang typical highschool lang pero akala mo pang-college dahil bawat year ay iba-ibang building at bawat club may sariling building.

Bawat taong nadaraanan ko ay may mga sariling comments... na maganda raw ako.. na baguhan lang daw ba ako... na exchange student daw ba ako pero isang lalaki ang nakakuha ng pansin ko dahil lumapit ito saakin.

"Hey miss, naliligaw ka ba?" may lumapit saaking isang gwapong lalaki... nakikipag-flirt pa, di kita type!

"Nakita mo na nga nagtatanong ka pa." mataray kong sabi.

"Ang sungit mo naman miss. How about sharing a table with me this lunch? My treat." sabi ng lalaki.

"Masyado kang FC kuya." sabi ko at naglakad na palayo. Nakita ko yung parang mga kabarkada nung lalaki na nagtatawanan.

"Hoy miss! Hindi mo ba alam na wala pang tumatanggi saakin?" tanong nung lalaki.

"Hindi, pero I'm glad to be the first one to refuse your offer." sabi ko.

Tumakbo agad ako at nang mawala na sila sa paningin ko ay muli kong hinanap ang information desk.

10 minutes later....

Sa wakas! Narating ko na rin ang classroom ko.

*knock knock*

Kumatok ako para kunin yung pansin ng guro.

Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon