Chapter 3

24 2 0
                                    

Haruna

Hindi ako pinansin ng damuho buong klase. Siya pa ang ganang hindi mamansin siya na nga tong nagnakaw ng halik.

Nang matapos ang klase ay agad akong pumunta ng parking lot para mahabol si Kuya.

Nang makita ko siya ay kaakbay niya yung si Dessa habang nakasandal sa kotse niya.

"Harold! Honeybee!" sigaw ko para matawag ang pansin nila.

Nung makalapit na ako sakanila ay niyakap ko si Harold at umabriset dito.

"Harold, uwi na tayo." sabi ko.

"Drop the act Haruna, alam na ni Dessa na kambal kita." sabi ni Harold.

"Ay ganun? Hey Dessa! No violent reaction?" baling ko kay Dessa.

Umiling ito bago katamis na ngumiti. "No violent reaction."

"I guess you're different from my brother's previous girlfriends especially that darn witch!" sabi ko.

Nakita kong umasim ang mukha ni Harold dahil alam kong kilala niya yung sinasabi kong witch.

"Okay uwi na tayo." sabi ko at akmang sasakay na ako nang may brasong pumulupot sa bewang ko at binuhat ako sa isang kotse.

"Sorry to ditch you sis, alam ko kasing iistorbohin mo lang kami kaya gusto kong solohin si my labs." sabi ni kuya.

Eww...

"Eros? Gyaaah! Ibaba mo ko! Kaya kong umuwi mag-isa!" sigaw ko kay Eros dahil nilock niya ako sa loob ng kotse niya.

"Sasabay ka saakin. Look oh, iniwan ka na ng kakambal mo." sabi ni Eros at nginuso ang papaalis na kotse ni Harold.

Langya yun!

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang sa kotse. Nasa kalagitnaan na kai ng highway nang makaisip ako ng katangahan.

Binuksan ko ang pinto ng kotse at hinayaang nakabuyang-yang habang tumatakbo ang kotse.

"What the f*ck Haruna?! Are you trying to get yourself killed?! Close the door!" sigaw niya saakin.

"Nah, I'm enjoying the view here." sabi ko.

"F*ck!" mura ni Eros nang may sumalubong saaming sasakyan at nagasgasan ito.

"Oops?" sabi ko.

Itinabi ni Eros ang kotse at bumaba naman ang may-ari ng nagasgasang kotse na isa palang matandang matabang lalaki.

"What's your problem young man? Opening your car door can cause an accident! Like what happened to my car!" sermon ng matanda.

"Puhlease, it's only a scratch, it can be fixed easily." sabi ko.

"Aba! Kayo na nga ang nakadisgrasya kayo pa ang may ganang magalit! Wala ka pang respetong babae ka!" galit na singhal ng matanda.

"Sir, we can talk about the damage my girlfriend cause but please don't think of my girlfriend that way. She was only having fun." sabi ni Eros. Tumango ako pero...

Girlfriend?

Sa hindi malamang dahilan ay kinilig ako dahil pinagtanggol niya ako..

Pinag-usapan nila ang damage, binigyan ni Eros yung matanda ng 500 pesos para ipaayos yung damage.

"Oist! Eros! Sorry ah, sabi mo nga, I was only having some fun." sabi ko pero di niya ako pinapansin.

"Ui Eros, sorry na!" still, wala siyang sagot.

Ilang beses ko pa siyang kinulit hanggang sa nag-burst na siya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo Haruna?! You could have gotten killed! P-pwede kang m-matangay kung hindi ka lang mabilis na umiwas! God I was worried!" sigaw niya.

He cares for me!

"Oist, sabihin mo nga..... crush mo ko noh?" sabi ko at tinataas baba ang kilay ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-drive.

Nang makarating na kami sa Mansion ay agad akong tumungo sa dining room.

Nakita ko sina mama, papa, Harold at yung girlfriend nito.

"Oh? Kumpleto tayo ah?" sabi ko.

"Nasaan si Eros?" tanong ni Kuya.

"Nasa labas baka pinapark pa ang kotse niya." sabi ko at umupo sa upuan ko sa dining room.

"What's the catch? Bakit kumpleto tayo? Siguro may reason kayo noh?" sabi ko.

Tapos napadapo ang tingin ko kay Dessa.

"Oh my gosh! Wag mo sabihing nabuntis ka nitong hudas kong kakambal?" tanong ko.

"Tsk, honey. Kailangan ba may dahilan may sabay-sabay tayong mag-dinner?" tanong ni papa.

"Well, we barely eat lunch, breakfast nor dinner so I think there must be reason to gather us here for dinner." sabi ko.

"Nga pala, Harunyan, bakit ang tagal niyong makarating?" usisa ni mama.

"Ah... eh... kasi...."

"Nasiraan po kasi kami sa gitna ng kahabaan ng highway kaya naghanap pa kami ng mechanic shop eh." sabat ni Eros na kakapasok lamang.

"Ah ganun ba?" sabi ni mama.

Nagsimula na kaming magkwentuhan habang kumakain.

"So, Dessa. Kailan pa kayo magkatuluyan ng binata namin?" tanong ni papa.

"*ehem* Pa!"si kuya.

"Magn-9 months na po." magalang na sagot ni Dessa.

"Tapos niligawan ko siya ng 3 months kaya in total ay isang taon na kami." sabat ni kuya.

Binalingan naman ako ni papa.

Oh no...

"Kayo iha? Magiilang buwan na kayo?" tanong ni papa.

"Pa! We barely knew each other for one day! Tapos relasyon agad?" tanong ko.

"Oh bakit? Knowing most children this days, isang araw pang ang ligawan." sabi ni mama.

"Well I'm not including to those MOST children this days, ma. Ibahin mo ako." sabi ko.

"Don't worry pa, ma. Magiging akin rin si Haruna lalo na't may pinanghahawakan ako." mayabang na sabi ni Eros.

"Pinanghahawakan?" tanong ni Harold.

"Opo, ako po ang nakakuha ng first kiss ng dalaga niyo." mula nang sabihin ni Eros iyon ay hindi na kami tinigilan nina mama at papa. Parang mga teenager lang ang peg nila kung makatsismis.

.

.

.

a/n maikli lahat ng updates ko pero ito yung pinakamaikli. Promise ko na dadamihan ko ang chapters.

GekikarAmakuchi03

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bad Boy's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon